G-Island

15 2 1
                                    

Vonrogo Johanru (Hello everyone) Rena Marguerite at your service. Now, pagusapan naman natin ang tungkol sa pinaka-malaking mundo sa buong Magicae Dimensionem.

Let's start...

_________________________________________

"Ang G-Island ang pinaka-malaking mundo sa buong Magicae Dimensionem, ito ay nahahati sa limang kontinente ang Eliomitalia, Miago, Center Village, Giora at ang Sioraseru. Ang Eliomitalia ay nahahati sa apat na tribo, ang Water tribe, Air tribe, Fire tribe at ang Earth tribe. Ang mga Water tribe ay may tattoo (kagaya ng nasa itaas, water sign) sa isang parte ng kanilang katawan na nagpapatunay na kasapi ng tribo ang isang 'Elios' (tawag sa mga nakatira sa Eliomitalia). Gaya na lamang nang naunang tribo ang Air Tribe, Fire tribe at Earth tribe ay may tatto sa isang parte ng kanilang katawan na nagpapatunay na sila ay kasapi sa tribong iyon. Sa Water tribe, ang Water Fairy na si Aquaria, ay sinasamba ng mga taga-tribo. Ang Royal Clan, Vandens Clan , ang namumuno sa buong Water tribe. Sa Air tribe ang Air Fairy na si Airielle ay sinasamba ng mga taga-tribo. Ang namumuno naman dito ay ang Clan ng Pavietra. Gaya ng naunang tribo sinasamba rin ng mga taga-Earth at Fire tribe ang Earth at Fire Fairy, at ang namamahala sa Earth tribe ay ang pamilya ng mga Ziamlia habang sa Fire tribe ay ang pamilya ng Ignisustrina. Ang mga 'Elios' ay kayang gumawa ng kanilang pang-atake, hindi nila kailangan mag-hanap ng source para lang gamitin ang kanilang mga kapangyarihan. Susunod na kontinente ay ang Miago. Ang Miago ay parang kontinente ng Australia sa mundo ng mga mortal, walang bansang nakapaloob dito. Ang mga 'Mian' (tawag sa mga naninirahan sa Miago) ay gumagamit ng mga wand upang gamitin ang kanilang mga kapangyarihan. Ang namamahala sa kontinenteng ito ay ang pamilya ng Derionluz. Susunod na Kontinente ay ang kontinente ng Giora na nahahati sa tatlong tribo, ang tribo ng Blaire, Archieo, at ng Guinion. Ang mga 'Blairians' (tawag sa mga naninirahan sa Blaire) ay gumagamit ng mga espada, o kahit na anong matatalim na bagay upang magamit nila ang kani-kanilang mga kapangyarihan. Ang pamilya ng Leriolnelle ang namamahala sa tribong ito. Ang mga 'Archians' naman ay gumagamit ng bow and arrow para gamitin ang kani-kanilang mga kapangyarihan. Ang pamilya ng Mozualiore ang namamahala sa tribong ito. Sa tribo ng Guinion namamahala ang pamilya ng Aritoliere, ang mga 'Guinionians' ay gumagamit ng iba't ibang klase ng baril upang gamitin ang kanilang kapangyarihan. Susunod na kontinente ay ang Sioraseru, gaya ng Miago, ang kontinenteng ito ay walang nakapaloob na bansa dito, ang kontinenteng ito ang nakaka-angat pag-dating sa teknolohiya, ang mga 'Siorians' ay ginagamit ang kanilang kapangyarihan upang gumawa ng iba't ibang klase ng makina at teknolohiya. Ang pamilya ng Terkienoji ang namamahala sa kontinenteng ito. Ang susunod na kontinente ay ang kontinente ng Center Village, ang mga naka-tira dito ay nahahati sa limang lebel ang mga Level 1 ay ang mga gi-uane (tawag sa nakatira sa G-Island) na may mahinang kapangyarihan, ang mga Level 2 ay ang mga gi-uane na may katamtamang lakas ng kapangyarihan, ang mga Level 3-4 ay ang mga gi-uane na may malakas na kapangyarihan, ang mga Level 5 ay ang mga gi-uane na may napaka-lakas na kapangyarihan. Bibihira lamang ang umaabot sa Level 5, kaya gi-uane ang tawag sa mga nasa Center Village ay halo-halo ang race ng mga nakatira dito. Nasa Center Village ang pinaka-tanyag na paaralan, ang Elementria Academia. Ang Elementria Academia ay isang paaralan kung saan ang mga estudyante ay binibigyan ng misyon upang mapanatili ang kapayapaan ng G-Island. Ang mga gi-uane na ang lebel ng kapangyarihan ay Level 2 ay binibigyan ng Level C Mission, nakapaloob dito ang pag-huli sa mga magnanakaw. Ang mga Level 3 gi-uane ay binibigyan ng Level B Mission, ang mga gulo gaya ng mga away sa loob at labas ng E.A ang nakapaloob dito. Ang mga Level 4 gi-uane ay binibigyan ng Level A Mission, nakapaloob sa misyong ito ang pag-huli at pag-patay sa mga hamilaw at masasamang loob na nangugulo sa G-Island. Ang mga Level 5 gi-uane ay binibigyan ng Level X Mission kung saan nakapaloob ang pakikipaglaban sa mga 'Delian' (mga naninirahan sa Hakyuu, ang pinaka-madilim na mundo sa buong Magicae Dimensionem, ito ay nasa pinaka-kadulu duluhan ng Magicae Dimensionem). Ang tawag ng mga gi-uansa kanilang ginagamit upang maka-bili ng kani-kanilang kailangan ay 'Gio Mione' or 'GiMi' ang isa nito ay katumbas ng 100 piso sa mga mortal.

1 G° = 100 pesos
10 G° = 1000 pesos
100 G° = 10000 pesos

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Magicae Dimensionem (Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon