History

20 3 0
                                    

Vonrogo Johanru (Hello Everyone) I'm here again, Rena Marguerite at your service.

So ngayon, ikukuwento ko sa inyo ang kasaysayan ng Magicae Dimensionem.

Let's Start, Now!!

____________________________

" Ilang libong taon na ang nakararaan, magkasamang namumuhay ang mga mortal at ang mga Diyos at Diyosa kasama ang mga Guardians (mga nakatira sa G-Island, Caelum, Dragunov at Infernum ngayon). Payapang namumuhay ang mga ito sa kabila ng napakalaking agwat sa kanilang mga kakayahan. Ngunit hindi rin nagtagal ang payapang samahan dahil sa pagiging maka-sarili ng mga mortal, gusto nilang makuha ang mga kapangyarihang taglay mga Guardians, kaya pinag-aralan nila ang isa sa Guardians, at makalipas ang 20 taong pag-aaral sa mga Guardians nakatuklas sila ng isang paraan upang mapasakanila ang mga kapangyarihang taglay ng mga Guardians. Ang paraang natuklasan nila ay mapanganib para sa mga Guardians dahil ang paraang natuklasan nila ay ang pag-higop sa kapangyarihan at life-force ng mga Guardians. Ngunit dahil sa likas na sakim ang mga mortal ay itinuloy parin nila ang kanilang balak kahit na alam nilang manganganib ang lahi ng mga Guardians. Nang umabot sa mga Diyos at Diyosa ang pagkawala ng ilang mga Guardians at ang mga kakaibang kakayahang ipinapakita ng ilang mga mortal ay naghinala na silang may kinalaman ang mga mortal na ito sa pagkawala ng ilang mga Guardians. Sinubukan ng mga Diyos at Diyosa na kausapin ang mga mortal tungkol sa pagkawala ng ilang mga Guardians ngunit hindi sila nagsalita. Sinubukan din nilang itanong kung saan galing ang mga kakaibang kakayahang ipinapakita ng mga mortal pero gaya nung una hindi rin nagsalita ang mga mortal. Lumipas na ang dalawang taon pero hindi parin alam ng mga Diyos at Diyosa ang nangyayari kaya't naisipan nilang humiwalay sa mga mortal at gumawa ng kanilang sariling mundo. Nang umalis ang mga Diyos at Diyosa kasama ang mga natirang Guardians, nakahanap ang mga mortal ng paraan upang gumawa ng artificial power/magic. Simula noon hindi na muling nagtagpo ang landas ng mga Guardians at mga mortal."


________________________________

Yosh, ngayong alam niyo na ang history ng Magicae Dimensionem. Susunod naman ang bawat mundo.


Rena Marguerite at your service

Ginemensiore (Goodbye) :*

Magicae Dimensionem (Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon