nakapagmove on na ko kay echo. haha. nagmove on kahit di naman dapat ??3rd year college na ko ngayon. happy naman kahit OP parin lagi pag kasama ang ,mga in a relationship kong friends . ok lang dinadaan ko nalang sa pagccellphone every time i feel so lonely.
FROM:unknown number
Hi <3
huh? sino to ? sakto may makakatext ako ngayon magiging busy na ko habang yung 3 busy din sa mga bf nila. wahahaha
TO:unknown number
?? hi :)
FROM:unknown number
Dan to. :)
TO:unknown number
oh? Dan ikaw pala. bakit?
FROM:unknown number
nothing :0
TO:unknown number
so? trip mo pala ko ngayon?
FROM:unknown number
no im not. never kitang pagttripan
TO:unknown number
ahaha. sabi mo eh
ang dami naming naging topic ni Dan.nasa iisang village kami. medyo malayo lang ng konti. mabait, pogi din naman information technology ang course.ahead ako sa kanya ng 2 years.
simula non. lagi ko na syang katext. di ko na napfeel na loner ako. ang sweet nya katext. close na nga kami e. sobra. kaso sa text lang. di ko pa sya nkikita in person. i mean nakita ko na sya ilang beses na nga e. kaso di pa naman kami nun textmate nung mga time na yun
FROM : DAN
liligawan kita huh.
TO: DAN
oi. wag na. lakas naman ng trip mo e
FROM : DAN
sabi ko naman sayo e. hindi kita tinitrip. im serious.
TO: DAN
haha. ang lakas mong magjoke
ang tagal naming pinagtalunan sa text yung panliligaw nya. oo parang gusto ko ng magpaligaw. sya lang kasi ang tanging manliligaw (kung sakali man na pumayag ako)na hindi na tinatanong kung pwede bang manligaw sya kasi sinabi nya lang na "liligawan kita huh." di ko man sinabing oo parang ganun na din ang nangyari. nililigawan nya na ko.
1 week kaming laging magkatext gusto nyang makipagmeet pero lagi akong natanggi. kesyo busy ako sa school. nagawa ng project at family day sa sunday. ewan ko ba di ko feel na makipagmeet. sweet sya oo. mabait sobra. at yan yung ayaw ko . wierd diba? kasi nga gusto ko medyo bad boy at mapang asar di yung sobrang sweet pero syempre dapat sweet pa rin minsan pero di lagi. HAHA. gulo ba? sorry na. basta gets nyo na yun. wahaha. tinext ko sya sabi ko wag nya na kong ligawan. ang kulit nya sobra liligawan pa rin daw nya ko. sabi ko nga study first aba kaya naman daw nyang maghintay. kinilig ako ng konti pero ayaw ko na talaga magpaligaw in the first place di naman talaga ko pumayag mapilit lang sya.
*monday
nasa school ako ngayon wala na namang makausap . di ko naman na tiinetext si Dan. baka kasi sabihin nya pinapaasa ko sya.
*alone
*alone
haist. napapanis na laway ko ah
Bzz. Bzzz
FROM : DAN
hi <3 how are you ?
ayan. ang kulit talaga. tsk dala ng pagkaboring nakipagtext na naman ako sa kanya. pag katext ko sya gusto ko syang maging bf. pero pag hindi na ang dami kong naiisip kung bakit ayaw ko syang maging boyfriend.
Una->>ahead ako sa kanya ng 2 years
pangalawa->> ahead ako sa kanya ng 2 years
pangatlo->> ahead ako sa kanya ng 2 years
pangapat->> ahead ako sa kanya ng 2 years
at panglima->> ahead ako sa kanya ng 2 years
haha..big deal yan para sakin kahit na 2 years lang. ang masama pa mas matanda ako. gusto ko kasi mas ahead sakin ng 1 or 2 years lang mas better kung same age.
ilang days pa kaming nagkatext at nalalaman ko na ang tunay nyang ugali. mabait pa rin naman kaso gusto nya alam nya ang mga gagawin ko. gusto nya katext nya ko lagi na hindi naman pwede kasi madami din naman akong pinagkakaabalahan.minsan nagrereply ako sa mga texts nya minsan naman ayoko ko. minsan nga delete agad pag nalaman kng sya yung sender ng message. alam mo yung feeling na type mo naman sya kaso ikaw na mismo ang nakontra. iniisip ko din kasi kung anong sasabihin ng iba kasi nga ahead ako sa kanya. ako kasi yong tipo ng tao na iniisip din ang sasabihin ng iba bago ko gumawa ng mga desisyon hindi dahil sa takot akong mahusgahan, partly oo. pero mas lamang yung concern ko about sa magiging feeling ng family ko. medyo kilala kasi ang family ko in the name of business.
sinabi ko naman sa kanya na wag na kong ligawan. kaso ang lagi nyang sagot bakit daw ayaw ko sa kanya ? di ko naman masabi na kasi nga hindi sya ang type ko. ang sama naman ng ugali ko pag ganon e di naman ako dyosa para magmaganda.i mean oo like ko sya. pero mas lamang yung feeling na ayoko ko sya as my boyfriend. kaya sabi ko bestfriend nalang kami. bibigyan ko nalang sya ng ibang textmate, kaso ayaw nya ako daw kasi ang guso nya. nagsisimula na nga daw nya kong mahalin e. kinukulit nya ko lagi hindi na nga ko nagrereply e. at yan ang pinoproblema ko. buti nalang open ako sa mga kuya ko,pinapagaan nila ang loob ko. dedma nalang kahit natawag sya sakin.lilipas din to pag di na ko nagparamdam sa kanya yan ang payo sakin nina kuya jonas
BINABASA MO ANG
Choosy but Surely
Short Storythis story is just a product of my imagination. Please do read . vote. comment. share . people, places and situation is not intended, again ITS JUST A PRODUCT OF MY IMAGINATIONS .thankie xD