One

119 1 0
                                    

Para kay crush,

Hi crush, naalala mo pa ba ako? Siguro hindi na, pero kung oo well thank God naman. Ako nga pala to, si Ynah, yung habol nang habol sayo dati. Yung patay na patay sayo, yung bubuntot buntot sayo, yung admirer at stalker mo. Naalala mo pa ba yun? Alam kong nakalimutan mo na, kasi nga di naman ako ganun ka importante sayo. Naalala mo pa ba yung una tayong magkita noon? Yung nasa lobby tayong dalawa? Kasama ko yung mga kaibigan ko at nakita kita. Hindi ka pa nga pinapasok nung guard natin kasi may earrings ka, ikaw kasi napaka bad boy mo. Alam mo ba, nung nakita kita, na impressed mo talaga ako. Ang cool mo kasi, tapos naka black ka, medyo suplado ka kung tignan. Kinuha mo nga yung hikaw mo para makapasok ka sa school at nung nakapasok ka, panay yung titig ko sayo. Ang gwapo mo kasi. Sa sobrang titig ko sayo, nahuli mo ako, akala ko nga issnob mo ako, pero laking gulat ko na nagsmile ka sa akin. Alam mo, yung smile mong yun ang nagparamdam sa akin ng feeling na parang matutunaw. At yun nga palagi na kitang tinitignan.

Alam ko, di mo yan alam kasi nga secret ko lang yan eh. Syempre nahihiya talaga ako dati sayo.

Palagi nga kitang hinahanap sa school, at nagsilbi kang inspirasyon sa akin. Palagi akong pumapasok para lang makita kita. At palagi kong sinasabi sa sarili ko na balang araw makikilala kita. Grabe ka talaga crush, ikaw yung nagsilbing way na maging masaya ako kung badmood ako.

Alam mo ba palagi kong inaalam kung nasaan ka, palagi kasing nasa com lab noon yung klase niyo kaya palagi din akong nadoon. Talagang alam ko lahat noon yung schedule mo, talo ko pa yung assessment card mo eh.

Baliw talaga ako noon sayo, kahit parang magnanakaw na akong tignan okay lang.

Naalala ko pa nun, nung may klase kayo nandoon kami ng mga kaibigan ko sa labas room niyo. Hinihintay na makalabas ka. Vacant kasi namin nun. Alam mo bang palagi kitang inaabangan kapag uwian na? Kasi nga inaalam ko kung uuwi ka na.

Kahit ilang beses mo na akong nahuling nakatingin sayo, napapasmile ako lalo. Kasi nafe-feel ko na malapit na kitang makilala.

Alam mo isang beses, nahuli ako ng teacher kung nakatulala, kasi nga iniisip kita. Desperada kasi akong malaman yung name mo. Tinanong ako ng teacher ko tungkol sa topic namin, pero di ako nakasagot. Pero okay lang crush, kasi ikaw naman yung iniisip ko eh.

Pagkatapos nung eksena sa teacher ko, nag-promise talaga ako na magaaral na. Kasi nakakahiya naman sayo crush kapag di ako makakapasa.

Ikaw yung ginawa kong inspirasyon para kahit papano may ipagmamalaki ako sayo.

Natatandaan ko pa tuloy nung, nagsosolve ako ng problem sa physics, at dumaan ka sa room namin. Syempre kinakabahan ako nun, pero kasi nandiyan ka kaya ginalingan ko. Nung dumaan ka ay panay ang tingin ko sayo kaso this time kahit sobrang lapit mo, di mo ako napansin. Busy ka kasi sa phone mo at lalo na naka-earphones ka.

Akala ko nga titingin ka sa akin pero mali ako. Alam mo parang nalungkot ako nun. Kasi nga pinakita ko yung galing ko pero di ka man lang sumulyap sa akin. Pasensya crush kung ang assumera ko, ikaw kasi nagpakita ka pa sa akin kaya ayan na-attract tuloy ako sayo.

Di naman mag-tatagal yung feeling nato eh, kasi nga crush lang naman. Pero kahit na ganyan, patuloy parin kitang susuportahan.

-Ynah

Para Kay CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon