Four

30 0 0
                                    

Para kay crush,

Good day crush, alam mo ba, nabalitaan ko na magkaklase pala kayo ng friend ko. Kasi nakita ko siya nung dismissal nyo na lumabas din ng room niyo. So yun nga tinanong ko siya kung kilala ka ba niya. Alam mo, laking pasasalamat ko kasi nalaman ko na ang pangalan mo.

Kevin Chua pala name mo crush. Bagay nga sayo, pang bad boy na name. Alam mo bang palagi kong iniisip yung pangalan mo at kahit di na uso, kahit college na ako, nag-cacandle flames parin ako. Kaso palaging enemies yung result. Pero di bale, di naman ako naniniwala diyan eh. Kasi yung mas pinaniniwalaan ko yung nararamdaman ko sayo.

Halatang half ka nga kasi ang gwapo mo, siguro maraming nagkakarandapa sayo. Alam mo bang iniisip ko rin dati na kapag makikilala na kita, yan na yung pinakamasayang mangyayari sa buhay ko. At nagkatotoo nga, siguro worth it din yung papansin na ginagawa ko sayo.

Ngayon, alam ko na yung pangalan mo, kaya sinearch kita sa fb para ma-add at ma-stalk kita. Sorry if I sounded like stalker, kasi totoo naman eh, bagay akong maging stalker mo kasi pangit ako, gwapo ka. So, after ng search ko ay hinanap ko mismo yung account mo kahit na maraming Kevin Chua yung nasa results. 

In the end, nahanap kita, wow! grabe ang famous mo pala, nag-babanda ka, ang pogi ng PP mo. Inadd kita, kaso nag-reached ka na sa maximum friends kaya follow nalang. Ang saklap naman pwedi bang mang-unfriend ka muna? kahit sampo lang. Para naman maka-join ako sa list of friends mo. Pero ayos lang kahit hanggang follow nalang, yan naman kasi yung papel ko, follow nang follow sayo.

Alam mo bang ang saya saya ng feeling ko noon kasi, nakilala na kita, na-follow na kita sa fb. Minsan nga na-tetempt akong i-message ka kaya lang, baka isipin mo na FC ako sayo. Oo akala mo ba, wala na akong hiya? syempre kahit ganito ako, natotorpe din ako. Haha akalain mo, ako pa yung natotorpe, eh ka babae kong tao, ganyan yung mararamdaman ko. Kung sa bagay nga di naman talaga ako ganyan dati, sayo lang ako nagkakaganito.

Nandito ako sa labas ng room niyo. Nag-kukunwaring pupunta sa friend ko. Kaya nga nagtanong ako, ang ganda naman ng pagkakataon na nandiyan ka sa pintuan. So, yun tinanong kita. tanging sagot mo lang ay "oo". Pero kahit na ganun lang ay kinabahan din ako. Baka kasi di mo ako kausapin. So tinawag mo nga yung friend ko at yun lumabas siya ng room niyo.

Alam mo bang laking gulat ko na magkabarkada pala kayo ni friend. Kaya umisip siya ng paraan para magkakilala tayo. Ayon nga, sinabihan niya akong sasabay palagi sa inyo kapag gagala kayo. So umo-o din ako, kasi yun na yung opportunity para makilala kapa lalo. 

Eto na siguro yung umpisa ng lahat. Sana nga ay maging friends din tayo...

Kahit hanggang diyan lang.

-Ynah


Para Kay CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon