Part 1

120 6 0
                                    

Hello Wattpad world! 😁

Guys, this is my first time na gumawa ng isang wattpad story. Wala po akong background sa writing (hehehe) kay paumanhin po sa mga errors. Sana po maappreciate niyo po. If you like my story, kindly share and spread nalang po. All the Love guys.

Fyi po.. Yung cover ko is Mark Neumann. Intindihin nyo nalang po kasi love na love ko sya! LOL. And then si Shaira Mae syempre ang ka-loveteam nya..

Ayun guys...So...please please please do send me messages and comments (positive/negative) man po.. For motivation purposes ya know..😃😄😁

Yours truly,
Anne 😘
--------------------------------------------------

--Abby's POV--

"Eto na 'to Abby.. Kaya mo 'to, okay? Relax lang..Hinga ng malalim, okay...inhale, exhale.. Para kina nanay at Josef 'to. Haaay..."

Ilang araw ko ng pilit na pinapakalma ang aking sarili dahil sa nerbyos at siguro'y excitement na din. Ngayong araw ang nakatakda kong pagluwas sa Maynila para doon ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Take note! Magttransfer lang naman ako sa isang prestihiyosong school doon. Ayon nga kay Casey, who's my bestfriend by the way eh iyon daw ay isa sa pinakamamahaling schools sa Maynila. Dahil sa pamilya nila kaya ako makaapag-aral doon sapagka't sa estado ng aming buhay ngayon siguradong hanggang tingin na lamang ako sa school na yun. Eto nga nakatira kami sa isang maliit na barong-barong sa isang maliit bayan dito sa Zambales, ang nanay ko ay isang multi-tasking na tao, na pag sinabi kong multi-tasking eh labandera, tindera, baby sitter, caregiver...Haaay..lahat na ata ng pwedeng pasukan malapit sa aming home sweet home eh pinasok na ni nanay! Ngunit ganun pa man, bilib na bilib ako kay nanay dahil ginagawa niya ang lahat para sa amin ng nakababata kong kapatid na si Josef. Mula ng iniwan kami ni tatay noong ako ay pitong taon pa lamang, siya na ang tumayong nanay at tatay para sa amin ni Josef. Tinaguyod niya ang aming pag-aaral ng mag-isa at pinalaki niya kaming maayos. Cheers para kay Nanay!

Matagal naglingkod bilang kasambahay si nanay sa pamilyang De Dios dito sa aming lugar. Isa ang mga De Dios sa mga tinitingala sa aming lugar dahil mayaman sila, pero higit pa doon, isang pamilya sila ng mabubuti ang loob sa mga kapwa naming mahihirap. Kaya naman, mula ng lumipat sila sa Maynila upang doon na manirahan, ay para na ring nalungkot ang aming barrio. Ganun pa man, naging matalik pa ring magkaibigan si Nanay at si Ma'am Elizabeth hanggang ngayon. Sa katunayan nga, si Ma'am Elizabeth ang mommy ng aking bestfriend na si Casey at dahilan kung bakit ako makakapag aral sa Royals University. Inalok ni Ma'am Elizabeth si nanay na siya na ang bahalang sumagot sa aking tuition fee kapalit ng pagtutor ko kay Casey. Oo, tama kayo, si Casey nga, my bestie. Hindi lingid sa kaalaman ng mga De Dios na ako ang valedictorian sa pinasukan kong eskwelahan dito sa Zambales. Tuwing may sasalihan akong contest, isa si Casey sa mga unang nakakaalam na agad naman niyang ibinibida kay Ma'am Elizabeth. Proud Bestie lang ang peg ni Casey di ba? Kaya naman nang mging top examinee ako sa entrance exam sa Royal University, ay hiniling saken ni Ma'am Elizabeth na maging tutor ako ni Casey na agad ko namang tinanggap bilang pasasalamat na din sa kaniyang pamilya.

" O anak, ano, ready ka na ba, ha? Wala ka na bang naiwan? Nadouble-check mo na ba mga gamit mo? Yung mga bra mo, panties, pasador, andyan na ba lahat?"

Aligaga si nanay.

"Naaaay!!"

"Biro lang, ikaw naman anak. Mamimiss kita Abby. Mamimiss ka namin ni Josef." ang maluha-luhang sambit ni Nanay.

"Mamimiss din kita nay. Kayo ni Josef. Mamimiss ko kayo ng bonggang bongga!"

Niyakap ko si Nanay ng mahigpit na puno ng kalungkutan ngunit puno din ng pag-asa.

"Hayaan niyo Nay, hinding-hindi ko kayo bibiguin. Magtatapos ako ng pag-aaral. Iaahon ko kayo ni Josef sa kahirapan. "

"Promise mo 'yan 'nak ha.. At! isa pa anak, hangga't maaari sana huwag ka muna magbo-boyfriend ha?" pabiro ngunit may laman ang mga salitang iyon ni Nanay.

"Hmm..si Nanay. Opo, alam ko na po yun Nay. Priority ko po kayo at pag-aaral ko okay? No no no to boys muna ako Nay. Alam mo namang allergic ako sa mga lalakeng yan Nay." pabiro ko namang pagkumbinsi kay Nanay.

"Pero anak, makinig kang mabuti sa sasabihin ko okay?"

Eto nanaman si nanay. Parang alam ko na kung ano ang kanyang sasabihin ngunit pinili ko munang manahimik at makinig sa kanya. Malamang ay tungkol nanaman ito sa pag-ibig.

"Abby, kung dumating man ang araw na magmamahal ka o iibig ka sa isang lalake, anak, magtira ka para sarili mo ha? Masarap sa pakiramdam ang umibig Abby. Ngunit masakit din kapag sa maling tao tayo umibig. Kaya anak, basta, ang dignidad mo wag mong pababayaan. Okay? Alam ko, matalino ka at may tiwala ako sa iyo. Susuportahan ko lahat ng pangarap at desisyon mo." And that confirmed my thought.

Ok great, eto napaluha nanaman ako ni Nanay.

"Nay naman. Wag mo naman akong paiyakin. Sayang naman beauty ng anak mo oh. Ikaw talaga Nay. Daig nyo pa si Dr. Heart kung makapagbigay ng advice sa love love na yan eh. Hayaan mo po, tatandaan ko po ng mabuti lahat lahat ng payo niyo. Promise!"

Muli akong niyakap ni Nanay nang marinig niya ang aking pangako.

"O sya sya.. tama na nga ang drama at baka magbago pa ang isip ko at di na kita payagan na umalis. Ay teka, oo nga pala Abby, may niluto akong biko para kay Elizabeth at kay Casey. Teka, ibabalot ko muna. Maiwan muna kita saglit dyan."

Muli kong sinilayan ang aking maliit na kwarto habang hinhintay si Nanay. Ang aking munting kwarto na punong-puno na mga ala-ala. Maya maya pa ay bigla akong napalingon sa isang larawan sa isang picture frame na nakasabit sa aming dingding. Larawan naming tatlo nina Nanay at Josef. Magkakayakap kami at masayang-masaya sa larawang iyon. Napangiti ako na para bang nadagdagan ang aking tapang para harapin ang magiging buhay ko sa Maynila.

"Gagawin ko ang lahat para sa inyo dahil mahal na mahal ko kayo." pabulong kong sinabi habang nakatingin sa larawan.

Ilang saglit pa ay tinawag na ako ni Nanay. Bitbit ko ang isang backpack at isang lumang sports bag na binigay pa ng aking kababata na si Lucas. Si Lucas. Nakalimutan ko nga palang magpaalam sa kanya. Minabuti kong itext nalang siya gamit ang aking lumang model at second-hand na cellphone na regalo sa akin ni Nanay noong huli kong panalo sa isang contest sa school.

****

"Paano Nay, aalis na po ako. Josef, aalagaan mo si nanay habng wala ang ate ha? Ikaw muna ang tumulong kay nanay dito sa gawaing bahay. Okay?"

"Opo ate. Ako na po bahala. Yakang-yaka ko 'to!"

Eto nanaman ang luha ko. Haaay...

"Mag-iingat ka 'nak ha. Wag mo kaimutan tumawag pagdating mo doon. At ikumusta mo na din ako kina Eliabeth at Casey."

"Opo nay."

Maya maya pa'y dumating na ang trike na maghahatid saken sa stasyon. Sa muling pagkakataon ay niyakap ko ang aking nanay at si Josef at tuluyan na akong nagpaalam.



The BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon