Part 7

20 2 0
                                    

---Abby's POV---

Hindi ako makatulog. Hindi ako mapakali. Maya't maya kong chinecheck ang oras. Kung bakit naman kasi pumayag akong sumama dito. Ayan tuloy, stranded ako ngayon.

Samantalang itong mokong na 'to, anlakas na humilik. Sarap ng tulog sa king size bed niya.

Dito niya ako pinatulog sa couch. Pero okay na rin. Choosy pa ba ako eh nasanay naman ako sa matigas na higaan. Maya-maya pa'y naramdaman ko na ang antok at tuluyan na akong nakatulog.


****

Naku, 9:00 na pala. Napasarap ng bongga ang tulog ko. Sinilip ko si Harry mula sa pintuan ng kwarto nia. Binuksan ko ng bahagya ang pintuan at nakita kong mahimbing pa din siyang natutulog. Anlakas humilik. Napangiti ako.

Sinilip ko din mula sa higanteng bintana ng condo ang lagay ng panahon. Wala ng ulan, hindi na din baha ang kalye.

Hindi ko na hinintay pang magising si Harry. Kelangan ko ng makauwi.

"Holiday nga pala ngayon. Oh my- si Casey. Kelangan ko nga pala siyang i-tutor sa math ngayon. Pano ba 'to? Tulog pa yung halimaw. Yung phone kooo.." bulong ko sa sarili

Hinanap ko kung saan niya maaaring ilapag ang phone ko pero wala akong nakita. Malamang nasa kwarto niya yun. Kung papasok naman ako, baka isipin niya nagnanakaw nanaman ako. Nakakainis talaga! Kaya ayun, nagdecide nalang akong kunin nalang sa ibang raw ang phone ko. Ang importante ngayon, makauwi ako para kay Casey. Sigurado ako nag-aalala na yun.

Minabuti ko nalang na mag-iwan ng isang note kay Harry para kahit papano, alam niyang umuwi na ako. Ipinatong ko sa mesa ang sulat at tuluyan na akong umalis.


****

"Abby! Buti naman at nandito ka na! Nag-alala ako sayo, sobra! Ano, okay ka lang ba? Hindi ka ba niya sinaktan? Kumain ka na ba?"

Aligaga si Casey.

"Bestie, okay lang ako. Wala- Hindi niya ako sinaktan okay? Tsaka sorry hindi ako nakauwi kagabi, eh yung halimaw na yun ayaw ako pauwiin kasi malakas ang ulan tsaka baha. Kaya ayun. E teka, kala ko tinawagan ka niya?"

"Oo. Tinawagan niya ako. Eh ang sabi niya lang doon ka mags-stay kagabi tapos bigla niya na lang pinatay yung phone. Nag-alala lang ako baka may ginawa siya sayo."

"I'm sorry bestie pinag-alala kita. Gusto ko naman sana talaga umuwi kaso-"

"Haaaay.. okay na yun best, ang importante andito ka na at ok ka. Teka, hindi ka niya hinatid?"

"Hinde. Tsaka tulog pa siya kanina. Eh hindi ko na ginising."

"Ahhh.. Eh what's your plan for today? Gusto mo ba mamasyal?Magshopping?Foodtrip?"

"Casey, may tutorial today remember?

Mukhang nakalimutan ata ni Casey.

"Abby ano ka ba.. Let's do it some other time. Unwind naman muna kase stressful yung first two days naten sa school, 'ya know. "

Stressful nga naman. Hm! Kung hindi lang naman dahil sa Harry at Stacey na yun, magiging ok lang naman sana. Well, atleast...

"Pero Casey....."

"Abby, you need this. We need this, para maalis naman kahit papano yung stress naten. Come on, come with me, please?"

And that's when I gave up.

****

---Harry's POV---

How dare she! Hindi man lang nagpaalam at nagpasalamat man lang bago umalis ng condo ko ang babaeng 'yun! Kinuha niya kaya yung phone niya. I'll go check sa drawer.

The BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon