Part 8

25 2 0
                                    

---Harry's POV---

"By the way, where's Justin?" I asked the boys.

"No clue mate. Can't reach his phone." sagot ni Nate.

Nasanay na kami kay Justin. Kadalasan talaga, kapag may mga ganitong plano, hindi siya active. But the good thing about him? kahit against siya sa mga ganitong plans, he still keeps his mouth shut. I can't blame him though. He is a good guy, we're not. But he' s still our friend. Malaki ang utang na loob ko sa kanya, since sinugal niya ang buhay niya para iligtas ako sa aksidenteng iyon. I will never forget that.

We watched movies just to kill time. It was past 10pm when my friends decided to go home.

I was alone again. I hate being alone. Being away from the ones I love. But I can't complain to Mom and Dad. They're working their asses out para maibigay saken ang mga gusto ko. From allowance, signatured clothings, cars, condo, and food. How can I complain, right? I've got all I wanted.

All of a sudden, I heard an irritating message tone.
Then I remembered nandito pala ang cellphone ni Abby. Sino naman kaya ang magtetext sa kanya this time?

Curious nanaman ako, so I opened the inbox.

Lucas: Kumusta na ang pinakamagandang babaeng nakilala ko? Long time no text. Miss you Abby.

Tss.. Sino naman itong Lucas na 'to? At duh! pinakamagandang babae? Nagpapatawa ba siya? Teka, is he some kind of Abby's friend back in Zambales? or a suitor of Abby? Pfft..I don't care though.

I just ignored the text.

I better sleep now. Tomorrow will be a long day.


****

---Abby's POV---

Sobra akong napagod sa gala namin ni Casey. Grabe ganun pala siya katindi magshopping! #ShoppaholicCasey. Halos lahat ng shops pinasok namin. Nakakaloka ang mga presyo. Parang sa isang gamit ni Casey, katumbas na ata ng presyo ng lahat ng gamit ko. O baka, higit pa. Ansaya maging mayaman 'no?

Of course, bilang thoughtful Casey, binilhan niya din ko ng ilang mga blouse, pants, isang pares ng doll shoes at dresses. Akal ko nga nung una, para sa kanya. Hindi niya sinabing para saken hangga't di niya nabayaran. Kilala niya daw kasi ako. Alam niyang tatanggihan ko ang mga yun. Tsaka tatanggihan ko talaga, kasi nakikitira na nga ako sa kanila ng libre, free food, free ride sa kotse nila at higit sa lahat, ang pinka-importante, free tuition fee at hindi basta-basta ang school ko. Napakalaking utang na loob ko sa pamilya ng bestfriend ko.

Kelangan ko na ng palang humanap ng part-time job. Para pandagdag sa allowance ko at para makapagpadala ako kay nanay kahit konti, pandagdag man lang sa gastusin sa bahay at sa pag-aaral na din ni Josef. Miss ko na sila, sobra.

Muli kong tinignan ang mga damit na binili ni Casey para sa akin. Dalawang simpleng blouse, ang gaganda ng mga ito. Isang ripped jeans, nako, firstvtime ko magsuot ng ganito. Di ako sanay sa ganitong 'modernong' pantalon. At juice colorrrred! Ang mga bestida, bakit napakaikli ng mga ito. Hindi ko kayang isuot. Haaay..si bestie talaga. Huli kong binuksan ang kahon ng sapatos. Napakaganda! At ang kulay sobrang nagustuhan ko, beige! Si bestie talaga, full of surprises din minsan.

Itinabi ko ng maayos ang lahat at saka ako nahiga para matulog. Mag-eeleven na pala ng gabi. Kelangan ko ng energy para bukas. Tomorrow will be a long day for sure.

****

"Good morning bestie!" bati ko kay Casey.

"Good morning din bestie!"

The BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon