Part 2

70 2 0
                                    

"Juice Colorrrrred! OMG! Nandito na 'ko sa Maynila! Ansaya saya! Grabe!"

Namangha ako ng bonggang bongga diba?! 😄 #AmazedSiAbby

Sa sobrang saya ko eh hindi ko na namalayan na ilang minuto na akong nakatayo at tila tulala pa din hanggang sa bigla nalang nag-ring ang cellphone ko ng pagkalakas lakas with matching vibration!
Si Casey! Si Casey tumatawag!

"Hello Casey!?"

"Abby!! So, are you there already?! I can't wait to see you again!"

"Oo bestie. Andito na ako sa terminal ng bus. I can't wait to see you too bestie!"

Oops umi-english din naman ako noh!😄

"Okay, so all you have to do is wait for me there. I'll be there in 10 minutes! I'm on my way na."

Swerte ko talaga kay Bestie!

"Okay bestie. Uy salamat ha. Ang swerte swerte ko at nagkaroon ako ng isang bestfriend na tulad mo."

Drama ko.

"Tss..Ano ka ba! Nagddrama ka nanaman Abby. Stop being so dramatic okay? I'll see you in a bit Bestie!"

"Ikaw naman Casey. Dramatic agad. O sya, sya, basta thank you. Hintayin nalang kita. Bye."

Hanggang sa mga oras na ito, grabe, hindi pa din ako makapaniwala na dito ako titira at mag aaral ng ilang taon. Sa isang lugar na ibang-iba sa kinalakihan kong lugar. Malayo sa mga bukid at palayan, malayo kina nanay at Josef, malayo sa buhay-probinsya.

Sakripisyo.

Kelangan kong gawin ito. Para sa aking bright future! Para kina nanay at Josef. Walang hindi kinakaya ang isang Abigail Mendoza!

"Keri ko 'to!" Bulong ko sa aking sarili.

****

"Abby?"

Si Casey. Andito na siya.

"Casey!"

Mahigpit ang pagyayakapan naming iyon ni bestie.

"Oh my God look at you! You're so pretty pa rin. I missed you. Oh! Mom can't wait to see you too you know!"

"Talaga Casey... Grabe lalo ka din gumanda. Namiss din kita ng bongga!"

"I can't believe that we're going to the same school together! Oh, come on. Let's go. Sa car na tayo magkwentuhan. Is that all your things?"

Natawa ako sa tanong niyang yun ah. 😄

"Casey, hello?.. As if naman pagkarami-rami ng gamit ko 'noh? Maka-is that all your things ka naman, wagas.."

Sa mahabang panahon, ngayon ko lang nakita ulit ang pagtawa ni bestie sa mga kakornihan ko. Napangiti ako sa reaksyon niya. Namiss ko talaga siya. Walang pa ring pagbabago. 😊

****

"Wow Casey! Ito na ba ang bahay niyo? Ang laki at napaganda! Wow! may swimming pool pa grabe! Parang mall na 'to ah..!"

#AmazedNanamanSiAbby

"Parang mall ka dyan! And yes ito ang bahay namin. Welcome to De Dios Residence my bestfriend!" Sarkastikong sagot ni Casey.

"Ang ganda talaga...." bulong ko sa aking sarili.

"Ikaw talaga Abby, wala ka pa rin talagang pagbabago. Just the same Abby I used to know. Come on, pasok na tayo sa loob. I'm sure Mom would be happy to see you again."

The BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon