L O V E M A N I A

61 2 0
                                    

December 9, 2015. 17:30 pm. School.

"Aish!" ginulo ko yung buhok dahil sa inis. Kinakabahan ako sa magiging resulta ng exam.

Kakatapos lang ng midterm exam namin, nakalimutan ko kasing mag-aral. Nawala na kase sa isip ko dahil sa may sakit ang mama ko.

Paglabas ko ng room may na bangga akong babae. "Sorry" sabi ko. Nginitian niya lang ako. Pero ibang ngiti iyon, parang nakakita siya ng paru-parong lumilipad sa harap niya.

"Ken!" napalingon ako sa tumawag saakin. Si Jason. Kasama rin niya ang mga kaibigan namin.

Tinignan ko yung babae, pero nawala na ito. Hindi ko na lang iyon pinansin at lumapit na ako sa kanila.

"Hi Ken" bati saakin ni Trisha.

Tinangoan ko lang siya. Magkaklase kaming magbabarkada. Iba-iba kase ang room namin kapag exam. By alphabetical order kaya wala akong kasama ni-isang kaibigan kanina.

Palabas na kami ng school. "Di ka ba talaga sasama?" panigurado ni Fred. Inimbitahan niya kase ako sa birthday celebration ng kapatid niya.

"Di talaga eh, alam mo naman may sakit ang mama ko, kayo na lang muna" paliwanag ko.

"Oh sige, una na kami" kumaway sila saakin habang iba daanan ang dinadaanan namin.

Naglakad ako papuntang pharmacy. Inutusan kase akong bumili ng gamot. Medyo malayo pero kaya kong tiisin lalo ng kapos kami ngayon dahil panandaliang huminto si mama sa pagtrabaho.

Ulila na kami kay papa. Matagal na siyang nawala simula noong limang taon pa lang ako. Kaya si mama na lang ang kasama ko.

December 9, 2015. 18:10 pm. Earl street.

Matapos kong magbili ng gamot agad na akong naglakad pauwi. Di gaano karami ang tao kaya nagmadali. Delikado kase dito lalo na kapag ikaw lang ang mag-isa.

Nang padaan ako malapit sa may eskinita bigla na lang may humila saakin. Isinandal ako sa pader at hinawakan ang magkabilang braso ko.

Nakita kong may kutsilyong nakatutok malapit sa mukha ko. Saka ko lang rin naaninag ang mukha ng nasa harapan ko.

"Ilabas mo ang pera mo" napalingon ako sa lalaking nasa gilid ko. Dalawa sila.

Kinuha niya ang dala kong gamot. Hihilahin ko sana iyon pero agad akong pinigilan ng isa.

"Ano ito?"

"Wag po yan, para sa mama ko ang gamot na iyan!" sigaw ko.

"Ilabas mo ang pera mo kung ayaw mong itapon ko ito" tangka niya.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nanginginig ang buong katawan ko. Wala rin naman akong maibibigay sa kanila.

"W-wala po akong pera"

"Sabi mo eh"

Nagulat na lang ako ng itinapon niya ito sa sahig at tinapakan. Napako ang tingin ko sa mga gamot na sirang-sira.

Hinila niya ang buhok ko para iharap ang mukha ko sa mukha niya. "Ilabas mo ang pera mo kung ayaw mong may kumalat na dugo dito" tinutok niya malapit sa mata ko ang kutsilyo.

Lalo akong kinabahan. Kinuha nung isang lalaki ang bag ko at itinapon ang mga gamit ko.

"Wala eh" sabi nito.

"Eh wala ka pala eh" sabi ng kaharap ko.

"Ugh!" bigla niya na lang akong sinikmuraan kaya napaluhod ako. Napahawak ako sa tiyan. Sinipa pa ako nung isa bago pa sila tuluyang umalis.

Kinuha ko yung mga gamit ko saka na tumayo. Hindi ko na kinuha ang mga gamot dahil hindi na ito makapinabangan. Ayaw ko ring malaman ito ni mama ang nangyari saakin.

Nakahawak ako sa tiyan ko, humahawak rin sa mga pader na madadaanan ko dahil nahihirapan akong maglakad sa sobrang sakit ng sikmura ko.

Malapit na ako sa bahay namin. Sa,di kalayuan may nakita akong dalawang lalaki na nakatayo doon. Napahinto ako sa paglakad habang nakahawak sa may poste na nagsilbing liwanag sa daanan.

Nanigas ang buong katawan ko. Yung dalawang lalaki kanina. Humarap sila saakin at dahan-dahang lumapit saakin.

"A-anong ginagawa niyo dito?" napaatras ako.

"Wag kang tumakbo" nagulat ako ng maaninag ko ang mga mukha nila. May mga pasa sa mukha nila. Parang galing sa bugbog.

May kinuha siya sa likod isa sa kanila. Napaisip ako na baka kutsilyo ito kaya napapikit ako ng aktong ilalabas na niya.

"Pasensya ka na kanina, di na mauulit" nagulat ako sa narinig ko kaya binuka ko ang mga mata ko. May inabot siya isang supot saakin.

Kita ko sa kamay niya na nanginginig siya. Inabot ko ito at tinignan agad kung anong nasa loob. Mga gamot.

May halong tuwa at pagtataka ang nararamdaman ko ngayon. Kita ko rin na naglakad na sila papalayo.

Napaisip rin ako baka may nakakita sa kanila kanina na kung anong ginawa saakin at binugbog niya ito para ibalik ito saakin.

Pero sino naman?

"Ah, t-teka" tawag ko sa kanila. Huminto sila at tinignan ako. Halatang may natatakot sila dahil sa mga mata nila.

"S-sino pong may gawa sainyo niyan?" aside sa curious ako, gusto ko ring pasalamatan.

Nagtaka ako sa reaction nila. Nagtinginan silang dalawa na parang na-uusap ito gamit ang mga mata nila. Tumango ang isa sa kanila.

"G-girlfriend mo"

"PO?!"

Naglakad na sila palayo. Nakatayo lang ako habang iniisip ang mga sinabi nila.

"Girlfriend ko?"

Wala naman akong girlfriend.

LOVE MANIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon