MANIA - Day 1

42 3 0
                                    

December 10, 2015. 12:20 pm. School.


"Ken? Nakikinig ka ba?"

"Ahh" natigilan ako sa katulala ng tinapik ako ni Trisha.

"Tulala? Sinong pinagpapantasyahan mo, e kulang na lang tumulo iyang laway mo?" natatawa niyang sabi.

"W-wala, n-nag-alala lang ako kay mama" pagsinungaling ko. Medyo magaan na kase ang pakiramdam ni Mama.

Ang tinulala ko ay yung sinabi ng mga holdaper saakin kagabe.

Girlfriend ko?

Kahit sinasabi ng isip ko na nagbiro lang yung sila pero wala naman akong maisip na excuse para magbiro sila ng ganun.

"Malala pa rin ba ang sakit nya?"

"Hindi na masyado pero kase, siya lang mag-isa sa bahay"

"Wow naninibago? Parang di ka sanay, natural ikaw lang ang kaisa-isang anak at yung pap-"

Parang nabalik ako sa kaisipan dahil sa sinabi ni Trish.

"S-sorry" sabi niya.

"Oh ang tahimik niyo?"

Lumapit na rin yung mga kaklase namin saamin na may dala-dalang lunchbox. Para lang kaming mga elementary. Pero sanayan lang eh. 3rd year highschool pa lang kase kami.

"W-wala kain na tayo" sabi ni Trisha.

Matapos ang klase, magkasama kaming lumabas ng school ni Trisha pero agad din naman kami naghiwalay ng daanan.


December 10, 2015. 17:30 pm


"Bye Ken, see you bukas!"

"See you Trish" kumaway ako sa kanya.

Bago lang kami naging close ni Trisha. This year lang. Ang dami kaseng similarities namin eh kaya naging maging kaibigan kami.

Parati nga kaming binibiro ng mga kaklase namin na LT kami ng room. Pero binabalewala lang namin.

Kaibigan lang kase ang turing ko sa kanya. At alam ko din na ganun rin siya.

Tumingin muna ako sa mga isdang dumadaan sa ilalim ng mini bridge. Bago pa kase makapunta sa street namin may maliit na tulay kapag madadaanan at marami pang malalaking bahay na akalain mong walang nakatira dahil sa sobrang tahimik.

Tahimik kase ang lugar dito. Bihira ka lang makakita ng taong naglalakad lalo na pag gabi. De kotse ang mga nakatira dito kami lang ang naiba.

Simula kaseng namatay si Papa hirap na kami sa pang araw-araw na gastos.

Kahit binibigyan ako ni Mama ng pera para pamasahe, pinili ko na lang itong e ipon at maglakad na lang para makatipid.


December 10, 2015. 18:10 pm. Bridge.


Ilang minuto na lang lulubog na ang araw kaya napag-isipan kong umuwi na.

Nang mga ilang kilometro na lang para bahay na namin ng may narinig akong sigaw ng babae sa may bakanteng lote.

"Tulong!"

Tinamaan na naman ako ng kaba pero ang takbo ng isip ko ay tulungan siya. Naghanap agad ako ng kahit anong pang depensa sa paligid ko, dahil wala akong ibang nakita, bato na lang na nasa gilid ko.

Sumandal ako sa may pader para sumilip kung anong nangyayari.

May nakita akong dalawang lalaki na hawak ang isang babae sa magkabilang braso.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE MANIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon