02/15/**
Dear Cupid, ba't ang tagal naman atang dumating ng Loves ko? Mugto na tong mata ko kakahintay oh. Kailan mo ba balak panain yung puso ng naka'destiny sakin? Ikaw naman oh, ang bait ko na nga, di mo pa rin siya sakin pinapakilala. Konting sign naman oh.
*beep* *beep* *beep*
Nagulat naman ako sa tatlong magkakasunod na tunog mula sa cellphone ko. So ibig sabihin, tatlong tao ang nagtext sakin. Cupid, ito na ba yung sign? Excited ko namang tiningnan kung sino ang nagtext sakin at imbes na matuwa ay mas lalo pa akong nalungkot. Pa'no ba naman, akala ko unregistered number yung nagtext sakin pero hindi at ang masaklap pa itong mga nagtext sakin eh hindi naman pwedeng maging akin o kaya maging ka-destiny ko kasi nga...Aish pa'no ko ba to sasabihin. Ayy bahala na nga. Yung tatlong nagtext kasi akin ay ang bestfriend ko, ang kaklase kong may pagka-bakla at ang girlfriend ng kaibigan ko. Ipapaliwanag ko kung bakit hindi sila pwedeng maging akin, unahin na muna natin ang bestfriend ko. Siya si Angelo, bestfriend ko at kinakapatid ko na rin, kaklase ko rin siya. Hindi siya pwedeng maging akin kasi may gusto na siyang iba at nililigawan niya na rin ito. Yung ikalawa namang nagtext sa akin ay yung kaklase kong bakla na si Yexel, hindi ko siya kasundo pero dahil PIO siya may number siya sakin. Hindi ko naman siya nakakatext kasi nga, di ko siya close. Yung ikatlo at huli namang nagtext sakin ay yung boyfriend ng kaibigan ko, hindi ko man sabihin ang rason kung bakit hindi siya para sakin alam niyo na kung bakit hindi pwedeng maging kami. Hindi naman kasi ako mang-aagaw like Duh. Una ko namang binasa ang text ng bestfriend ko.
From: Angelo (besty)
Panget, bukas ah?
Pagkabasa ko ng text niya ay agad kong naalala na may lakad pala kami nitong bestfriend ko bukas. Friendsary kasi namin. Hindi ko muna siya nireplyan at sunod na binasa yung text ng PIO ng klase namin.
From: Yexel (PIO)
Announcement: To all Grade 10 student, may report daw po tayo bukas. Sa soccer field daw according to our PE teacher. 4 pm daw po.
Napakunot naman ang noo ko sa text nitong PIO namin. Report bukas? Eh sabado kaya! Iba talaga ang mga trip ng PE teacher namin. Balak ko sana siyang tanungin kung anong attire kaya lang wag na lang, isnobin pa ko ng baklang to. Ang taray pa naman nito sakin. Sunod at huli ko namang binasa ang text ng boyfriend ng bestfriend ko.
From: Francis (Nica's Bae)
Psst, kung pupunta ka daw sa birthday party ng kaibigan mo.
Gusto ko sanang pumunta pero bukas yung birthday ni Nica eh. Aish, ba't ba kung kelan may lakad ako tsaka naman nagka'report sa PE. Kakainis naman oh. Nireplyan ko naman ang bestfriend ko at ang boyfriend ng kaibigan at sinabing di ako pwede bukas kasi nga may report kami.
~~~
02/16/**
Dear Cupid, next time please hit both of us ☹ Ang sakit naman nun. Oo nga't crush ko lang siya pero bakit ang sakit pag nakikita kong kasama niya ang girlfriend niya? Cupid naman oh, inutusan lang naman ako ng mama ko na bumili ng pamintang durog sa kanto pero bakit parang puso ko yung nadurog? Cupid, pahingi na nga kasi ng sign.
"Xandra!" -paliko na ako sa street namin ng biglang may tumawag sa bandang likuran ko. At alam ko kung kaninong boses yun, sa bestfriend ko. Babatiin ko rin sana siya ng paglingon ko'y may nabangga ako dahilan para mahulog ang mga pinamili niyang chichiriya. Pagtingin ko sa taong nabangga ko, nakita ko ang pagmumukha ng PIO ng Klase namin. Hihingi sana ako ng sorry sankanya ng may kumalabit sakin at kinausap ako na dahilan para hindi ako makahingi ng tawad dito sa PIO namin.
BINABASA MO ANG
Dear Cupid (one shot)
FantasiWhat if all this time,nahanap mo na pala siya? Si the one? Yung the one na matagal mo ng hinihintay, yung the one na palagi mong hinihiling kapag may shooting star at kapag dumarating ang 11:11, at yung the one na hinihintay mong ibigay ni Cupid. Si...