No one can break me. Cause I am already broken.
Can someone answer me, am I worth all the pain?
Am I?
Why do I need to suffer?
Why do I need to forgive someone who never said sorry?
How can I forgive myself?
How to unloved someone who never loved me back?
How?
Bakit lahat ng mahal ko, kailangan akong iwan. Hindi ba pwedeng habambuhay na lang sila mag-stay sa buhay ko tapos puro happy memories nalang.
Its been two years,
two years pagkatapos nyang sabihin na ayaw na nya..
Pero bakit ang hirap pa ding tanggapin kahit di ko na sya nakikita o nakakausap man lang.
Why do I need to make my life miserable habang sya okay na, masaya na without my presence.
Bakit mismong ako pa yung nananakit sa sarili ko.
Bakit? :(
Im here. Im here sa lugar kung saan natapos lahat. I thought it was just a surprise. Napakaganda kasi ng place. Matatanaw mo lahat ng punong nagpapatangkaran, napaka-maaliwalas. Payapa at napapalibutan ng napamaraming tanim na bulaklak. Parang isang magandang paraiso sa fairytale story na ang maririnig mo lang ay ang mga huni ng mga naglalarong ibon.
I thought it was a surprise cause it was our 3rd anniversary.
"Im sorry, but I cant be with you forever. Ayoko na."
He left me without saying any explanations.
Na-speechless ako.
Ang sakit, wala akong ibang naramdaman, sobrang sakit.
Malayang-malaya akong umiyak ng mga panahong yun pero di ko magawa, di ko alam kung bakit.
Sobrang sakit..
Two years na, pero yung sakit, sariwa pa din. Ganito talaga siguro pag naghiwalay kayo ng wala ka man lang narinig na dahilan galing sakanya.
Gusto kong sumigaw. At dahil walang tao ngayon, isisigaw ko lahat na dapat dati ko pa ginawa.
"T*****a Lance!!! Di naman ako kaladkaring babae para ayawan mo eh, ano ba gusto mo? Ano ba ayaw mo? Sobra na ba akong hibang sayo kaya ganun kadali para iwan ako? Dapat inexplain mo man lang, maiintindihan ko naman eh, mahal kita diba? (hikbi) yan tuloy sobrang hirap tanggapin, di ka man lang nagbigay ng rason eh.."
kasabay nun ang pagtulo ng mga luhang pinilit kong itago nung araw na yun. Ganun pa din, walang nagbabago. Kung gaano kasakit dati, ganun pa din kasakit hanggang ngayon. Sobrang sariwa pa pala. Na parang kahapon lang nangyari lahat.
"Tanga na nga, ang ingay ingay pa. Kala mo naman nasa movie kung makasigaw.. tsk!"
Biglang nagpintig mga tenga ko sa mga narinig ko. Ako ba sinasabihan neto ng tanga? Ako tanga?
Pero tama nga naman, tanga naman talaga ako.
Pero hindi! Hinayupak to ah.
Hinanap ko sa paligid ko kung saan nanggaling ang boses na yun. Parang pamilyar. Parang kilala ko kung sino nagsasalita. Lumakas pintig ng dibdib ko.
Bakit ganito nararamdaman ko. Parang iba. Parang si Lance. </3
Maya-maya (Boooogshhhhh!)
Isang malakas na pagbagsak. May nalaglag na lalaki galing sa puno.
"So sino satin ngayon ang tanga?" pang-aasar ko.
"..ikaw, patuloy mo pa din kasing minamahal yung taong di ka naman na mahal."
Ilang salita lamang pero tumagos agad sa puso ko.
Umalis sya, kasabay ng mga hakbang nya papalayo, pumasok ulit sa ala-ala ko kung pano lumakad si Lance papalayo sakin.
Para bang sa isang iglap, nag-flashback ulit lahat sa isip ko lahat ng nangyari samin.
Why do I need to suffer? :'( Why?
(kring! kring)
Calling Nathalia..
I rejected it. Ayokong malaman nyang umiiyak na naman ako. Ayoko..
Nathalia Emerald Monteclaro is her full name and she is my bestfriend. Simula bata pa lang kami, itinadhana na kaming maging magkaibigan. And I am very lucky na hanggang ngayon ay kaibigan ko pa din sya.
She knows everything about me. Almost everything. Syempre sya lagi yung nandyan sakin para makinig ng mga kahibangan ko. My human diary. My forever partner. She's always there for me even on my darkest days. And this time, gusto ko munang solohin kung ano man ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko ako muna. Ako lang..
YOU ARE READING
My Beautiful Nightmare
Teen Fiction"No one can break me. Cause I am already broken. Can someone answer me, am I worth all the pain? Am I? Why do I need to suffer? Why do I need to forgive someone who never said sorry? How can I forgive myself? How to unloved someone who never loved m...