I know Aaliyah is not okay.
She rejected my call at alam ko nagmumukmok na naman yun. Pasan nun buong daigdig eh.
She's been my very bestfriend since we were a kid, pero alam ko na hindi ako ang solusyon sa mga problema nya, sa nararamdaman nya.
Aaliyah Maydeline Kyler..
My one and only bestfriend.
The only princess of their family.
Bibo,
laging masigla,
makwento
at isa sa pinakamasayahing taong nakilala ko.
A thoughtful and loving daughter to her parents.
Pukulan lagi ng pansin kasi di naman maikakaila na maganda talaga sya and knowing na sinasayang lang nya yung ganda nya sa kakaiyak araw-araw.
Bida lagi ng usapan ng mga inggiterang babae sa paligid.
Madalas ma-bully cause everyone tought she's weak. At sino pa bang nang-bubully sakanya, edi syempre yung mga babaeng naiinsecure sakanya. At bakit sila naiinsecure? Because she has everything that every girl wants -- maayos na buhay, may kayang pamilya, may maputing balat, may balingkinitang katawan, almost perfect even having a boyfriend or ex-boyfriend I should say na ultimate crush ng mga babae sa university na pinapasukan nila,
si Lance Arsen Hernandez..
ang ultimate crush sa university nila.
and,
The one who broke my bestfriend's heart.
Almost perfect couple nga sila eh, yan ang bansag sakanila dati.
Naging crush ko dati si Lance, nung unang pasok pa lang namin sa university.
Every girl's wish nga sya eh.
Pero crush lang naman eh, kaya nawala agad yung feelings ko skanya lalo na nung naging sila ni Aaliyah.
She's prettier than me, di ko naman ikakaila yun.
Maski ako nagulat na nagawa nyang saktan si Aaliyah, dahil nasubaybayan ko kung paano pinaghirapan ni Lance makuha ang matamis na OO ni Aaliyah.
Kung gaano nya pinrotektahan si Aaliyah wag lang maagaw ng ibang lalaking umaaligid sa bestfriend ko.
He even put his life in danger, mailigtas lang ang kaibigan ko.
Alam ko, alam ko at nararamdaman ko na may malalim na rason si Lance kung bakit nya nagawa yun.
At alam ko balang araw, magagawa din nya yun sabihin sa kaibigan ko.
Maybe not now, but soon he will.
(Tok-tok-tok) May kumakatok sa pinto
Here she is. Aaliyah is here. Siguro pagod na to mag-isa, pagod nang intindihin lahat ng bagay ng mag-isa lang sya.
Pagbukas ko ng pinto, agad syang yumakap sakin.
Ramdam ko hanggang ngayon yung sakit na nararamdaman nya.
Lumipas man ang ilang taon, sariwa pa din sa puso nya yung mga ala-ala na kailangan nyang kalimutan.
Kaibigan ko siya, at masakit sakin na nakikita kong puno na naman ng luha ang mga mata nya.
At ang tangi ko lang magagawa, ay ang ialay ang balikat ko para kung sakaling mapagod sya, malalaman nyang di sya nag-iisa.
Its hard to see na she's always blaming herself kung bakit sya iniwan ni Lance.
"ano bang dapat kong gawin? bakit ang sakit pa din? bakit ganito pa din buhay ko!!" sabay hagulgol.
Ramdam ko sa balikat ko ang init na gawa ng mga luha nya.
Ang sakit..
Ang sakit sakit ng nararamdaman nya.
"Aali, maybe it's time for you to move forward. Wag mo nang pahirapan sarili mo. You dont deserve this. You deserve to be happy. Baka kaya hindi ka sumasaya kasi kinukulong mo yung sarili mo sa salitang baka pwede pa. Baka kasi sa pag-asa mo na babalik pa sya, nakakalimutan mo nang pahalagahan sarili mo. Mahalin mo naman sarili mo. Pagbigyan mo naman sarili mo na sumaya bessy. Please lang."
Gusto kong umiyak,
gusto ko syang damayan.
Pero ayoko, ayokong makita nya.
Dahil ako na lang yung natatangi nyang pwedeng sandalan.
"am I not good enough?".. :'( tanong nya,
"no, i'ts just too much.." sambit ko,
(kring-kring-kring)
"my mom is calling, kailangan ko nang umuwi bessy. thankyou and iloveyou.. see you tomorrow." sabay ngiti.
Ngumiti man sya ng paulit-ulit sa harap ko, alam kong na sa bawat ngiting yun, di nya maitatago yung sakit sa puso nya.
Gustuhin man nyang itago, nakikita at nakikita ko pa din..
YOU ARE READING
My Beautiful Nightmare
Teen Fiction"No one can break me. Cause I am already broken. Can someone answer me, am I worth all the pain? Am I? Why do I need to suffer? Why do I need to forgive someone who never said sorry? How can I forgive myself? How to unloved someone who never loved m...