Friendship Over Love

318 8 0
                                    

Bago umuwi dumaan muna sina Aris sa isang drive-tru. He knew his bestfriend pagkain ang isa sa nakakapagpa ok dito. At maging sya ay gutom na rin. Tahimik ang buong byahe. Alam nyang masakit kung kaya hinayaan nya na lang muna si Laina na makapag isip.

They reached Laina's house already. Actually tapat lang naman ito ng bahay nila. Kaya kampante ang ina nito na iwan ito mag isa sa kanila dahil kahit pano ay nababantayan nila ng mama nya. Nasa Singapore ang mama ni Laina isa itong English teacher doon. Samantalang sumakabilang buhay na ang ama. Solo din si Laina na anak kaya spoiled din mula bata. Kasambahay lang ang kasama nito habang wala ang ina.

"Thanks best, punta na ako sa taas. Kumain ka na lang dyan" malamyang wika ni Laina.

"Sige, prepare ko lang ang food para sabay na tayo kumain" tugon nya. Dirediretso namang umakyat sa kwarto si Laina.

Tok..tok..tok..tok...

"Laina, papasok na ko ha may dala akong pagkain." Agad din naman nyang nabuksan ang pinto. Nakahiga ito at umiiyak.

"Please leave me alone!"

"No I will not leave you. Kung kailangan kita bantayan magdamag I will." Wika ni Aris.

"Am I not deserve to be love?" Tanong ng dalaga.

"Sssahhh... you deserve to be love. We all love you. I love you, my mom loves you. Common lets eat. Huwag mo aksayahin ang oras mo sa pagmukmok."

"I really loved him. Hindi ko kaya ng wala sya"

Mga katagang gumuhit ng kirot sa dibdib ni Aris. Knowing Laina, Justin must really been a special to her. But that shit! He's not worthy of Laina's time.

Laina has been a jolly and humurous person he knows. He was 12 years old when Lainas family moved in near their house. Laina was 8 then. Bilugan na talaga ito, cute at maputi. Lagi din nya ito inaasar ng bata pa sila. Ito din ang naging daan para maging magkaibigan silang dalawa. Laina was a smart and talented girl she knew. Naging tampulan ito ng tukso dahil sa pagiging mataba nito hanggang sa magtapos ito ng high school. He was been a night in shining armor always. That way he's sure that Laina is in good hands.

Nakita nya kung ilang beses na din itong nasaktan sa pag-ibig. But its the first time he saw how tirrible Laila is. Minsan sinisi nya ang sarili dahil sa pagkonsente sa kaibigan na kumain ng kumain. But all he wanted is to make her happy. He loves his bestfriend the way she looks. Pero wala nga lamang may alam dahil ayaw nyang masira ang maganda nilang pagkakaibigan.

Seeing Laina now break his heart. Kung alam lang sana nya ang paraan para malunasan ang sakit na nararamdaman ng kaibigan. The one he cares, the one he loves.

Days and weeks have passed. Ngunit ganun pa rin ang sitwasyon ni Laina. Tuwing umaga at gabi pagkagaling sa trabaho ay dinadaanan ni Aris ang dalaga para kamustuhin. Para bang ibang Laina na ang nakakaharap nya. Di na ito tumutugon sa mga pang aasar nya. Di na rin ito ngumingiti at tumatawa ng malakas na gaya ng dati.

"I miss you Laina." Wika nya isang beses na dumaan sya sa bahay ng dalaga.

Tumingin lamang ito saglit ngunit di nagsalita.

"Move on Laina! Naaasar na ako alam mo ba? Hindi ka naman ganyan dati diba? Anu bang ginawa sayo ng walang hiyang Justin na yan at nagkakaganyan ka sa kanya." Tila ba nawala na din sya sa kanyang sarili.

Nakita nya ang unti unti uling pagtulo ng luha ng kaibigan. Niyakap nya ito at hinagkan sa noo.

Lumipas pa ang mga araw pati ang buwan. Unti unti ng bumabalik ang dating si Laina. Ngunit hindi ang buong dating sya.

"Buti naman naisipan mo ng dalawin ako dito, hindi yung ako na lamang ang laging dumadalaw sayo." Pabirong sabi ni Aris, isang hapon na dumalaw si Laina.

"Sya nga pala iha, dito kana mag hapunan, tutal dalawa lang naman kayo ng katulong ang andyan." Wika ni mommy Beth ang mommy ni Aris.

"Thanks po tita." Nakagiting pilit na wika ni Laina.

WHEN A MAN LOVES A CHUBBY WOMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon