Moving On

274 7 0
                                    

Saturday morning, around 8:30.
Aris decided to visit his bestfriend neighborhood, Laina. It his day off today and alam nya wala rin itong schedule tutorial. Tulad ng mama nito, isang guro din si Laina. Isa itong pre-school teacher.

"Its been 3 months already." Sabi nya sa sarili habang sinasariwa ang mga eksena sa mall. The day when Laina's boyfriend cheated on her. God knows how he prayed every night and day just to see Laina okay.

Nasa harapan na si Aris ng bahay ni Laina, pumasok na ito dahil di naman naka lock ang gate at ang pinto. Sanay na rin sa kanya si Aling Belen, ang katulong na kasalukuyang nagdidilig ng halaman. Palinga linga pa sya ng tingin kung tama bang bahay ang napasukan nya. Isang linggo din sya di man lang nakadalaw kasi sa sobrang busy. Iba na ang ayos ng sala, pati mga gamit at kurtina nag iba. Mas maliwanag na at maaliwalas. Diretso sya sa kusina dahil narinig nyang may nagluluto.

Nangiti sya ng makita kung sino ang nagluluto. Nanatili lamang sya nakatayo sa may pintuan ng kusina. It was Laina, wearing her favorite black short, and pink shirt on top. Hindi nito namalayan si Aris dahil sa earphone na nasa tenga at paminsan minsan pa ay sumasabay ito sa kanta. A big smile draws on Aris face seeing her back the way she used to be. Laina is really a chubby or should he say fat woman, may bilbil and an istimated waistline of 36-38. But who cares, sabi nya sa sarili. Yun naman talaga ang totoo. Laina is a good person, kung gaano man daw ito kalaki ganun din daw ang puso nito.

"Oh my gosh! Kanina ka pa ba dyan?" Nabiglang sambit ni Laina ng tapos na itong magluto.

Lumakad lamang si Aris papunta sa kanya at niyakap sya. "I'm happy your back."

"Bakit? Saan ba ako nagpunta?" Pilyang tugon nya pero sa totoo naman ay alam nya ang tinutukoy ng kaibigan.

"Tamang tama ang dating mo, dito ka na mag-almusal I'm sure gutom ka na, teka nga pala si tita kumusta?"

"Ayon busy ngayon ata yung zumba lesson nya, ewan ko ba kay mommy kung kelan tumanda saka nahilig sa zumba." Tugon ng binata sabay ng isang malutong na tawa.

Kumain na muna sila kasama ni Aling Belen, at pagkatapos ay nanood ng pelikuka sa sala.

"I'm really glad na naka move on ka na talaga." Sambit ni Aris habang nanonood.

"Thanks, tama ka he don't deserve my tears. I'm over him already. And never na ako magpapakatanga over a guy." Seryoso nyang tugon.

"What do you mean?"

"Ayaw ko na magkaboyfriend, tama ng single na lang ako for the rest of my life." Seryoso pa din nyang tugon kay Aris.

"Even me?" Mahinang sambit ng binata.

Napatingin sa kanya si Laina, ngumiti at sinabing "Yes, even you."

Ouch!
Masakit yun marinig sa taong mahal mo. Hiding your feelings for more than years just to save your friendship. It really hurts.

"But of course your my bestfriend, hindi ako magagalit sayo." Dagdag ng dalaga.

"What if may magkagusto sayo, ligawan ka." Tanong ng binata.

"No way! Tsaka wala ng magkakagusto sakin, look at me ang taba taba ko diba." Natatawa nya pang sabi.

"Ako." Seryoso nyang sabi.

Natahimik saglit ang buong sala, ngunit sinundan din ito ng malakas na tawa ng dalaga.

"Ha ha ha... kahit kailan talaga, hilig mo ako asarin. Kilala kaya kita Mr. Santos. Ang mga type mo yung mala Anne Curtis na katawan, eh hita ko pa lang yun." Natatawa pa nyang sabi.

Natahimik si Aris sa narinig sa kaibigan. Yeah its true naman kasi talaga. Ilan na ba ang naging hindi seryosong girlfriend nya. And all of them are sexy. Pero hindi naman nya mahal. Hindi nya masisi ang kaibigan kung ganun man ang pagkakakilala nito sa kanya. But its sad to hear coming from the woman she love most.

"Uy! Bigla ka dyan natahimik." Pukaw sa kanya ng dalaga.

"Ah, wala naalala ko lang may tatapusin nga pala akong record para sa restaurant. Mauna na ako, balik na lamang siguro ako mamaya pag tapos na ako." Pagsisinungaling nya sa kaibigan. Agad syang tumayo at lumabas ng pinto. Naiwan si Laina na habol ang tingin sa kaibigan.

"I'm sorry best." Wika ni Laina sa sarili.

Samantala nakauwi na si Aris sa kanila. Di naman kasi malayo kaya mabilis lamang sya nakatawid mula bahay nina Laina papunta sa kanila. Pumasok sya ng bahay at tumungo sa kusina.

Binuksan nya ang ref at kumuha ng isang bote ng beer. Hindi naman nya ugali talaga ang uminom subalit pakiramdam nya kailangan nya ng mga oras na yon.

"Laina...Laina...Laina." wika nya sarili.

Ayaw nya man aminin ay nasasaktan talaga sya ngayon ng sobra. Natatakot din sya na baka wala ng pagkakataon pang muli para masabi nya ang totoo sa bestfriend nya.

Hindi nya namalayan naka tatlong bote na pala sya ng beer, medyo tinatamaan na din sya. Sya naman pagdating ng mommy nya.

"My problema ba anak? Hindi ako sanay na makita ka na umiinom unless na may mabigat kang problema." Wika ng kanyang mommy.

Gusto sana nya matawa sa sinabing mabigat na problema ng ina cause literary speaking mabigat nga ang problema nya, si Laina.

"Babae yan noh, don't lie to me son. Kilala kita." Wika pa ng mommy nya.

"Ok lang ko mom, don't worry I assure you I'm fine." Tugon ni Aris sa mommy nya.

"Hay naku anak." Lumapit ito sa anak at niyakap.

"Huwag kang matakot sabihin sa kanya ang totoo, ang mahalaga malaman nya ang totoong nararamdaman po para sa kanya. Kung hindi man nya masuklian yon, eh di move on lang anak." Kasabay ng isang matamis na ngiti.

"Thanks mom, and thanks kasi kahit alam nyo ang nararamdaman ko sa bestfriend ko eh di nyo ko binuking knowing you are very close to her."

"Syempre anak kita, kaya tama na yan. Fix yourself at magprepare lang ako ng lunch." Wika ng mommy nya.

That night, pabaling baling lang si Aris sa higaan. Then he decided na lang to open his cellphone. He browse some photos on his gallery and found one photo of Laina with him. So sweet, sabi nya sa isip. That picture was taken in Laina's 22nd birthday. Tinitigan nya ito while playing music on his phone.

Nadala yata sya sa tugtog ng westlife na "Grow old with you" at bigla na lamang sya nalungkot, hanggang sa pagtulog ay dala nya pa rin sa isip na kung makakasama nya ba si Laina sa pagtanda bilang kanyang mahal o mananatili na lamang bilang magkaibigan.

WHEN A MAN LOVES A CHUBBY WOMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon