Lord, tanong ko lang po..
Bakit ang ganda ng mga mata nya? Di ko naman pwedeng titigan buong maghapon? Pwede Mo po bang sabihin sa akin kung para kanino sya? Para naman po huwag na akong mag-alala na kung mag momove on na ako sakanya alam ko na sa mabuti naman sya mapupunta.Bakit ko pa po sya nakilala kung di naman po pala sya para sa akin? Mas maganda po ba iyong para sakanya kaya hindi ako ang napapansin lagi nyang? Bakit po maraming mas maganda sa akin? Mas mabait po ba sila kaysa sa akin?
Sa kabila ng lahat ng maka mundo kong tanong, gusto kong pag-untugin ang sarili ko kasi napaka-ewan, di makatarungan at di magandang pakinggan lalo na at isa akong kristiyano. Pakipalo nga po ako Lord. Promise di po ako magtatampo. (⌒▽⌒)Kasalanan ko naman po kasi eh.
At dahil dyan.. ako na po mismo ang sasagot sa mismong tanong ko kasi alam ko naman mismo ang sagot dito.. XD ume-echos lang po talaga ako kanina. Nag da-drama sa madaling salita. Sorry po Lord dahil sumagi pa iyon sa pasaway at makamundo kong isipan..
Bakit hindi ko pwedeng titigan ang mga mata nya kahit gustong-gusto ko? Kasi nga ang mga matang iyon ay hinding hindi naman ako makikita kahit anong titig at pagpapa-pansin ko. Kahit anong gawin ko para lang sa iisang tao ang matang iyon at HINDI SA AKIN. Kailangan kong tanggapin iyon. Di naman mahirap kong gugustohin eh.. echosera lang talaga ako kung minsan. Hahayssss. Patawad, Lord. Napaka pasaway ko.
Bakit ko sya nakilala pero di ko naman pala pwedeng salirinin? Hindi kasi pwedeng hingin ang taong ginawa para sa iba. Hindi iyan ibinigay sayo kasi mas kailangan iyan ng iba. Ikaw.. kaya mong wala ang taong iyan, pero may isang tao na hindi nya kakayanin pag wala iyan. Kaya kailangan kong magpaubaya ng bukal sa puso AT HINDI NAPIPILITAN LANG.
After kong mag-isipisip.. natatawa na lang ako sa sarili ko, ang emotera ko talaga pero pag dating sa mga aktingan sa school dati sabaw naman ako. XD Nakakatawa talaga ang hiwaga na ibinigay ng Lord di lang sa buhay ko kundi sa buhay mo na din..
Isa lang ang malinaw.. Mahal na mahal ako ng Lord.. kung iyon ngang almost perfect na hindi pa ibinigay sa akin, I really wonder baka mas perfect pa ang ibibigay sa akin ng Lord.. pero oo nga naman di ko naman kailangan ng perfect ng partner in life ang kailangan ko ay isang Godly man and magiging masaya kami while sharing a Godly relationship.. a love story made and guided by God. ヽ(´▽`)/
Saya diba? Sarap mainlove kay Lord. Isinurrender ko na sakanya ang love life ko. Paanong magiging pangit ang kalalabasan nito kong si Lord ang mamamahala nito? (^v^)
Lord, please iprepare Ninyo po ang puso ko para pag nakilala ko na iyong para sa akin, sobrang handa na po ako in all aspects of my life lalo na po spiritually.. for now focus po muna sa Inyo.. alam ko naman po na gusto Ninyo pa akong masolo. XD!