Ang saya mong panuorin kahit nakaupo ka lang. Kahit nagbabasa ka lang kadalasan. Kahit ikaw iyong pinakaboring at pinakatahimik para sa karamihan, sa akin naman hindi mo kailangang magpapansin kasi pansin na pansin ka naman na talaga ng mata ko. Pero huwag kang mag-alala hanggang mata pa lang naman ang naapektuhan mo. At di rin ako papayag na pati puso at utak ko maapektuhan mo na, sa ngayon. Oo sa ngayon ganito na lang muna ako. Nakatingin sayo kahit libro lang yata ang nakakapagpangiti sayo kapag tinititigan mo. Ang swerte ng libro nuh? Pwede bang next time tingnan mo rin ako kung paanong ang saya-saya mong tinitignan ang mga libro mo?
Naalala ko rin noong nasa speech laboratory tayo tapos nakaupo ka sa sarili mong table. Tag-iisa nga kasi tayo ng mga cubicles doon diba? Tapos tag-iisa rin ng mga set ng computers. Nakaupo ka sa cubicle mo tapos napunta ako sa may station nyo dahil hindi ko marinig iyong discussants sa may station namin, nasa likod kasi ako. Sumandal ako sa may cubicle mo dahil iyon ang pinakamalapit doon. Iyong pakiramdam na halos magkatabi na tayo may isang plywood lang na nakaharang? Pakiramdam ko ako si Yayadub! XD Pakiramdam lang. Naalala ko di ko pa pala season para magka-crush. Hehe. Pigil-pigil muna si heart. May tamang panahon para dun. Diba, Lord? :)
Kakaiba ka sa lahat.. Hindi ka gaya ng mga lalaki na parang tinaniman ng pinya iyong ulo dahil sa tindi ng inilagay na hair gel para lang maging cool. Hindi ka gaya ng iba na kailangang tahiin iyong mga pants nila para lang magmukhang fashionable. Sakin naman tama na iyong presentable ka sa tuwing humaharap ka sa mga tao. Ngiti mo lang talbog na silang lahat. Napakahumble mo pa. Akala ko ba pareho tayong English ang kinukuhang major, bakit ikaw HUMBLElology yata ang minimajor mo? Minamaster mong maging humble eh.
Isa lang ang dahilan kung bakit hindi pa ako sigurado sayo. Hindi ko kasi alam ang status mo spritually.
Nasabi ko to sa sarili ko na isang lalaki lang ang mamahalin ko. Isang lalaking magiging partner ko. Isang lalaking mas mahal pa si Lord kesa mahal ako. Isang lalaking si Lord ang priority nya sa buhay nya higit pa sa kung ano-anong bagay.
Hindi pare-pareho ang mga lalaki. May darating at darating na aangat sa lahat. Kung pare-pareho ang mga lalaki, bakit ka pa pumipili hindi ba? Hindi sila pare-pareho, mind set mo lang iyan, iyonkasi ang sinabi sayo ng mundo. Pero hindi totoo iyon, niloloko ka lang ng mundo. Ang totoo hindi naman talaga ikaw ang bitter, naimpluwensyahan ka lang ng mundo.
"Good morning! :)"
Ayan bigla kang nag padala ng group message. Alam mo bang ilang minuto ko ring tinitigan iyong message mong iyon? Pinag-iisipan ko kung mag-rereply ba ako at kung ano naman ang sasabihin ko?
Alam mo ba na sa tuwing nag-g-gm ka ng sweet messages pakiramdam ko ay para sakin iyon? Kaso alam ko naman hindi. XD Assuming lang talaga ako. XD ulit.
Ano kaya magre-reply ba ako sa gm mo? Mag-isip kaya ako ng magandang excuse para lang makatext kita? Dapat iyong huwag halata ano? Nakakahiya naman kasi eh.
Kaso bakit ko nga ba gustong makipagtext sayo? Naisip ko will ba ni Lord to? Will kaya ni Lord na makipagtext ako sayo? Tapos ano and susunod? Pwedeng magkaligawan tayo at pwede pang maging tayo? Hindi ko naman maitatanggi iyon.
Sa huli nagdesisyon akong huwag na lang magreply. Kapag kasi ginawa ko iyon, will ko ang sinusunod ko at hindi ang will ni Lord. Kaya huwag na lang! XD Kung tayo, tayo talaga. Kung tayo ang God's will ni Lord para sa isat't-isa, parang pabebe wariors yan.. Walang makakapigil satin. In God's time. Kung hindi naman ikaw, siguro nga mas kailangan at mas deserve ka ng iba. Siguro masasaktan ako, pero si Lord na ang bahala sakin. Wala pa namang ginawa ang Lord na makakasama sakin eh. Katunayan lahat ng ibinibigay Niya sakin ay best lang.. bawal ang good at bawal din ang better. Nakakaexcite nuh? Kaya siguro iyon ang dahilan kung bakit kalmado lang ako sa usapang pag-ibig ay dahil naniniwala akong si Lord ay may pinaplanong napakagandang love story para sakin. (♡˙︶˙♡)
~
Enjoy reading! Salamat po sa suporta! God bless. :*