Kabanata II

24.5K 636 19
                                    

Kabanata II

"Nababaliw ka na ba talaga!" asik niya ng makalabas siya sa sasakyang ginamit nila pauwi. Hindi ang Tatay niya ang sumundo sa kanila at dadalawa lang sila sa loob. Pero hindi iyon ang kinaaasar niya.

"So? Ano naman kung sinundo kita sa harapan ng klase mo? Ano naman kung isinakay kita sa sasakyan ko? Ano namang masama doon?" inosenteng sabi niya. Hindi man lang niya naisip ang pagkakamali niya?

"Ewan ko sa'yo! Kung di ka lang talaga Dela Marcel kanina pa kita... Ugh!" tinalikuran ko na siya at pumasok na ako sa bahay. Hindi ako nagpasalamat sa kaniya. Mas gugustuhin ko pang maglakad kaysa sumakay sa sasakyan niya!

Paano na ako bukas? Malamang sa malamang na kakalat ang balita. Kilalang kilala pa naman si Kris sa buong campus. Paano na ang tahimik kong mundo? Nakakainis talaga!

"Atasha!" sigaw niya pero hindi ko iyon pinansin. Binuksan ko ang pintuan ng bahay namin at pabalang na sinarado. Bahala siya sa buhay niya!

Ano ba kasing sumapi sa kaniya at nagkakaganun siya? Okay na naman kasi dati, eh. Kahit di na niya ako pansinin at kahit h'wag na niya akong lapitan. Kahit nga gumalaw siya na parang hindi niya ako kilala ay wala akong pakialam!

Padabog kong binaba ang school bag ko sa may gilid at humiga sa kama ko. Napaka-tiring ng buong araw. Sana bukas hindi na sapian si Kris. Sana bukas ay bumalik na siya sa dati.

Magdadasal ako sa lahat ng santo mamaya. Ipagdadasal kong hindi na ito maulit at hindi na ito kumalat pa. Sana lang...

Tumayo ako at pumunta sa banyo upang maligo. Kailangang maging fresh ang utak ko. Malapit na ang exams at kahit hindi naman nabganganib ang mga grades ko ay kailangan ko paring mag-review at i-mentain iyon at ang pagbabago ni Kris ay isang malaking abala sa pag-aaral ko. Dahil sa inis ko sa kaniya parati na siyang nasa utak ko! Parati ko siyang pinapatay sa utak ko!

Sinuot ko ang dala dala kong damit. Maigsing shorts na maong at sleeveless na medyo maluwag sa akin. Pinunasan kong mabuti ang buhok ko bago iyon hinayaang nakaladlad. Bumaba ako sa kusina upang manguha ng makakain at muling umakyat para simulan na ang pagrereview.

Nilapag ko sa maliit na study table ko ang chips at isang malaking bottle ng gatas bago kinuha ang mga gamit ko at sinimulang intindihin. Hindi pa man nagtatagal ay nagulat ako ng may ingay sa may gilid ko.

Nilingon ko iyon at mas nanlaki ang mga mata ko ng makita si Kris na nakahiga doon ay hawak hawak ang kaliwang braso nito.

"Sh*t! Fuck*ng sh*t!" ilang mura pa ang paulit ulit nitong sabi bago ako natauhan.

Si Kris ay nasa kwarto ko! Si Kris ay nakapasok sa kwarto ko ng hindi ko pinapapasok!

"What are you doing here? Nababaliw ka na ba? Inakyat mo ang kwarto ko? Paano kung nalaglag ka? Saan mo ba tinago ang utak mo at baka gusto mong hanapin ko para sa'yo?" inis kong sabi sa kaniya. Wala na sa isip ko na anak siya ng nagpapaaral sa akin at pinagtatrabahuan ni Daddy dahil sang malaking katangahan naman talaga ang ginawa nito.

Nang hindi pa ito nagsalita at patuloy na nakahiga doon ay mabilis akong tinambol ng kaba. Nasaktan ba talaga siya at hindi umaarte lang? Baka pag namatay siya ako ang sisihin?

"Ayos ka lang?" tanong ko at lumapit sa kaniya. Nakapikit ito ng mariin. Hinawakan ko ang hawak hawak nitong braso at tinignan. May malaking sugat ito at nagdurugo. Napansin ko namang nakatingin na siya sa akin at talagang pinaningkitan ko siya ng mata.

"Tumayo ka diyan at gagamutin ko!" singhal ko sa kaniya. Arte! Nagulat ako ng para itong batang ngumuso sa harapan ko. Nasisira ng pout nito ang badboy look nito pero mukhang wala itong pakialam.

Sumunod naman ito sa akin at umupo sa upuang kaninang inuupuan ko. Inirapan ko siya bago tumalikod at kumuha ng maaaring panggamot sa kaniya. May nahanap naman akong alcohol, bethadine at bulak sa baba. Pagakyat ko ay sinusuri nito ang sugat. Umiling iling ako bago siya nilapitan.

"Bakit ka ba kasi umakyat? Tanga ka ba?" inis kong sabi. Umupo ako sa lamesa dahil ayokong mangawit tsaka ko pinatong ang braso niya sa legs kong pinatungan ko ng libro at sinimulang linisin ang sugat niya. Kagat kagat nito ang labi habang tinitingnan ang ginagawa ko. Tatanga tanga kasi!

Hindi naman pala ganoon kalaki ang sugat. Nang malinisan kasi ito ay saka ko lang nakita ng maayos.

"'Yan na tapos na. Umuwi ka na nga. Ano ba kasing ginagawa mo dito" sabi ko pero nagulat ako ng tignan ko siya at nakapikit na ito. Tulog ba ito? Sinundot sundot ko ang pisngi niya gamit ang index finger ko at nagmulat naman ito ng mata.

"Umuwi ka na, Kris. Ano ba kasing pinunta mo dito?" iritadong sabi ko sa kaniya. Sino ba naman kasing tao ang aakyatin ang kwarto ng may kwarto kung hindi isa't kalahating saltik at tanga.

"Tsk! Sino ba kasi iyong taong hinatid ko na nga pinagsaraduhan pa ako ng pinto? Wala man lang thank you?" sarkastikong sabi niya.

"Hindi naman kasi kita inoobliga na ihatid ako. Kaya kong umuwi mag-isa and for your information mas gugustuhin ko pa na maglakad kaysa ihatid mo!" giit ko. Umirap ito at lumipat sa kama ko. Kinamot ko ng mariin ang batok ko sa inis ng simulan nitong pakialaman ang mga gamit ko.

"Sino naman ito? Wala naman ito dito dati, ah?" turo nito sa picture na kakalagay niya lang kagabi. Picture ito ng isang anime character na kinahuhumalingan ko, si Ichigo Kurosaki.

"Si Ichi. Bakit- saglit nga! Paano mo nalaman na wala iyan diyan dati?" kunot noo niyang tanong. Umiwas ito ng tingin at unti unting namula ang kaniyang tenga. Wala akong maalalang pinapasok ko siya dito kahit na kailan.

"Hinulaan ko lang. So talagang wala siya diyan? Tsk. Mas gwapo naman ako ng milyong paligo diyan" sabi nito na halos pabulong na ang dulo. Akala ko naman pinapasok niya ang kwarto ko ng walang paaalam. Tsk. Bakit ko ba naisip iyon?

"H'wag mo ngang baguhin ang usapan! Umalis ka na! Nag-rereview ako!" sabi ko pero isa isa nitong tinanggal ang sapatos at kumuha ng unan ko tsaka iyon niyakap at pumikit. Talagang tototohanin niyang matulog dito?

Hindi naman ganun kalambot ang kama ko. Pang-isahan lang iyon at hindi katulad ng kama niya sa Mansion nila na king size bed at masyadong girly ang bed ko para sa isang badboy na kagaya niya.

"H'wag ka ngang matulog-"

"Quiet, Atasha" nagtaasan ang mga balahibo ko ng sabihin niya ang pangalan ko. Hindi ko na ako nakapagsalita at hinayaan nalang ang lalaking iyon na natulog sa kama ko. Bahala siya kapag nanakit ang katawan niya. Di ko naman katawan ang mananakit.

Nakakasakit ng ulo ang makipag-usap sa kaniya. Mas mabuti siguro kung hindi ko na lamang siya papansinin at baka tumigil din siya.

Tinalikuran ko siya at itinuloy ang pag-rereview ko. Hinayaan ko nalang siya sa gusto niyang gawin. Magsasawa din naman siya. Siguraduhin niya lang talaga na walang magrereklamo kapag sumakit ang katawan niya dahil bubugbugin ko talaga siya.

I tried solving the equation in my book through long and short method. Madali ko itong nakuha. Masyado lang maraming kailangan pero madali naman itong makuha, kailangan lang na memoryado mo ang mga formula at ang pagkakasunod sunod nito.

Iniling iling ko ang leeg ko ng makaramdam ng konting kirot. Paulit ulit kong sinulat ang sagot sa huling equation na sinolve ko. 143. I love you. Really? Inulit kong sinolve ang equation pero iyon parin ang sagot.

Ipinagkibit balikat ko iyon at tumayo. Tama na iyon. Tumingin ako sa lalaking himbing na himbing sa pagkakatulog sa kama ko. Dapat ako ang natutulog diyan ngayon pero dahil sa kaniya ay ako ang nakaupo dito. Pumunta ako sa my bintana at tinignan iyon pababa. Paano niya ito naakyat? Lalagyan ko nga ng barb wire ito bukas.

Tumalikod ako at nagkibit balikat. Wala akong magawa. Lumapit ako sa kama ko at kinuha ang isang unan. Matutulog nalang ako sa baba habang hinihintay si Tatay. Kainis talaga ang Dela Macrel na ito. Kahit kailan pahamak!

Dela Marcel VII: Crazy In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon