Prologue

694 14 1
                                    

Characters:

Kathryn Bernardo as Sam/Samrynne

Daniel Padilla as Sam/Samuel

Julia Montes as Alex/Alexa

Enrique Gil as Renz/Lawrence

The rest is known by their real name.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Prologue:

Same name huh!

Pano yun?

"Congratulations, Sam!"

"Yes! First Honor ako!"

Sabay pa kayong nagsalita. And end up arguing kung sino ba talaga ang first honor. And when the teacher said the last name, isa ang matutuwa, isang mabibigo.

At sa di inaasahang pagkakataon, di lang pala same name,

Same birthday,

"Sam, happy birthday,"

"Salamat". "Thanks"

"Ako kaya ang sinabihan ng happy birthday! Asa ka!"

"Hindi ah, ako kaya yung grineet, Hindi ka ata kilala nun eh"

at same favorite color pa!

"Mommy, mommy, gusto ko nung batman shirt, eto oh, bili mo ko please...last piece na to eh" Sabay hila sa mommy niya papunta Sa damit na gusto niya, pero may lalaki rin palang nagpapabili nun Sa dad niya.

Tama kayo, parehong sina Sam ang nagpapabili. At yun nga, pinag-awayan nanaman nila.

Lahat nalang nag-e-end up sa away, sa pagtatalo. Kung yung iba, may childhood friend or childhood bestfriend, ang sa kanila, childhood enemy. Pano ba, away lang lagi ang pinatutunguhan ng lahat.

Masasabi mo bang meant to be to? Or baka naman World War III? Oo, pareho, pero pano kung pinag-aawayan lang? Tapos kapag sino Ang first honor, kung sino ang binati ng happy birthday, Kung sino ang nabilhan ng batman shirt, siyempre, isa lang naman ang pwedeng magwagi diba? Pano na yung isa?

Yan yung storya ni Samuel at Samrynne, nung bata pa sila, oo nga, umabot hanggang Sa naging dalaga at binata na sila. Pero sa isang iglap, nagbago ang lahat.

-----

-Samrynne's POV-

Umm, Sa totoo lang, Sam Rynne Ang pangalan ko, may space yan. Kaso pinagdidikit ko para mas cool. Haha!

Nandito ako sa Kasal ni Alex, bestfriend ko. Nagsimula nang maglakad ang entourage. Ako? Ako Ang maid of honor. Kaya medyo nasa Bandang huli ako.

Ayan na... Ako na ang maglalakad. Naimagine ko tuloy na ako yung ikakasal. Eh? Pabayaan na. Minsan nga lang ako makapag-isip tungkol Sa love life eh, alam nyo naman na forever alone yung peg ko eh, haha.

Napatingin ako sa harap. Nakita ko yung mukha ng isang unggoy. Si Samuel. Yung bestman ni Renz, si Renz naman yung future husband ng bessy ko. Nakakainis! Bakit kasi si Samuel pa yung bestman eh. Kung kelan nag-imagine ako na ikakasal ako? Tapos mukha niya pa yung bubungad saken?! Tsk! Badtrip lang talaga! Kabadtrip lang. Iniisip palang na si Sam panget yung mag-aantay Sa kin Sa altar? Yuck! Yak lang!

Di ko talaga yun type no! Kahit buhok lang. No na sakin. Tignan mo naman kung Pano pumorma! Parang unggoy lang. Eww! Nakakaturn off. Ewan ko lang kung Bakit yan naging hearthrob Nung highschool hanggang college. Yak! Wala namang ka-taste-taste yung mga kaklase ko dati eh.

This Prologue and Epilogue [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon