-Samuel's POV-
Tapos na yung spell na binigay sa'min ni Aria. Actually, 2 months ago na. Pero bakit ganto? Di parin nawawala yung nararamdaman ko para Sa kanya. Ewan ko nga e, isang araw bigla nalang ako nagising na mahal ko na siya tapos sobrang sweet ko sa kanya. siya rin naman saken. tapos as in nakalimutan ko lahat ng bagay sa mundo. siya nalang naiisip ko. Siguro naguguluhan kayo kung bakit alam ko na may love spell na binigay sa'min si Aria no? Chaka alam ko naguguluhan rin kayo kasi kilala ko si Aria. Simple lang dahil nasa epilogue na kayo. Di nyo nabasa ang lovestory namin na nagsimula sa love spell eh. Ganito kasi yun
>>Flashback<<
Pagkatapos nung wedding ni Renz at Alex, syempre, may honeymoon sila diba? Di na ko nakiextra dun, syempre si Rynne umuwi na, sinundo ata nung driver eh. Aish! Bakit ko ba siya kinukwento Sa inyo? Basta, nasa bahay na ako ngayon. Matutulog na ko ngayon.
Kinabukasan,...
Good Morning!!! Ewan ko pero wala akong maalala kahapon. Pero Alam nyo? Mahal na mahal na mahal ko si Rynne. Yayayain ko siya magdate ha? Sshh!
Tinext ko siya: Wifey! Rise and shine! Gising na asawako! I love you! :***
Basta, I really really really really love her so much times infinity. Oo na! Alam ko iniisip nyo! Corny ko! Inlababo eh! Love lots!! Ambaklaaa!
Nagreply naman siya agad: Hubby! Ang aga mo namang magising! Good morning din to the most handsome man in this world. Hahaha. I love you too! :***
Oh diba? Ang sweet lang? Hahaha! Inggit kayo no?
Tinawagan ko siya,,
"Wifey! Ano? Pwede ka ngayon?"
[huh? Pwede san?]
"Date tayo, dyan lang Sa mall! Dali! Sunduin na Kita jan ngayon ah"
[oo naman, pwede ako! Wait lang, mga 10am tapos na ko.]
"O sige, papunta na ko jan. I love you wifey!"
[owkay! I love you more hubby!]
"No! I love you most!"
[hahaha, o sige na! Ikaw na! Bye hubby! Prepare pa ko eh.]
"Bye wifey. Wait mo ko"
Yun nga, nagdate kami Sa mall. Ganun talaga, kapag nagmamahal, sweet!
Weeks passed, ganun parin. Walang nagbabago. Pag may trabaho siya, ako yung naghahatid at nagsusundo Sa kanya. Tapos minsan nga pag gabi, ihihinto ko muna yung kotse Sa isang tabi tapos Pareho kaming hihiga dun Sa may harapan ng sasakyan tapos mag s-star gazing kami, o kaya naman minsan tatambay kami dun sa may *** bay tapos manunuod ng sunset. Tapos Kung nagising nang maaga, magjo-jogging kami Sa subdivision. Yung mga parents pati kaibigan nga namin naguguluhan na Sa ginagawa namin eh. Bakit kaya? Anong meron? Nakikita ko Sa mata nila na parang impossible yung nakikita nila, huh?
Nung 3 weeks and 4 days na, wala, ganun parin. Pero this time, ewan ko pero kinabahan ako bigla. Yung parang kaba na mawala sakin si Rynne. Di ko ata kaya yun.
Dahil mabilis Ang oras, umabot din Sa puntong one month na...
Pagkagising ko nun... Naalala ko lahat, lahat-lahat... At ngayon lang din nag-sink-in sakin na wala pala kaming relasyon. Bigla nalang kami nagsasabi ng I love you Sa isa't-isa... Basta Ang wierd.. Tiningnan ko lahat ng messages, andun parin naman yung sweet moments, yung banatan, yung patawa, basta, Sa one month na yun, yun yung pinakamasayang nangyari Sa buhay ko. Ewan ko Kung bakit. Naguguluhan ako.
Dati, inis ako Sa kanya e. Alam nyo yun diba? Inis ako. Naalala ko pa nga tinawag ko syang manok eh. Pero anung nangyari? The next day, bigla nalang kami nagsasabi ng I love you, bigla naging PDA. Pano nangyari yun? Wala akong clue.

BINABASA MO ANG
This Prologue and Epilogue [FIN]
Fanfictionϵ( 'Θ' )϶ A story of two enemies turned to lovers by the magic of a cupid/love angel. The spell will last for only a month. In the month of February. Sa buwan ng mga puso. Ano na mangyayare after 1month? Back to enemies? Or they will be controlle...