***
Chester's Pov
Huminga ako ng malalim. Inhale... Exhale tiyaka ko tinignan ang mga kaklase kung ang iingay at ang gugulo.
"Oy, yung assignment tapos mo na ba? Pakopya naman." sabi ko kay Mariela na katabi ko.
"Yung HRM 102 ba? Oh sige wait" aniya at kinalkal ang bag niya kung saan naroroon ang kanyang mga kwaderno."Ito oh" aniya at nilahad niya ang kwaderno niyang kulay pula, kinuha ko naman iyon.
"Ano yan?" napatingin naman ako sa nagsalita na si Krisanta.
"Yung HRM 102 yung assignment natin na binigay ni Maam kahapon." sabi ko sa kanya at bumaling ulit sa ginagawa kong pagsusulat.
"Pakopya rin" ani Rica. Pinasaere ko ang hinlalaki kong daliri para bigyan siya ng sinyales na 'ok'.
Mabuti nalang bago pumasok si Sir Bueno na English teacher namin ay natapos na namin kaagad ang kinokopya naming assignment.
"Good Morning, class." aniya. Inilibot niya ang kanyang mga mata sa loob ng silid."Kay umagang umaga ang gugulo ng mga upuan. Ayusin niyo nga" sermon nanaman niya.
Nang natapos na nilang ayusin ang mga ito ay nagsalita nanaman siya.
"We have new student. Ngayon lang siya nakapasok dahil later enrolli siya. Pasok ka na" aniya at pumasok ang isang matabang babae mula sa pintuan. "You can introduce yourself If you want. If you don't, just find your suitable sit" aniya.
Imbis na umalis siya doon sa harapan para maghanap ng kanyang mauupuan, nanatili siya doon at nagpakilala sa kanyang sarili.
"Hi, I'm Bianca Ysella Cabigon. Thank you" aniya at umalis na sa harap para umupo sa bakanteng upuan sa likuran.
Mariela's Pov
Pagkatapos magdisscuss si Sir ng leksyon ay walang umimik sa amin. Walang nagsalita ni isa lahat tahimik.
May narinig kasi kami noong last week na ang IA ay isang isinumpang seksyon. Mangyayari ang sumpang iyon kapag may nalate enrolli na pumasok sa seksyon na ito at ito na nga ang kinatatakot namin may nalate na ngang nagenroll at dito pa pumasok.
Sa totoo lang hindi ako naniniwala doon, hindi kami naniniwala doon pero hindi namin naiiwasang isipin ang mga sinasabi nila dahil para kasing totoo, dahi nangyari na kasi ito noon....
Nung last ten years daw, Oo last ten years daw sabi nung nasa 3rd year student nangyari daw noon ang ga ito. May isang babae rin na nalate ang enrollment niya at nung pumasok siya sa seksyong IA ay sunod-sunod na namatay ang mga studyante dito na nabibilang sa seksyon. Walang nakaligtas noon sa mga studyante lahat ito namatay at hindi nila alam kung paano at kung sino ang pumatay sa kanila. Naniniwala sila na multo daw ang pumapatay pero karamihan naniniwala sila na may pumatay sa mga studyante.
"Hindi naman ata totoo iyon" ani Rica kaya napatingin ako sa kanya.
"Oo nga eh. Parang gawa gawa lang nila iyong istoryang iyon, wala tayong dapat ikabahala" sabi naman ni Krisanta at umupo sa tabi ko.
"Paano nga kung totoo iyon? Ano ang mangyayari?" lahat kaming tatlo ay napatingin kay Chester na seryoso ang mukha habang sinabi niya iyon.
"Imposible"sabay naming sabi at nagsimula nanaman ang mga kaklase ko sa pag-iingay nila.
Someone's Pov
Ngumisi ako ng patago. Tinignan ko sila habang masayang nag uusap. Talagang ang iingay nila kahit kailan. Tignan lang natin kung makapagingay pa kayo kung nawala na kayo dito sa mundong ito.
Ako, ako ang magtutuloy ng sumpang hindi natapos noon kaya....
Kilabutan na kayong lahat dahil wala akong ititira na kahit isa.
***
BINABASA MO ANG
Section I-A (Book 1)
Mystery / ThrillerIsang natatanging Section dahil ito lang ang naisumpang Section. Simula nung may late enrolli na babae na pumasok sa SECTION IA sunod-sunod na ang mga namatay na studyante mula sa section na ito. Ano ang mga mangyayari? Ano ang dapat nilang gawin pa...