Kabanata 5

3.6K 116 3
                                    

***

Harlyn's Pov


"Who?" tanong nito sa kabilang linya.


"Pupunta ako jan. Just wait for me, pipigilan natin ang killer bago niya magawa ang pagpatay" sabi ko sa kanya at binaba na ang phone at dali daling umalis ng bahay.


Chester's Pov


Hinintay naman nina Krisanta, Rica, Mariela, Reynalyn at Elizabeth si Harlyn sa malapit ng gate.


Hindi pa nagtagal ay nakita namin ang isang babae na tumatakbo na nakakulay asul ang suot niya. Hingal na hingal to ng karating sa amin.


"Akala ko ba hindi ka makakapunta?" tanong ng pinsan niyang si Reynalyn.


Hingal na hingal ito. nakahawak siya sa kanyang tuhod at hinahabol ang paghinga niya.


"S-someon's going to d-die" aniya.


"HA?!" pasigaw na tanong nung lima.


"Sino? Alam mo ba?" tanong ko sa kanya.


"Na-alala niyo pa ba ang mga numero na binunot natin kay Sir noon bago siya mamatay?" tanong niya sa aming lahat. Tumango naman kami. Ano namn ang kinalaman nun? "Dahil kung anong numero ang nabunot niyo...." pambibitin nito.


"Ano?" sabay na tanong namin sa kanya.


Huminga siya ng malalim at pinakalma ang sarili niya.


"Yan rin ang numero ng katapusan niyo" diretsong sabi niya.


Nagulat kaming lahat, pati rin ako nagulat. Iyon ba talaga ang gamit ng pinabunot sa amin ni Sir?


"Ha? Nagj-joke ka naman ata" takot na sabi ni Elizabeth kaya napatingin kami sa kanyang lahat. Takot na takot ang mukha nito.


"I'm not joking. Sa ganitong sitwayson kaya ko pa bang magjoke sa inyo?" tanong niya sa amin.


"So it means na..." ani Krisanta.


"Yes, si Rosemarie ang nakabunot ng unang numero at si Sir naman ang naging numerong zero" sabi niya sa amin.


Napasinghap kaming lahat. Bumilis ang pintig ng puso ko. Kinakabahan ako sa mga mangyayari ngayon.


"I-am-not-going-to-die!" mariing pahayag ni Rica sa amin.


"Me too. Hinding hindi ko hahayaan ang sarili ko na mamatay. Marami pa akong pangarap sa buhay!" pagsang-ayon sa kanya ni Mariela.


"Hey, hey. Listen to me first, someone's gonna die tonight at kailangan natin itong pigilan bago mangyari iyon." sabi niya sa amin.


Section I-A (Book 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon