***
Rica's Pov
"Ano ang gagawin natin?" tanong ko kay Chester.
"Ito na ba 'yung sinasabi nilang sumpa noon na hindi naituloy?" tanong ni Krisanta.
Umiling-iling lang siya habang nakatingin sa kawalan. Walang bakas na emosyon sa kanyang mukha.
"Hindi, hindi totoo ang sumpa. May isa lang na tao talaga dito na gusto tayong paniwalain doon sa sumpang iyon at ang kailangan lang nating gawin ay pigilan siya sa kanyang gagawin" walang emosyon niyang sabi.
Ha? Ano ang sinasabi niya? AMy isang tao na pumapatay dito? At sino naman iyon?
Nilibot ko ang paningin ko sa buong classroom para tignan ang mga kaklase ko at para malaman ang sinsabi ni Chester. Pero wala, lahat sila malungkot at nakatingin sa kawalan.
"Gusto ko ng umalis dito sa seksyon na ito!" narinig naming sabi ni Jansen.
"Ayaw ng dean natin. Hindi na daw pwede" ani naman ni Ejay kaya napatingin kami sa kanilang dalawa.
"Ha? Paano namang ayaw ng Dean? Kakasimula pa lang ng school days ah. Wala pa namang dalawang buwan" ani Krisanta na pati ako nagtataka kung bakit ayaw nila kaming pagtransferrien sa ibang seksyon.
Sa totoo lang gusto ko na ding umalis dito sa seksyon na ito. Dahil...
Hindi pa ako handang mamatay. Walang taong gugustuhing mamatay.
Krisanta's Pov
Kahit isang linggo na ang nakalipas, bakas pa sa amin ang nangyari. Parang sariwa pa ito sa aming kaisipan. Ikaw ba naman kasi ang makakita ng isang bangkay sa mismong harapan mo.
"Mamayang gabi na 'yung Freshie Night ah. Ready na ba kayo?" tanong ni Reynalyn sa amin habang nasa harapan namin siya.
"Oo"sagot ni Elizabeth.
"Balita ko hanggang hating gabi daw iyon gaganapin. Saan tayo matutulog?" tanong no Harlyn.
Hindi rin makalimutan ni Harlyn ang nakita niya noon. Siya kasi ang pinakagrabe eh. Hindi niya sinabi sa kanyang mga magulang ang nangyayari sa school na ito dahil ayaw nila. Wala ring magulang ni Rosemarie ang pumupunta dito para tanungin kung nasaan ang anak niya. Doon ako nagtaka. Bakit nila nililihim ang mga nangyayari? Dapat ang mga bagay na ganito ay hindi nililihim dapat sinosolusyonan kaagad.
Napatingin ako kay Chester na kinakalikot ang cellphone niya.
"Sasama ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Yeah" iyon lang ang sabi niya at bumaling ulit sa kanyang ginagawa.
BINABASA MO ANG
Section I-A (Book 1)
Mystery / ThrillerIsang natatanging Section dahil ito lang ang naisumpang Section. Simula nung may late enrolli na babae na pumasok sa SECTION IA sunod-sunod na ang mga namatay na studyante mula sa section na ito. Ano ang mga mangyayari? Ano ang dapat nilang gawin pa...