MIKAELA P.O.V.
Masayang masaya ako ngayon dahil ngayon ako papasok sa school. I'm a transfer student at napaka ganda ng school ko.
I'm heading to deans office for my ID and schedule. Excited na rin kasi akong makilala ang mga classmate ko at makatabi ang isang gwapong lalaki hihihi.
"Ah. Miss pwede mo bang sabihin kung nasaan ang Deans office?" Tanong sa grupo ng mga babaeng nakaupo sa bench.
"Hmm? Sumayaw ka muna." Hala hindi ko naman alam na ganito pala dito.
"Sasayaw na yan! Sasayaw na yan!" napakamot ako ng ulo. Hindi ako marunong sumayaw e!
"Ano kasi hindi ako sumasayaw." paumanhin ko.
"Tsk! Waste of time. Doon ka sa iba mag tanong." napasimangot naman ako. Ang sungit naman.
Naghanap na lang ulit ako ng mapag tatanungan. Alam ko na sa susunod mag aaral na rin akong sumayaw.
"Uhm. Excuse me."
"Bakit dadaan ka?" ang taray naman.
"Ano hindi--"
"Hindi naman pala e. Wag kang mag excuse." Inirapan nya ko kaya napanguso ako.
Masama na bang mag tanong ngayon pati mag excuse. Takutin ko kaya. Napangiti ako sa naiisip ko kaya nilapitan ko yung babaeng nakasalamin nag iisa lang sya.
"Hoy ikaw! Sabihin mo nasaan ang Deans office!" may halong pananakot ang boses ko.
"A-Ah sa dulo po ng hall way na ito kumanan po kayo yung pangalawang pinto po yung Deans office." Hahaha effective dapat pala tinatakot muna sila para sabihin. I'll will take note of that.
"Salamat!" ngumiti ako sa kanya at nag lakad na.
Habang naglalakad pansin kong napapatingin sila sakin. 'Bakit kaya?' Naligo naman ako, nag pabango at nag tooth brush.
*Boogsh*
"Ah!" napahawak ako sa noo ko. Nauntog ako. Hindi ko namalayang may mabubunggo ako.
"Tsk. Stupid!"
Napa angat ang tingin ko sa nag salita. Parang nag slow mo ang paligid ko at unti unting tumutugtog ang kantang,
~Ikaw na nga! Ang hinahanap ng puso!~
Oh my gulay ang gwapo nya at 'hmm' mabango. Ang Man of my Dreams nagkatotoo na.
"Tsk! Close your mouth lady!" 'waaa! Pati boses lalaking lalaki'
"Ikaw na ang Boyfriend ko!" Tinuro ko sya at mukhang nagulat dahil nanlaki ang mata nya.
"What? Your a Pyscho!" tinalikuran nya na ko. Kahit masungit cool nya parin.
"Boyfriend! Mikaela ang name ko wag mong kalimutan!" nakangiti kong sigaw sa kanya. 'Kyaaa pati likod ang yummy!'
Nakarinig ako ng bulungan sa paligid at yung iba naman nawe-weirdo-han pero wala akong paki basta sya na ang Boyfriend ko. Hihihi.
'Ay ang assuming nung girl!'
'Sinabi mo pa kawawa tsk!'
'Buti nga at hindi sya pinansin ni Prince!'
'Grrr. May karibal na naman tayo sa Prince natin!'
Mas lalong lumaki ang ngiti ko papuntang Dean. I can wait na makita ko ulit si Boyfriend. Sana classmate ko sya at seatmate yiee!
JACOB P.O.V.
BINABASA MO ANG
The Girl Who Annoy's Me
Подростковая литература"Ikaw na ang Boyfriend ko!" - Mikaela "Hindi. Kita. Girlfriend." - Jacob