Annoying 3

24 1 1
                                    

Mikaela P.O.V.

"BOYFRIEND wag mo naman akong iwasan!" heto ako ngayon sinusundan si Boyfriend. Kanina pa nga sya lakad ng lakad e nalibot na yata namin ang buong campus. "Boyfriend san ba tayo pupunta?" tanong ko dito.

"Goodness! Pwede ba wag mo kong sundan! Mahiya ka naman hindi kita Girlfriend okay? Ayoko. Sayo!" kunot na kunot ang noo nya at halatang galit sya. Napanguso ako. Ano bang ginawa ko sa kanya at ipinagtatabuyan nya ko.

"Eh Boyfriend, diba laging kasama ng Boyfriend ang mga Girlfriend nila." napasabunot sya sa ulo nya.

"Ang kulit mo! Sinabing hindi kita Girlfriend! Ano bang dapat kong gawin para lang lubayan mo ko ha?"

"Bakit ayaw mo sakin? May ginawa ba kong masama?" sensere na tanong ko

"Hindi kita kilala okay! Hindi ko alam kung tao kaba? Manhid ka ba? O talagang wala ka lang paki alam?" natahimik ako sa sinabi nya. "Sumulpot ka na lang bigla at sasabihing Boyfriend mo ko! Are you crazy woman?"

"Boyfriend ako si Mikaela San Juan, 15 years old. Nag iisa lang akong anak." nakangiting sagot ko. "Gusto mo Boyfriend pati Bio-Data ko ibigay ko sayo?"

"This is crazy! You are crazy!" Tinalikuran nya ulit ako at napa-kamot na lang ako ng ulo. Ano kayang iniisip nya?

*-*-*

Naglalakad ako papuntang caf mag isa. May pinuntahan kasi si Boyfriend kasama ang mga kaibigan nya at ayaw nya kong isama.

"Ate one slice of cheese cake and chuckie po." Wala kasi akong ginawang food kanina dahil nalate ako ng gising. Inabot nya sakin yung inorder ko at nag hanap ng mauupuan. Tahimik lang akong kumakain at maraming tumitingin sakin, yung iba masasama, yung iba may pang aasar.

Mabilis kong tinapos ang pag kain ko at pumunta sa c.r.

"Shit! Pano na to?"

Naalarma ako dahil nakarinig ako ng boses na babae. Ako lang naman mag isa sa c.r ngayon. Hindi kaya multo yun! Oh my takot ako sa mga multo.

"H-Hello multo ka ba?" kinakabahang tanong ko.

"Thank goodness my tao na sa wakas."

Nakahinga ako ng maluwag dahil tao pala.

"Uhm...may kailangan ka ba?" Polite na tanong ko

"Uhm...Oo sana. You know I have my period today at wala akong napkin dito...uhm...may extra ka ba dyan?" Ah napkin lang pala. Buti na lang lagi akong handa.

"Oo meron ako saglit lang." hinalungkat ko ang bag ko at hinanap ang napkin. Inabot ko naman yun sa kanya.

"Modess? Whisper ako e.. hmm... di bale na nga." napanguso ako ang choocy naman nya.

Ilang minuto lang ay lumabas na sya. Wow ang ganda nya! Baka magustuhan sya ni Boyfriend.

"Hi ako si Madel thanks nga pala sa napkin na binigay mo although na hindi yun ang brand ko. Thanks parin." hinawakan nya ang kamay ko at nag shake hands kami.

"Ako si Mikaela. Uhm walang anu man siguro next time whisper naman ang dadalhin ko." nagulat ako dahil tumawa sya.

"Hahaha! Your amazing by the way friends?"

Ngumiti ako. "Oo naman!"

Sabay kaming lumabas ng c.r. napakadaldal nya pala.

"Naalala ko na ikaw yung Girlfriend ni Jacob."

Napangiti ako sa sinabi nya. "Oo ako nga yun kaya off limits ka dun. Kaya lang ayaw nya sakin e pinagtutulakan nya ko palayo."

"Eww! Ako? Mag kakagusto sa masungit na yun? No way! He's not my type okay." napangiti ako "Bakit nga ba sunod ka ng sunod kay Jacob? No offence okay, pero alam ko kasing hindi pa nagkakagirlfriend si Jacob tapos heto ka biglang susulpot at sasabihing Girlfriend ka nya. Pano nangyari yun?" halata sa kanya ang pag tataka

The Girl Who Annoy's MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon