Mikaela P.O.V
Yieee! Talagang meant to be kami ng Boyfriend ko. Tabi kami sa buong school year. Sobrang saya ko.
"Boyfriend pansinin no naman ako." kinalabit ko sya dahil kanina pa nakabusangot ang mukha nya.
"Shut up! Your not my Girl!" napanguso ako.
"Hi miss Beautiful I'm Julius." ngumiti sya kaya napangiti din ako. "Alam mo miss beautiful mas bagay naman tayo kesa kay Jacob e." so Jacob pala ang name ng Boyfriend ko
"Ayoko nga mas gwapo si Boyfriend at mukha kang playboy." I said as a matter of fact.
"Hahaha nareject din ang the mighty Julius Gamboa." napanguso si Julius. "By the way the name is Gian at your service!" nakipag shake hand sya kaya tinanggap ko naman. Nagulat ako dahil hinalikan nya ang likod ng kamay ko.
"Pano mo ba naging Boyfriend ang masungit naming kaibigan?" tanong ni Gian
"The sign!" nakangiting sabi ko
"Sign? What sign?" Naguguluhang tanong ni Julius
"Ang sabi ko kasi kung sino ang unang lalaking kakausap sakin sya ang magiging Boyfriend ko at sya yun!" ikinawit ko ang kamay ko sa braso ni Boyfriend.
"The hell! Let go of me!" pinagtulakan nya ko kaya napanguso ako. Ang sungit nya talaga pero nakakainlove parin yieee!
*kriiing*
Biglang tumayo si Boyfriend kaya sumunod ako.
"Teka Boyfriend saan ka pupunta?"
"Malayo sayo! Pwede ba tigilan mo ko para kang aso. Hindi kita Girlfriend tandaan mo yan!" dinuro nya pa ko kaya napa yuko ako.
"hahaha pahiya yung girl!"
"Sinabi mo pa di naman pala Girlfriend assuming lang!"
"Hindi naman kasi maganda mukhang asong sunod ng sunod!"
Tiningnan ko yung mga nagsalita. Nakataas ang mga kilay nila at naka ngisi.
"He's my Boyfriend problem with that?" tinaasan ko rin sila ng kilay at tinalikuran.
Naglakad ako papuntang Cafeteria. Nasaan na kaya si Boyfriend? Nilibot ko ang tingin sa buong Caf.
"Ms. Beautiful dito ka na lang!"
"Oo nga naman libre ka namin!"
Anong akala ng mga to wala akong pera duh! Hinahanap ko si Boyfriend.
"No thanks! Kasabay ko kasi si Boyfriend." nag lakad na ko papunta sa table nila Boyfriend. "Boyfriend ko!" ikinawit ko ang kamay ko sa braso nya.
"Tsk! You really are a headache!" naka simangot na naman sya.
"Hey wanna eat!" Imbita ni Gian
"Thanks but I have my own food!" kinuha ko ang home made sandwitch ko with nutrients.
"Hahaha kakaiba ka talaga may baon ka pa." natatawa si Julius.
"Hmm para tipid ako!" kumain na rin ako. "Boyfriend gusto mo gawa ko yan." imbis na pansinin ako ay inirapan nya lang ako.
"Nako kung ako sayo tigilan mo na yang si Jacob. Alam mo kasi bakla ang isang yan ni hindi pa nag kakaroon ng Girlfriend." pang aasar ni Julius
"What the? I'm not gay!" galit ang boses ni Boyfriend
"Oo nga may bakla bang ganyan ka gwapo! At kung ganun nga wala akong pakialam basta Boyfriend ko sya!" ikinawit ko ang kamay ko sa braso ni Boyfriend at siniksik ang sarili ko sa kanya.
"Damn! Isa ka pa tigilan mo ko! Wala ka bang hiya? Hindi kita gusto okay!" tinulak nya ko at umalis na sya.
"Tsk! Masanay kana ganyan yan sa lahat ng babae." tumango naman ako habang pinag mamasdan ang kakisigan ng likod ni Boyfriend.
'Mapapaamo din kita Boyfriend at mamahalin mo rin ako! I will wait for that moment! Hihihi'
Jacob P.O.V.
"Captain for 3 points!" narinig kong cheer ng isa kong team mate.
"Para sa Girlfriend nya yan!" sa pag sigaw ni Julius ay nawalan ako ng konsentrasyon kaya hindi pumasok ang bola sa ring. Shit!
Tumingin ako ng masama kay Julius. Nakakainis bakit kailangan nya pang banggitin ang bwesit na babaeng yun.
Nakakaasar na talaga ang assuming na babaeng yun. Ang kapal ng mukha. Shit! I really hate her.
"Hey Dude! Badmood ka?" umakbay sakin si Gian
"Isa ka pa! Bakit mo ba sinasamahan pa ang babaeng yun?" gigil na tanong ko
"Dude mabait si Mikaela at ramdam kong mahal ka nya!"
"Damn! Pinag lalaruan nya lang ako! Walang naiinlove ng ganun kadali!" bwesit na babaeng yun. Anong akala nya mapapaniwala nya ko ng ganun ganun lang.
Nagkabungguan kami at sasabihin nya na lang na boyfriend nya ko at kung maka dikit akala mo may relasyon kami. Fuck with that!
"Captain si Girlfriend mo nandito para icheer ka!" napalingon ako kay Julius.
At biglang kumulo ang dugo sa nakita ang babaeng linta. Nag iinit ang ulo ko tuwing nakikita sya. Badtrip talaga.
"Hi Boyfriend!" Napalingon sa kanya ang buong team. Shit napaka ingay talaga ng bunganga ng babaeng ito.
"Ano bang ginagawa mo dito! Umalis ka sa court na to! Tigilan mo ko at mahiya ka habol ka ng habol. Wala. Akong. Gusto. Sayo.!" dinuro ko sya at nalungkot naman ang mukha nya.
"Pasensya na Boyfriend gusto sana kitang icheer mukhang mainit naman ang ulo mo." paumanhin nito habang nakayuko. Umangat ang tingin nya sakin pero nagulat ako dahil nakangiti parin sya.
Ano bang klaseng babae ang isang ito. Nakakairita na talaga sya. Hindi nya ba ramdam na ayoko sa kanya at hindi ko sya gusto. Peste!
"Ah sige enjoy kayo ng practise nyo pasensya na sa istorbo. Babye!" kumaway pa sya sa team. Tumingin ulit sya sakin.
"Boyfriend ito tubig binili ko yan sana inumin mo!" Hinawakan nya ang kamay ko at ibinigay ang bottle of mineral water. Tumingkayad sya at
What the hell!
"Woah! Ikaw na dude!" naghiyawan na ang mga team mate ko.
Grrr. Ang babaeng yun anong karapatan nya para halikan ang pisngi ko. Bwesit talaga. Naiinis akong pinahidan ang pisngi ko.
"Shut up! All of you 10 laps!" inis na sigaw ko.
Gagawin ko ang lahat para itaboy ang babaeng linta na yun. Kainis talaga. Humanda ka sakin babae ka.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
BINABASA MO ANG
The Girl Who Annoy's Me
Fiksi Remaja"Ikaw na ang Boyfriend ko!" - Mikaela "Hindi. Kita. Girlfriend." - Jacob