Mission 20: Bullying at its finest

193 11 0
                                    

Paikaika akong lumabas ng room namin, ouch ang sakit parin huhu, konting tiis na lang tutal one subject na lang naman eh.

Pansin ko lang kanina pa ako sinusundan ni Brian ah.

Tsss, the presence of that guy, yiekkkks, kinikilabutan ako.

" Pwede ba wag mo akong sundan?"

" Masama bang dumaan dito?"

" Hindi, pero diba there are three ways na pwede mong daan para makarating sa canteen eh bat dito ka pa dumaan?"

" Eh sa gusto ko ditong dumaan eh"

Hay, hirap makipagtalo, hindi ko na lang siya pinansin.

Nakarating na kami ay ako lang pala sa canteen. Pumunta na ako sa counter.

Pagkatapos noon ay humanap ako ng mauupuan, ayun ung pinakadulong table.

" Hey nerdie, i heard what this two girls did to you, ito oh peace offering nila sayo." sabi ni Sandra sa akin habang iniaabot yung juice sa akin.

Kasama niya sa table si Faye at Tin na kanina pa nakayuko, siguro nahihiya sa akin tapos yung bestfriend ni Clarence na si Clark na kanina pa nakangisi at si Clarence na hindi nakibo kanina pa.

" Naku okay lang yun, pero thanks ha" aabutin ko na sana yung juice ng biglang.

*SPPPPPLLLLLLAAAASSSSHHH*

Tinapik ni Clarence yung juice, nagkalat yung juice sa sahig buti na lang hindi natapunan yung sapatos ko, pero yung kay Sandra Oo.

" OMG yung Primadona shoes ko na tapunan ng juice, girls punasan niyo ito." sabi ni Sandra sa alagad niya na naaaligaga sa paghahanap ng tissue.

Tss.

Makaalis na nga baka madamay pa ako at padilaan pa niya yung sapatos niya sa akin.

Bakit ba kasi tinapik ni Clarence yung juice eh, ganun na lang ba talaga ang galit niya sa akin?

Wala naman akong ginawa sa kanya ah, hindi ko na nga siya pinapansin eh.

Malapit na ako sa upuan ng biglang nakasalubong ko si Carlo.

" Hi panget, akin na tong pagkain mo ha BWHAHA" sabi ni Carlo habang kinukuha yung pagkain ko, nice nagtira pa siya ng juice.

Umupo ako, hay may magagawa pa ba ako, naku pasalamat sila kailangan kong magnerd nerd dahil sa mission ko, naku pagtalaga natapos ko tong mission na ito papalapa ko sila sa shark na walang ngipin HIHI.

" Oh"

" Anong gagawin ko dito" sabi ko kay Brian na nakaupo na sa harapan ko.

Bakit niya ako binigyan ng pagkain?

" Itatapon"

" Itatapon pala eh" sabi ko habang natayo at naghahanap ng basurahan pero pinigilan naman ako ni Brian.

" Jowk lang, para sayo yan."

" Para sa akin?" tanong ko sa kanya.

" Ay hindi para sa upuan, upuan kumain ka."

" So ganun hindi mo ako kakausapin ng matino?" sabi ko habang initataas ang kilay ko.

" To naman hindi na mabiro, nakita ko kasing kinuha ni-- nung mataba yung pagkain mo kaya binilhan kita, libre yan." libre pala eh, may kabaitan din pala itong uranggutan na ito noh?

" Salamat ^_________^" pasubo na sana ako ng bigla akong napatigil.

Mission Failed: I Fell Inlove with MR. ARROGANT<3 ( A Secret Agent Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon