Mission 19: Part of being a nerd TT^TT

190 10 0
                                    

*TTTTIIIIIINNNNG TIIIINNGGGG*

" PALAKANG KOKAK" nakakagulat naman yung bell namin.

Hay, salamat break na, pero wala man lang mangaalok sa aking kumain, kanina ko pa hindi napapansin si Rhea ah, baka hindi siya pumasok, tsaka panigurado hindi din ako makikilala nun kung pumasok man siya.

Hay, mukhang ako na lang magisa ang pupuntang canteen.

Tumayo na ako at magsisimulang lumakad ng biglang--

" AWWWWWWwww" may naapakan akong nilalalang na nasa ilalim ng desk ko.

Sumilip ako sa ilalim at nakita yung transtud na si Brian na namimilipit sa sakit.

" Ah Sorry, ano ba kasi ang ginagawa mo diyan sa ilalim huh??"

" Bigla kasi akong nahulog sayo eh, ouccchhh" sabi niya habang hinihimas himas yung kamay niya. Nyekk seryoso ba tong lalalaking to?

Nako mukhang sobrang sakit nung apak ko kaya kung ano ano na lang ang sinasabi niya.

" Masakit pa ba?" sabi ko habang nilalagay yung panyo ko sa kamay niya na puno ng bruises at namumula mula.

" Hindi na masakit napagaling mo na eh" sabi niya habang hindi binibitawan ang kamay ko.

Lakas tama ng lalaking to ah, baka yung ulo niya yung natapakan ko?

Tss. Nakatulala lang siya sa akin habang hawak hawak yung kamay ko.

Hay, hinila ko yung kamay ko pero nakipagmatigasan siya at nakipaghilahan din sa akin. " Kamay mo? Bitawan mo na please."

" Eh kung ayaw kitang pakawalan?" sabi niya habang hinihila parin ang kamay ko, may sapak na nga ata itong lalaking ito eh, kaya hinila ko ng malakas yung kamay ko, ang resulta nasa ibabaw ko si Brian.

Alam niyo yung balat sa balat talaga yung tipong isang inch lang ang layo ng mukha namin. Nyahhh.

" Oh My G, hoy uhugin layuan mo si papa Brian namin, baka mahawaan mo pa siya ng kapangitan mo!!!!!" sigaw ni Faye, isa sa alagad ni Sandra, sa akin.

God isa tong kamalian ano na lang ang iisipin nila sa akin huhu.

" Yeah right ambisyosang frog, hoy panget, umalis ka na nga dyan." sabi naman nung kasama ni Faye na si Tin. " Papa Brian tulungan na kitang tumayo" sabi ni Tin habang iniiabot ang kamay niya.

" No thanks kaya ko na" sabi ni Brian habang tumatayo.

Bigla naman nagpacute yung dalawa.

Tss, sinubukan kong tumayo pero DaHell nasprain ata yung paa ko.

Lumapit sa akin yung dalawang malalanding palaka, kala ko tutulugan nila ako pero I was wrong--

" AWWWWwww " sigaw ko.

Bigla kasi akong tinulak ng dalawa sa may pader ang lakas ng impact, halos matanggal yung baga ko, ouch ang sakit, ubo na ako ng ubo, nako baka mamaya niyan maylumabas nangdugo, grabe nakalog talaga yung likuran ko.

" You deserve that, kung ayaw mong maulit ito better know the limit, layuan mo si Papa Brian" sabi ni Faye.

Namumuro na itong babaeng ito eh masasapak ko na ito, pasalamat siya hindi ko naikikilos yung paa ko naku kung magkataon, maihahanay siya sa mga nastroke na nakalaban ko.

" Ugly Bitch--" sabi ni Tin habang initataas ang kamay niya, meaning sasampalin ako, pumikit na lang ako, may magagawa pa ba ako kung awatin ko siya?

Kailan kong magtago sa katauhang nerd kaya kailangan kong magtiis.

1 minute na ang lumipas pero wala wala pa rin ang inaasahan kong sampal kaya dumilat na ako.

As I open my eyes nakita ko si Brian na hawak hawak ang kamay ni Tin.

" Ochie Papa Brian bitawan mo na ako ang sakit." sabi ni Tin na sobrang namimilipit na sa pagkakahawak ni Brian.

Binitawan na ni Brian yung kamay ni Tin, si Tin naman hawak hawak yung kamay niya na pulang pula na at naiwan pa ang marka ng kamay ni Brian.

" Never do this again to her, or else ako ang makakalaban niyo." sabi ni Brian, his stare kakaiba may halong galit, ganun ba talaga siya ka protective sa akin?

" Pero--" singit ni Faye.

" NAIINTINDIHAN NIYO BA?" pasigaw na sabi ni Brian, na siya namang ikinagulat nung dalawa. Tumango na lang sila kay Brian sa sobrang takot.

" Hindi pa ba kayo aalis?" tanong ni Brian sa dalawa.

Nagsipagtakbo si Faye at Tin palabas, nakakatawa kasi ngayon ko lang sila nakitang ganyan, mukhang nakahanap na sila ng katapat ah.

" Ayos ka lang ba?" alalang alalang sabi ni Brian sa akin.

" Uhm" yun na lang yung sinabi ko, pero sa totoo lang, ouchhhh ang sakit ng buto buto ko, grabe.

" Tulungan na kitang tumayo" sabi ni Brian habang inaalalayan ako, pero pinigil ko siya..

" No thanks kaya ko na." sabi ko habang sinusubukang tumayo, pero hindi ko kaya, mahina pa ako." Awwwww" yan tuloy napaupo ulit ako sa sahig.

" Bakit kasi hindi ka lumaban?"

" May sinasabi ka?" ano naman kaya ang pinagbububulong nung lalaking yon mamaya niyan pinagmumura na pala ako

"Wala, sabi ko kag ka na ngang makulit tutulungan na kita." sabi niya habang inaalalayan akong makatayo.

" Thank you ha." sabi ko sa kanya nang makatayo ako.

Mission Failed: I Fell Inlove with MR. ARROGANT<3 ( A Secret Agent Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon