1

129 3 1
                                    

Lawrence on the multimedia section. /sabog puso <3/

----------Lawrence's P.O.V.

"Sir, nakalimutan mo po yung singsing mo..." 

"Sayo na yan."

"Sorry po, pero hindi po kami pwede tumanggap ng kahit ano galing sa co--"

"Let me rephrase it. Sayo yan. "

"A-akin po?"

"Oo, binigay ko yan sayo dati..."

"Talaga po?" kitang-kita sa mga mata nya ang pagkagulat.

Pinilit kong mag-smile. Pero sa tuwing ngumingiti ako, mas lalong bumibigat ang dibdib ko. Kasi, kahit maloko ko man sila na okay lang ang lahat, alam ng puso at isip ko na hindi ako okay.

"Sorry po talaga, pero di ko po maalala."

Sana yung singsing nalang yung nakalimutan mo...

Hindi ako.

Hindi tayo.

Naaalala ko pa noong una ko syang nakita.

--------------------------------------------------------------------- 2   Y E A R S   A G O

"Lawrence! Pakisauli nga 'tong frying pan sa tita Edith mo. Kailangan na daw nya ngayon eh."

wala.kang.naririnig.lawrence. takte, nasaan na ba yung word na "avalance".. ahh, across.

"Lawrence. ISA!"

yun, nakita ko na. haha. easy lang pala masyado 'tong crossword puzzle. 

"DALAWA!"

anong next word? aah, "love"... across parin..

"DALAWA'T KALAHATI!"

love.. nasaan na ba yun... aah! nandyan ka lang pa---

-black screen-

"Hala! Anong nangya--- MAAAAAA!!! BAKIT MO PINATAY YUNG COMPUTER?!" Mangiyak-ngiyak pa ako nung nagreklamo ako kay mama. Sino ba kasing 'di iiyak, eh LEVEL 76 na ako? WAAHHH TT__TT. Back to zero na naman ako.. Nakakaasar naman!

"Yan ang mapapala mo pag di ka nakikinig sa akin." Tumatawa pa si mama habang inaabot sa akin yung frying pan.  Eto talaga si Mama, gustong gusto talaga mambasag ng trip.

"Pero.. level 76 na ako eh..." Mahina kong sinabi habang tinatanggap ang frying pan.. "Tsaka ma, nakakatamad. Ang lakas kaya ng ulan >.<"

"Edi mag payong ka! Takot ka ba sa tubig? Bakit, kambing kaba?" Sagot naman ng nakababata kong kapatid na nakahiga pa sa sofa habang umiinom ng chuckie. tsk. feeling mayaman masyado.

" HOY LEANNE, TIGIL-TIGILAN MO AKO KUNDI BABALATAN KITA NG BU---"

"MA OOH! SI KUYA NANG-AAWAY!" Sigaw nito. 

Hay naku, kahit kailan, napaka defensive. At eto naman si mama, kinakampihan agad.

"LAWRENCE, WAG MO NA NGANG PATULAN YANG KAPATID MO. ALAM MO NAMANG BATA PA YAN EH." Grabe si mama, kahit nasa kusina, pinagtatanggol parin 'tong kutong lupa na'to. HAY NAKU.

Tsaka bata pa? Eh 17 na yang babaeng yan eh. May lihim na boyfriend na nga yan, akala nya hindi ko alam. tsk. =.=" Pasalamat sya hindi ako sumbungero. Syempre, 19 na ako eh, hahaha :3

"Oo na..." Yun nalang ang sinagot ko para hindi lumaki yung away. Narinig ko pang tumawa yung bruhang 'yon. Grabe, pag ako hindi makapag-pigil, baka ihampas ko 'tong frying pan sa mukha nya...

Unforgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon