Lawrence on the multimedia section.. Gwapo ahihii <3
----------------------------------------------------->
----------Lawrence's P.O.V.
"Kuya Gino naman eh!" Para kaming mga bata ni Sam habang nagrereklamo sa inutos ni kuya Gino, yung may-ari ng gate cafe.
Eventually, after our first meeting, naging friends agad kami, lalo na ng nalaman ko na schoolmate ko pala sya. Nakakatawa nga eh, simula ng nalaman namin na mag schoolmate kami, lagi na kaming magkasama gumala at after 2 months, naging mag bestfriends na kami. HAHAHA, ang dali no? Virtual bestfriend lang ang peg.
"Hay naku, mga bata talaga sa panahong ito, ang hilig na umangal." Parang si kuya Gino pa yung galit, na sya na nga yung nakikisuyo. "Babantayan nyo lang naman 'tong cafe' eh. Hindi naman mahirap yun diba?"
Pinsan ni Sam si kuya Gino, kaya simula ng naging magkaibigan kami, lagi na kaming tumatambay sa gate cafe' ng magkasama at syempre, lagi kaming may free food. :3 Pero sabi nga nila, wala nang free ngayon kaya kapalit ng pagkain namin eh kami yung laging inuutos-utusan ni Kuya Gino. Grabe, ginawa ba naman kaming waiter at waitress? pssh.
"Pero kuya.." Sam tried to insist. "Magluluto pa kami ni gwapo ng pasta. Birthday kasi ng mama nya ngayon eh." 'Gwapo' yung tawag nya sa akin :"> kakilig. ammp. Eh medyo conceited kami eh, kaya ganyan na naging tawagan namin.
"Edi dito nalang kayo magluto, total, kumpleto naman yung cooking utensils natin diba?"
"Haaay..." All we can do is sigh. Para namang may magagawa kami.
"Wag kayong mag-alala, babayaran ko kayo!" Agad nyang sinabi.
"BAYAD?!" *__* Parang biglang lumiwanag ang mga mata namin ng sinabi ni kuya Gino na meron pala kaming 'service fee'. "MAGKANO KUYA?"
"five hundred."
"Ay, ang barat ni kuya." Agad na sinabi ni Sam. Loka-loka talaga 'tong babaeng 'to kahit kailan. "Wala na bang mas malaki-laki dyan kuya?"
"One thousand!"
"Higher!" Sabi ko sabay tawa. Sinakyan ko nalang yung trip ni Sam, total, parang kumakagat naman si kuya Gino eh.
"Two thousand!" Sabi nya na halatang naiirita na. "Last na yun."
"Deal!" Agad kong sagot. Baka mamaya magbago pa isip eh, mabuti na ang sigurado.
"Gwapo, anliit kaya nun!" bulong nya sa akin. "Okay ka lang? two thousand?"
"Okay na yun Ganda." bulong ko rin sa kanya. "Baka bawiin, sayang naman."
"Oo nga naman.." Tumango nalang sya. "Sige kuya, pwede ka nang lumayas."
"Lumayas?!" Sigaw nito. "At ako papalayasin mo? Bakit? Sayo ba 'tong cafe' hmmm?"
"Wag mo nga akong sigawan! >.<" She smirked. "Pag ako mag tampo, aalis na talaga kami dito at di na namin babantayan 'tong cafe', diba Gwapo?"
Tumango nalang ako at nag kunwari na seryoso. "Yep. aalis kami dito. Bahala na kung anong mangyari sa cafe'."
"GAAH! OO NA! OO NA! AALIS NA AKO! Pssh. magagalit na si Ginger sa akin eh." Sabi nya sabay takbo papaalis ng cafe'.
"Shunga talaga si kuya Gino. HAHAHA. biruin mo, magbabayad ng 2 thousand para lang pabantayan yung cafe?" Tumawa ng malakas si Sam. Grabe, ang ganda parin nya kahit ang laki na ng bibig sa kakatawa.
"Wala tayong magagawa.." Dagdag ko habang pinipigilan ang sarili ko sa pagtawa. "Hindi lahat ng tao kasing talino natin."
"Ay, tama yan!" Sang-ayon nya habang tumatawa. "Tara lets! luto na tayo!"
---------------------after 2 hours.
"Gwapo naman eeh >.<" Angal nya habang nilalayo sa akin yung plato na may laman na pasta. "Mauubos na 'tong pagkain sa kakatikim mo >.< Uso kaya magtira para sa nanay mo."
"Tikman mo kasi para malaman mo!" Pagpupumilit ko habang tumatawa. Paano ba naman kasi, kung makapagsalita, akala mo sya yung nagluto, eh naghiwa lang naman sya eh, ako na gumawa nung iba.
"AAHHH." humarap sya sa akin at ngumanga. tignan mo 'to, kanina, pinipigilan pa akong kumain, tapos ngayon na sinabi ko na tikman nya, wagas makanganga.
"Anong AHH?" Pagmamaang-maangan ko habang pinipigilan ang sarili kong tumawa.
"Sabi mo tikman ko. AHHHH!"
"Psssh. kumain ka mag-isa mo."
"EDI WAG! >__<" Nag walk out pa sya. HAHAHA andrama.
"Uy joke lang!" Habol ko sa kanya. "Sorry na please.."
Kunwari seryoso pa sya nung una, tapos biglang tumawa. "Subuan mo na ako. AAHHH"
"Sige na nga, malakas ka sa akin eh.. " Hinila ko sya pabalik sa kitchen counter sabay subo sa kanya nga pasta. "Masarap ba?"
"Hmmm!" Tumango sya habang nginunguya yung pasta. May sauce pa sa gilid ng labi nya.
"Alam mo, para kang bata.." Pinunasan ko pa yung sauce gamit ng kamay ko. Pssh. isubsob ko yang labi mo..sa labi ko eh. xD
"Ikaw naman!" Inagaw nya sa akin yung tinidor. "Say AAAHH~"
Ano nanaman ba 'tong pinagagagawa nitong babaeng 'to? Kung ano man yun, well, I admit, natutuwa ako. "AAAAAAAHH~" nganga ko sabay subo nya ng pasta sa akin.
chew.chew.chew.
"May talent pala ako sa pagluluto eh.." Pabiro kong sinabi habang sinusubuan uli si Sam.
"Pssh, Tsamba lang yan. ashushajffdsfds " Punong-puno ang bibig nya kaya di sya makapagsalita ng maayos. Ewan ko ba, pero imbis na maasar ako sa pagka immature nya, eh mas natutuwa pa ako sa kanya.
"Ay, Bahala ka nga.."
At nagpatuloy ang pagtikim-tikim namin hanggang sa.. tuluyan na ngang naubos ang pasta.
"Patay." Nakatutok ang mga mata namin sa platong walang laman kundi tirang sauce nalang. "Naubos na natin."
"Hayaan mo na!" I ruffled her hair and smiled. "Bumili nalang tayo ng cake mamaya."
"Sure ka?"
"Yep! Sure na sure." I grabbed her hand then walked outside the kitchen.
"Huy! Saan tayo pupunta?"
"Sa labas." Binilisan ko pa ang paglalakad ko. "Duon nalang tayo maghintay. Atat na akong umuwi eh."
"Okay.." She nodded. "Sabi mo eh.."
Her hand was entwined with mine.
Padum.Padum.Padum.Padum.
Biglang bumilis yung heartbeat ko. Anong ibig sabihin nito?
Does this mean I'm... fallng for her?
BINABASA MO ANG
Unforgotten Memories
Teen FictionMemories, even your most precious ones, fade surprisingly quickly. But I don’t go along with that. The memories I value most, I don’t ever see them fading.