Chapter 2.

5 0 0
                                    

Nagising ako sa mabangong naaamoy ko.
Bumangon ako para tingnan kung ano ba yung naaamoy ko na yun.

Pag-labas ko automatic na napangiti ako sa nakita ko. Si brent, naka apron habang nag-lalapag ng mga plates sa table at sumisipol sipol pa.
Siguro naman nararamdaman nyong higit pa sa kaibigan ang pag-tingin ko sakanya? Iniiwasan ko naman eh. Kaya lang sa bawat araw na ginagawa nya to hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko na, bakit hindi na nga lang ako? Para hindi sya nasasaktan. Hindi ko pa naman sya mahal kaya tingin ko kaya kong iwasan tong pag-tingin ko sakanya. Para lang sa friendship namin, ayokong masayang yung mga pinag-samahan namin ng dahil lang sa nararamdaman kong to.

Napatingin naman sya sa dereksyon ko.

"Goodmorning. Gising kana pala!" Sabi nya ng nakangiti.

Sabihin nyo nga sakin, pano ko iiwasan yung nararamdaman ko sakanya kung ganito ang bumubungad sakin?

"Pinag-luto kita ng favorite breakfast mo." Sabi nya sabay kindat.

Bakit nga ba hindi nalang kasi ako?

"Halika na dito. Sabay na tayo!"

Hindi naman sya masasaktan sakin.

"Hoy! Karen ano ba?!"

Ewan ko ba pero, parang kinakain ko yung sinabi kong iiwasan ko tong umuusbong na feelings ko para sakanya.

"Galit kapa rin ba?" Sabi nya.

Laking gulat ko ng makita kong nasa harapan ko na sya at nakatingin sakin ng seryoso.

"Haaaa?" Tanong ko.

"Hay! Galit kapa din ba sabi ko?" Tanong nya.

"Galit saan?" Napakunot noo na ko sa mga pinag-sasabi nya.

Napailing naman sya at napangiti tapos pinitik yung noo ko.

"Aray naman! Ano bang kasing pinag-sasabi mo Brent?" Sabi ko sabay irap. Oh diba? Kung umarte ako parang wala lang ganun pa rin. Kaya siguro hindi nya nahahalata.

"Hahaha. Ampangit mo! Payatot. Halika na nga, kumain na tayo." Sabi nya at hinila na ko papuntang dining.

Nag-ningning bigla yung mata nung nakita ko kung  anong niluto nya, Adobo tapos itlog! Omg! Wag kayong ano kasi favorite ko to.

"Maanghang ba yang adobo na yan, Brent?" Tanong ko habang nag-sasandok ng kanin.

"Oo naman! Alam kong hindi ka kakain kapag hindi maanghang."

Napangiti naman ako dun, kabisado na talaga ko ng lalaking to. Yung nararamdaman ko nalang sakanya ang hindi.

~

Natapos kaming kumain at nauna na syang umuwi. Ako naman dahil walang pasok sa trabaho nakahiga lang sa kama at nakatulala sa kisame habang napapangiti. Ang baliw ko lang!

Naalala ko pa nun, naging saver ko yan si Brent bago kami naging close. Super lungkot ko kasi nun that time tapos nagulat ako nung may umupo sa tabi ko tiningnan ako tapos tinaasan ng kilay syempre bilang dakilang snob ako tiningnan ko lang sya saglit tapos yumuko na lang ako. Nakakainis kasi, pinaasa lang ako may girlfriend na pala!
Bumuntong hininga nalang ako para maiwasan ko yung pag-iisip sa nangyari. Pero hindi pala yun nakaligtas sakanya.

Kinalabit nya ko kaya napatingin ako sakanya ng nakakunot ang noo.

Bigla naman akong natawa kasi kung ano anong wacky pose ang ginawa nya sa harap ko. Ang gaan din sa pakiramdam kahit hindi mo kilala yung tao pero napapatawa ka.

"You smile and laugh now!" Sabi nya ng nakangiti.

"Uhm. Thanks!" I said and smile too.

"Brent Martin" Pag papakilala nya sabay lahad ng kamay.

Worth It.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon