Her Pov
*Bzzzzzt*
Napatingin ako sa phone kong nag-vibrate sa table. Tiningnan ko lang sya at hindi pinansin, sobrang tinatamad talaga ko ngayong araw na to. Ganun ata talaga kapag PMS eh, alam mo na. Girls thing!
*Bzzzt* *Bzzzt* *Bzzzt* *Bzzzzt* *Bzzzzzzzzzzzzzt*
Wow. Ang dami ah? Hindi naman nang-iistorbo yung taong yun noh, titingnan ko na nga lang. Baka mamaya importante eh.
Tumayo ako para kunin sa table yung phone ko ng makita ko na kung sino ba tong text ng text.
From:Brent Martin
Oy, asan ka?
1:18pm
From:Brent Martin
Reply din!
1:19pm
From:Brent Martin
Puntahan kita dyan! Buhay kapa ba?
1:21pm
From:Brent Martin
Im on my way at your unit.
1:22pm
From:Brent Martin
Hey, open the door. Im already here!
1:30pm
Kita'motong lalaking to! Ang bossy talaga. Tss, bago ko buksan yung pinto mag-papakilala nga muna ako.
Ako nga pala si Karen Del Rosario, 18 year old.
Kilala nyo nako ah? Bubuksan ko na yung pinto at baka bumuga ng apoy yung nag-aabang dun. Hihihi!
Pag-bukas ko ng pinto bumungad agad sakin ang dragon na handang handa na para mag-buga ng apoy pero bago nya ko mabugahan ay nanakbo nako papuntang kwarto.
"Kyaaaaah! Brent! Ampangit mo!" Sigaw ko habang nananakbo.
"What took you so long? Tsk." Sabi nya with matching halukipkip pa. Wow? Boss lang?
"Masakit puson ko kasi, tinatamad ako. Istorbo ka!" Sabi ko sabay upo sa kama ko.
"Aish! Wala kong magawa kaya pumunta ko dito." Cool lang nyang sinabi.
"Kaya dito ka mang-gugulo? Bahala ka dyan. Matutulog ako. Masama pakiramdam ko." Sabi ko at nag-talukbong.
Sya si Brent Martin, kaibigan ko. Ang pacool kong kaibigan na bossy -___- Bestfriend? Matatawag ko ba syang bestfriend? Hahahaha, mag-2 years na din kaming mag-kaibigan. Sanay na ko dyan sa lalaking yan! Lagi kasi yang busted kaya ganyan yan. Hihi, wag kayong maingay okeh?
Idinilat ko ng konti yung mata ko para makita ko kung anong ginagawa nya.
"Got you." Sabi nya sabay higa sa tabi ko at kiniliti ako ng walang pasabi.
"Kyaaaah! Hahahahaha brent wag hahahaha moko kilitiin hahaha meron haha ako kyaaah! Ayoko hahaha na kyahh tama na hahaha omg!" Hinihingal kong sabi.
Tumigil naman na sya at bigla syang nanahimik. Pag-tingin ko sakanya nakapatong yung braso nya sa noo nya at mariing nakapikit. Problema neto? I know him too well.
Kinalabit ko sya tsaka nag-tanong.
"Problem? Im listening." I said habang nakatingin sa matangos nyang ilong.
Bumunting hininga muna sya bago mag-salita. Sabi ko na eh, may problema to.
"Eunice." He simply said.
"What about her, Brent?"
"Her boyfriend and she, broke up." He said.
Hinampas ko sya sa ulo kaya tiningnan nya ko ng masama.
"Bakit ka nang-hahampas?" Asar na sabi nya.
"Ang arti mo kasi! Nakakabitin ka eh, mag-kukwento ka paputol putol pa. Hindi pwedeng deretsuhin mo nalang? Pasuspense pa?" Sunod sunod kong angal sakanya.
Napairap naman sya sa reklamo ko.
"Ang daldal. Oo na! Tss. Nag-break na sila ng bf nyang lesbian. 7years sila non, she said she's not yet ready na mag-kaboyfriend. Pano na ko, Karen?" Sabi nya.
"Aish! Brent kakabreak lang nila diba?"
"Yeah, 1 week na silang wala." Walang gana nyang sabi.
"Nasaktan yun! Hindi pa sya ready, galing pa sya sa break up. Intindihin mo! Wag kang selfish dyan kung ayaw mo masapak kita! Ano ba sabi nya sayo? Umamin kana ba?"
"She said she like me, she's sweet too. I love her!"
"Oh yeah, you love her! Yeah she like you but not love you she's sweet too but she's not yours." Pang-aasar ko sakanya.
Tiningnan nya ko ng masama pag-katapos kikilitiin nya sana ko pero natadyakan ko sya. Malalaglag na sana sya pero hinila ko yung damit nya kaya ang lagay pati ako nalaglag kasama sya.
At ang position namin? Ang laswa! Nakapaibabaw ako sakanya at hawak nya yung bewang ko.
Napatingin ako sakanya at pag-tingin ko nakatitig sya sakin.
ngayon ko lang din naamoy na amoy alak si Brent. Hindi ko alam pero napatitig din ako sakanya. Hindi ko maipagkakailang gwapo talaga tong si Brent. Kaya nga nag-tataka ako at laging busted tong lalaking to. Kung tutuusin boyfriend material tong lalaking to.
Napatingin ako sa chinito nyang mata pababa sa ilong nyang matangos hanggang sa labi nyang mapupula. Parang ang sarap *Gulp* halikan *Gulp* tumingin ulit ako sa mata nya at laking gulat ko na nakatingin pa din sya at ang lapit lapit ng mukha nya sa mukha ko."B..brrr.breent!" Utal utal kong tawag sakanya. Kinakabahan ako eh.
"Karen, why not you?" He said
"Huh?!" Nag-tataka kong tanong.
"Bakit hindi nalang ikaw? Baka sakaling hindi ako masaktan. Palagi nalang akong nag-kakamali. Baka ikaw na yung tama para sakin." Sabi nya habang nakatitig pa rin sakin.
Napaiwas ako ng tingin at akmang tatayo pero hinigpitan lang nya yung hawak sa bewang ko.
"Ano...ahm..brent...wag...ano..di..ko aish!" Hindi ko na makapa yung sinasabi ko. Sobrang naiilang na kasi ako eh! Hindi ko din alam kung bakit ang lakas ng kabog ng puso ko. Parang mga kabayong nag-tatakbuhan at nag-uunahan makarating lang sa finish line?
"Umuwi kana, Brent. Lasing ka lang!" Sabi ko sabay buong lakas na tumayo at bumalik sa kama para humiga at pumikit.
Rinig na rinig ko pa rin hanggang ngayon yung pag pintig ng puso ko!Sa sobrang kakaisip ko hindi ko na namalayang nakatulog na pala ko.
Pero bago ako pumikit may naramdaman akong kung anong dumampi sa noo ko at nag-sabing "Im sorry."
~
Kyaaaah! Kinilig ako. Hahahahaha!
Enjoy lang kayo :)
BINABASA MO ANG
Worth It.
RomanceAfter what happen between us, it's all worth it. Worth it being with you, Forever. -Brent