5pm ang labas ko ng office. Tiningnan ko naman ang orasan at 4:56pm na. 4 minutes nalang pala. Hay salamat at makakauwi na din para makapag-pahinga. Kaya ayoko ng nag-kaka Pms eh. Nakakatamad! Tss.
Tumayo na ko para lumabas. Nag-lalakad ako papunta sa elevator ng mabunggo ako.
"Ouch!" I said sabay hawak sa noo kong tinamaan.
"You okay?" Napatingin naman ako sa nag-salita. Oh? Si Ian Wayne pala. Sya nga pala ang mamamahala na dito sa Geotech corp.
"Oh ikaw pala. Okay lang! Sige una na ko." Sabi ko sabay pindot ng button sa elevator at nung bumukas na ay deretso pasok ako.
Hinarang naman ni Ian ang papasara na sanang elevator. -__-
"Oh! Oh! Haha. Im sorry!" Ika nya.
Infairness ang bubbly netong taong to ah. Hindi ko sya pinansin kasi baka uminit ulo ko madamay pa sya sa effects ng Pms ko diba. Hindi ko na kaya! Sumasakit na talaga tong puson ko. Pinag-papawisan nako ng malamig sa sobrang sakit.
"Wait, are you okay? You look pale." He said in a worried tone.
"Im okay!" I said then i flash a smile.
*Ting*
Hudyat na bumukas na ang pinto. Tumakbo nako palabas at naaninag ko sa malayo si Brent. Napangiti naman ako ng makita ko sya. Pero bago pa ko makalapit naramdaman kong nag-dilim na ang paningin ko.
~
Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mata ko pati na rin sa mukha ko. Puro puti ang nakikita ko. Teka? Pag-tingin ko sa gilid ko nakita ko si brent na mahimbing ang tulog. Nakapatong lang yung ulo nya sa gilid ng kama. Ang cute nyang tingnan.
Hinawakan ko yung buhok nya at napagalaw sya sa ginawa ko.
"Gising kana pala! Ikaw talagang payatot ka napaka pasaway mo! Alam mo ng sumasakit ng sobra ang puson mo at pag sumasakit ng ganun nilalagnat ka hindi mo pa din pinansin! Sana umuwi kana lang o nag-sabi ka sakin! Alam mo namang walang mag-aalaga sayo!" Pagalit nyang sabi.
Napangiti naman ako sa sinabi nya. Biglang lumakas yung pag pintig ng puso ko.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Akala mo ba hindi ako nag-alala sa ginawa mo? Aish!" Asar na sabi nya.
"Sungit neto! Hmp. Kakagising ko lang pinagagalitan mo na ko." Nakapout kong sabi.
"Stop pouting! Mukha kang aso." Sabi nya sabay irap.
"Ihh. Uwi na tayo brent, ayoko dito." Sabi ko.
Totoo namang ayoko dito eh.
"Nga pala, magiging busy ako this month at sa mga susunod pa. Exam eh, tsaka nga pala kami na ni Eunice. Isusurprise ko sana yung balitang yun sayo kaya lang bigla ka namang nahimatay! Tsk, pasaway." He said tapos nung tiningnan ko masaya sya pati yung mga mata nya.
Bigla namang nag-laho yung ngiti sa labi ko nung binanggit nya yung kay Eunice. Bigla kasing kumirot yung puso ko. Hindi ko maipaliwanag yung kirot! Ang sakit.
"What's wrong?" Nag-aalala nyang tanong sakin.
"Ah, brent masakit kasi yung puson ko. Pero uy! Congrats kayo na. Sana sya na, maging masaya kayo at wag na wag ka nyang lolokohin or papaiyakin. Iyakin ka pa man din!" Pang-aasar ko naman sakanya na sinamahan ko pa ng tawa.
Tumawa din naman sya.
Inihatid nya na ko sa unit ko para makapag-pahinga na ko kasi dederetso pa daw sya kila Eunice. Ngayon mahahati na ang oras ni brent. Okay lang naman sakin eh, basta masaya sya. Sana nga wag na syang saktan ni Eunice eh. Kasi ilang beses na yan nasaktan.
~
Nag-daan ang araw, linggo ay madalang ng mag-daan o mag-paramdam si brent. Naiintindihan ko naman na busy sya eh. Ganun din naman ako, medyo close ko na rin si Ian. Sya na yung kadalasang tumatambay dito sa unit ko para lang mang-gulo. Sya lang din yung nakakaalam about kay brent.
"Anong balita kay brent? Kamusta daw yung Eunice nya?" Pag-tatanong nya.
Oo andito sya ngayon, nag-momovie marathon kami.
"Okay lang yun si brent. Okay lang siguro sila. Busy lang talaga yun sa mga exams nya. Graduating sya ng college eh."
"Okay lang ba sayo?" Tanong nya.
"Na alin?" Tanong ko habang nakatingin sa pinapanuod namin.
"Na you know, sila na ni Eunice?"
"Okay lang. Masaya naman si brent eh." Sabi ko habang nakatuon pa din ang pansin ko sa tv.
"Eh ikaw masaya kaba?" Tanong nya.
Sasagot pa lang sana ko sakanya ng biglang may sumigaw sa pintuan.
"Karen! Im here with Eunice." Nakangiti nyang bati.
Napatingin naman ako kay Ian at ganun din sya. Binalik ko ang tingin ko kila brent na papalapit samin.
Parang gusto ko nalang tumakbo, hindi ko napaghandaan yung makikita ko silang mag-kasama.
Si brent na nakayakap pa habang nag-lalakad kasama si Eunice. Pinangarap ko dati yan eh, na kasama sya. Pero ansakit pala na makita mong sa iba nya ginagawa yung pangarap mong sayo gawin ng taong mahal mo. Mahal mo? Ko? Mahal ko na nga ba si brent?Naramdaman ko namang may umakbay bigla sa balikat ko.
Nilingon ko si Ian at nginitian."Huwag kang ngumiti kung hindi mo kaya. Wag mong ipilit na natutuwa ka kung nasasaktan ka naman talaga." Pabulong nyang sabi sakin.
Ginantihan ko lang sya ng mapait na ngiti atska itinuon ang pansin kila brent na ngayon ay nasa harap ko na.
"Aba! Napadalaw ka yata? Akala ko kinalimutan mo nako eh." Napalunok ako sa sinabi ko.
"Hahaha. Sira! Syempre hindi. Ipapakilala ko na din nga pala si Eunice sayo. Eunice si Karen my girl bestfriend karen si Eunice future wife ko." Nakangiti nyang sabi.
Hinampas naman sya ni Eunice sa balikat at ngumiti sakin at nag-beso.
Wife? Kumirot nanaman ang puso ko sa narinig kong yun pero isinantabi ko nalang. Baka kasi makahalata sila.
"Nice. We're finally met. Lagi kang nakukwento ni brent sakin!" She said and smile.
Tiningnan ko naman si brent at sinamaan ng tingin. Baka kasi kung ano anong kinukwento nya eh. Natawa naman silang dalawa sa reaction ko.
"Relax! Hahahaha, baka kung ano iniisip mo!" Sabi nya at napatingin sa balikat ko at napatingin sa taong katabi ko. Nginisihan lang sya ng katabi ko at tinitigan sya ng seryoso ni brent. Okay? Ano yon?
"Ah, brent. Si Ian pala. Ano, uhm. Boss namin sa Geotech." Sabi ko. Tinaasan lang nya ko ng kilay means na ipaliwanag ko later sakanya. Kasi naman tong Ian na to! May paakbay akbay pa. Chansing na yun ah!
~
Next chapter :)
BINABASA MO ANG
Worth It.
RomanceAfter what happen between us, it's all worth it. Worth it being with you, Forever. -Brent