Chapter 11- (I Like You)

4 1 0
                                    

Yesha's PoV

Pagkatapos namin kumain ay napagpasyahan namin ni rain na maglakad lakad muna para bumaba yung kinain namin ng bigla syang umimik pagkatapos ng isang mahabang katahimikan.

"Ahm yesha bakit nga pala mag-isa ka lang din dito?"

"Ah hindi kasi pwede si bianca nung tinext ko sya kanina kaya mag-isa ko lang ngayon" sagot ko sa kanya

"Ganun ba?" medyo malungkot nyang tugon

"Oo nga pala sino yung kameet mo sana dito?" tanong ko sa kanya

"Ah yung childhood friend ko"

"Ganun ba? bakit daw hindi sya nkapunta?"

"I don't know" medyo matamlay na tugon nya sa akin.

"Okay hindi ko na itatanong hehe" medyo parang ayaw ata nyang pag-usapan yung topic na yun eh.

"Let's enjoy na lang" nakangiti na nyang sabi sa akin.

"Sige san tayo ngayon?" masaya kong tanong sa kanya

"Uhm do you know how to sing?"

"Medyo lang hehe"

"Okay then let's go to karaoke house" sabi nya ng nakangiti

(Karaoke house po ay parang videoke house)

Nang makarating kami dun ay bumili kami ng 10pcs na token para ihulog dun sa machine 1token per song kasi.

Kumanta ako ng "Stay with me" pero hindi ganun kagabda boses ko ah hehe

"Okay naman boses mo ah" sabi ni rain pagkatapos kong kumanta.

"Thankyou hehe pero pag mataas hindi ko kaya pang acoustic lang ba"

"Okay naman yung acoustic eh actually mas gusto ko yung ganung mga kanta" tapos bigla syang ngumiti habang nakatitig sa akin.

"Ahm hehe may dumi ba ako sa muka?" bigla kasi syang napatitig sa akin.

"Wala wala ang ganda mo kasi" tapos ngumiti sya ng bongga.

"Thanks" sagot ko na medyo nahihiya feeling ko nag-init yung pisngi ko.

"You're blushing" tapos nag chuckle sya ng mhina then narealized ko....

Gwapo talaga sya.

Then..

I felt like there's butterfly in my stomach.

Specially nung kinanta nya yung Tadhana by Up Dharma Down

"Let's go na? medyo late na din hatid na kita sa inyo" nabalik lng ako sa kattohanan nung umimik sya.

"Okay tara" sagot ko tsaka ko sya nginitian

Nagtaxi lang kami pauwi dahil hindi na daw sya magpapasundo .

Nauna akong bababa sa kanya dahil mas mauunang dadaanan yung bahay namin.

Malapit na ako sa amin ng bigla syang umimik na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Yesha...I think I like you"

Feeling ko aatakihin ako sa puso dahil sa sobrang kabog ng dibdib ko.

Hindi ako nakaimik dahil on the state of shock pa rin ako sa sinabi nya.

"It's okay kung hindi mo sagutin yung sinabi ko. Basta nasabi ko na kung ano yung feelings ko. Bye yesha see you tomorrow" tapos nagwave sya ng nakangiti tapos umandar na yung taxi.

"Ingat ka din" bulong ko habang papalayo yung taxi.

Posible kayang hindi lang crush yung nararamdaman ko para sa kanya?


-airamallenaj

- - - - - - - - - - - - - - - -

Please vote and comment po para mabilis mag-update :) thankyou!

First Love VS True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon