CHAPTER 2 (rain)

26 2 0
                                    

Raniel's POV

Late ako ngayon kasi napuyat ako kakalaro ng COC .tsk! nakaka adik talaga tong laro na 'to.

Naglalakad ako ng medyo papikit pikit pa dahil sa antok. haaay CoC.

Kung itatanong n'yo kung bakit ako naglalakad. .'yon ay dahil walking distance lang naman yung school na pinapasukan ko.

Kilala n'yo na ako diba? well, kung hindi pa, let me introduce my self. I'm Raniel Dizon, 14 year's old. You can call me 'Rain' if you want.

So eto nga naglalakad ako ng may naramdaman akong naglalakad sa likod ko.

Kaya huminto ako at. . .

May naka bungguan ako.

Mali.

S'ya lang pala ang nabunggo. Sa likod ko kaya humarap ako.

"Miss are you okay?" tanong ko para kasi syang ewan. Namumula na parang nahihiya.

"Uh o-Oo sorry nagmamadali kasi ako" sagot n'ya pero muka talaga s'yang hindi ok.

"Are you sure? :)" Paninigurado ko.

"Ah yes :)" Sagot n'ya tsaka sya nagpaalam dahil late na daw s'ya. Tapos tumatakbo na akala mo papatayin s'ya ng teacher.

So, naglakad na lang ako papasok kaso late na din naman ako kaya naisipan kong wag na lang pumasok. Makapag CoC na lang muna sa rooftop.

*after 15 minutes*

*bzzzt! bzzzt!*

Tsk! sino nanaman ba 'tong abala na'to natalo tuloy ako.

Kaya binasa ko na lang yung text.

From: Kenneth

-tol pumasok ka iddrop daw yung wala dito nagchecheck si ma'am ng attendance yung wala daw dito tatanggalin na sa list.

*shit!*

Sinukbit ko na agad yung bag ko at tumakbo pababa ng rooftop at humahangos papunta sa room namin.

Pagkatapat ko sa pintuan binuksan ko kaagad kaso medyo napalakas ata sa sobrang pagmamadali ko kaya lahat sila napatingin sa akin.

Tsk! ang awkward naman.

"Good morning ma'am sorry I'm late ^_^" bati ko sa teacher namin.

Sobrang lapad pa ng ngiti ko para kunwari late lang talaga ako. Pero naisip ko muka palang tanga kasi late na tapos nakangiti pa!

"Okay Mr.Dizon introduce your self" sabi ni ma'am

Tsk!

"Hello classmates! I'm Raniel Dizon but you can call me 'Rain' if you want :)" pakilala kong MULI sa kanila, kasi naman classmates ko na sila dati kaso ganto talaga pag first day of classes.

"Oh ma'am wag n'yo ako iddrop kasi nandito na ako ^_^" masiglang bati ko sa kanya

"Huh? Bakit naman kita iddrop Mr.dizon? First day of classes drop agad? :)" nakangiting sabi ng teacher namin.

Nawala ang ngiti ko sa muka.

Mukang nauto ako ah. . .

Luminga linga ako at natanaw ko si kenneth na mukang constipated kakapigil ng tawa.

Tinignan ko naman s'ya ng humanda-ka-sa-akin look.

"Ah ma'am ikaw naman hindi mabiro hehehe" palusot ko na lang para hindi mukang masyado napahiya. Maniwala ka please.

First Love VS True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon