Chapter 12 -(Kidnap?)

13 1 0
                                    

After 1 Month...

Yesha's PoV

Hanggang ngayon malungkot pa rin ako.

Bukas birthday ko na.

Pero hindi ako masaya kasi...

Simula nung gabing hinatid ako ni rain. Kinabukasan feeling ko iniiwasan na nya ako

Pati si bianca at casper ilag din sa akin.

Ilang gabi ko na rin pinag-iisipan kung ano ba yung nagawa kong mali sa kanila.

*Flashback*

(Kinabukasan after sya ihatid ni rain)

Pumasok ako sa school then hinanap ko agad si bianca and casper dahil excited ako magkwento at manghingi na rin ng advice kung ano ang dapat kong gawin.

Nakasalubong ko si casper sa hallway.

"Hi cass! goodmorning! namiss kita bru!" ang saya ng bati ko sa kanya pero tinanguan lang nya ako then nagdiretso na sya agad sa room nila.

Naisip ko na baka masama lang yung gising nya kaya ganun sya.

Pagpasok ko sa room nakita ko na si bianca.

"Hi bru! goodmorning!"

And gaya ni casper hindi din sya nag greet at tinanguan lang din ako.

Hanggang hindi ko na napigilan at kinausap ko na sila pagkatapos ng clase

"Uy guys galit ba kayo sa akin? bakit parang iniiwasan nyo ako?" tanong ko na medyo teary eyed na.

"Yesha wag ka na muna magdrama ngayon sorry pero madami pa akong gagawin bye" nagulat ako sa sinabi ni casper. Then bigla na lag syang umalis.

"Bianca....ano ba nagawa ko bru?" tanong ko sa kanya

"Busy ako yesha kaya hindi na kita napapansin lately kaya mauna na ako ingat ka na lang pauwi" gaya ni casper umalis na lang din sya bigla ng hindi man lang ako pinagsasalita.

Para akong zombie na naglalakad pauwi dahil hindi man lang nila ako sinabay pauwi.

Naisip ko tuloy kung baka pinaplastic na lang nila ako.

Pero siguro nga busy lang sila.

Naglalakad ako pauwi ng may matanaw din ako di kalayuan.

Si rain.

Siguro naman papansinin nya ako diba?

Tumakbo ko para maabutan sya pero hindi ko napansin na may bote ng mineral sa kalsada at nadapa ako.

Narinig ata ni rain yung pagdaing ko dahil lumingon sya.

Nung una muka syang nag-aalala pero mabilis na napalitan yung expression nya. naging blangko.

Lumapit sya sa akin and tinulungan nya akong tumayo.

"Thankyou" sambit ko

Pero gaya nila bianca at casper...

Tinanguan lang nya ako at sinabing.

"Next time wag kang tatanga tanga" tapos naglakad na sya palayo

Feeling ko kinurot yung puso ko sa inasal nya.

Akala ko papansinin na nila ako kinabukasan pero mali pala ako.

Dahil parang paulit ulit lang yung nangyayari.

Ilang linggo na silang ganun hays!

Hanggang sa umabot na ng isang buwan.

First Love VS True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon