By:SeriousJoker II

53 3 0
                                    

***"Qoute"***

Minsan kaligayahan ng ilan ang isang malungkot na awit

Para sa mga pusong nadugo eto ang hulog ng langit.

Na gamot ng tao na napuno ng galit

Kahit kadalasan ang laman ng kanta ay puro pasakit

Bakit?kase nadadama nila na meron silang katulad

At nakikita nilang bukod sa kanila'y merong ibang nabulag

At sa mga dinadala nila merong ibang bumubuhat.

Kaya parang di na silA nag-iisa't meron ibang kausap

Na alam ang nararamdaman na

Pinagdadaan nilA

Sa salitang kanilang napapakinggan tinatamaan sila

Kase ang tadhana ng may akda ay tila gaya nila

Kaya habang pinapakinggan,ang pinipigilan ay pinapalaya nila.

Naranasan mo naba??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon