By:SeriousJoker V:(Naranasan mo naba?)

49 3 0
                                    

Naranasan Mo Na Ba???

Naranasan mo na bang masaktan ng sobra.
Nadi mo mapigilan ang pagpatak ng luha.
Kase kahit pilitin mo'y kusang aagos nalang.
At kahit pilitin mong pakitang ayos kalang
Eh halatadong madyado,kang apektado sa nangyayare
Kahit mag matigas ka't lakas,loob na magsabe
Wala ka ng pake at madami kang pamalit
Di mo kayang takpan ang kasinungalingan at sakit
Na nadarama,magbakasakali ka man na utuin
At lokohin ang sarili mong iba ang gustuhin
Dama mong kulang ang pagkatao mo't di mo kayang buuin
Dahil nasa kanya ang puso mo't di mo kayang tubusin
Kaya nagagawa kong guluhin habang payapa sya
At nagagawa kong kulungin habang malaya sya
Kaya nagagawa kang tuksuhin at nagpaparaya ka
Kase nagagawa lang utuin ng ala-ala nya
*Masaya pa kayong magkasa at magkatabi *
Yun parin ang nasa isip mo sa bawat sandali
Kaya kahit kadalasan naiinis kana kase
Di mo alam kung bakit mo natitiis pa ang hapdi
At ang nakataan nyo di mo malimot at mabitawan
Kahit napalitan na ng kirot ang kasiyahan
Kasi ikot ng mundo mo'y nahinto nang maiwanan
Ka nya't di mo tanggap na ika'y nabigo sa naging laban
Kaya hirap kang tapusin ang kasaysayan nyo
Kase hirap kang baguhin ang nakasanayan mo
Ni di mo kayang asikaduhin ang kalagayan mo
Kaya kinakaya mong akuin ang kasalanan mo
Hanggang ang lahat sa sarili isisisi mo
Pagkat ang gusto ng puso mo ang iniisip mo
Lahat ng nasabi mong masakit ay babawiin mo
At bakA sakaling bumalik pa sya sa piling mo.
Kase pinipilit mo parin ang pinaglalaban
Ang nakaraang matagal nyo nang pinapabayaan
Pero kahit anong gawin mo para sya'y maliwanagan
Hindi ka na nya **MAHAL** kaya bale wala lang
Ayaw mong paniwalaang may hangganan at wakas
Ang isang pagtitinginan at pagmamahalan ng wagas
Kase sa napasok mo di mo alam ang daan palabas
Kaya sa kahapon nyo di makayanang maglayas
At sa kinabukasan di mo matahak ang palabas
Kaya di ka natutulungan ng pagtawag sa taas
Pero pagnarating mo ang pinaka mababang antas
At pag nawalan kang pag-asa ng tuluyan
At napuno ka ng puot na dulot ng kalungkutan
Saka mo malalaman na lahat ay may sukdulan
DI LAHAT PINAGLALABAN may DAPAT din SUKUAN.

Naranasan mo naba??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon