Pagdilat ko ng mga mata ko bigla nalang akong nagulat.At the same time natakot."Pano ko napunta dito"bulong ko nilibot ko ang tingin at wala kong nakita maliban sa walang laman na room kung saan kasalukuyan akong nasa loob.Tiningnan ko ang pinto na ewan ko ba pero feeling ko lumalapit sya sakin napapikit nalang ako.Mas lalong lumalalim ang paghinga ko,mas bumibilis ang pintig ng puso ko.Napahawak nalang ako sa dibdib ko ng marinig ko ang unti unti at matinis na tunog na nagagawa ng pinto na luma na siguro dahil sa super sakit sa tenga at nakakarindi itong pakinggan.
Ng mawala na ang tunog na nagmumula sa pinto,dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko,bigla nalang nanigas ang buong katawan ko sa nakikita kong eksena sa harap ko.
"Hindi,hindi to pwede"halos maiyak ako sa nakikita ko.Nakatingin sya sakin na halos magmakaawa na sya matulungan lang sya.Makikita mo sa mata nya ang kalungkutan,takot,pero makikita mo rin sa mga mata nya ang galit.
"Galit"nabigkas ko ng hindi sinasadya at halos kapusin ako ng hangin dahil sa isang bigla nahawakan nya na ang leeg ko at walang pakundangang sinakal ako.Nahihirapan nakong huminga at desperado na kong makatakas dahil ayoko pang mamatay ayoko mamatay sa ganitong paraan.
"pl-please wa-w-wag m-mo kong pa-p-tay-in"nagmamakaawang sabi ko pero,imbis na bitawan ako mas lalo nya yung hinigpitan at isang pilyang ngiti ang nasilayan ko.
"Hindi naman ako ang mamamatay tao dito HEROINE GIRLS"rinig kong sabi nya bago ako nawalan ng malay at bumagsak sa sahig.
~•••~
Miako p.o.v.
Malalim ang paghinga ko ng magising ako.Halos maubusan na ko ng hangin.
Inilagay ko ang kamay ko sa dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang mabilis na pintig ng puso ko.Napatingin ako sa kisame at halos maiyak ako ng maalala ko yun."*sob* panaginip lang pala or should I say bangungot na hindi ko matakas takasan"bulong ko at naramdaman ko na namang may tumulong luha sa mata ko.Nasira ang buhay ko simula ng mangyari iyon.Isang aksidente na dahilan kung bakit nawala ang pinakamamahal kong mama.At ang aksidenteng gabi gabi nalang kung lumabas sa panaginip ko.Nandoon ako sa pinangyarihan niyon at tandang tanda ko pa ang huling sinabi ni mama sa akin.
"Okay lang si mama baby,wag kang mag aalala,mahal na mahal ka ni mama"
Pagkatapos nyang sinabi yun may tumulong luha sa mata nya tsaka sya pumikit.
"Mama"mahinang sabi ko pero agad akong napabangon at pinunasan ko agad ang mukha kong puno ng luha.
"Miako,gising ka na ba"tanong ni cely(yaya ko) at nakita ko syang dumungaw sa pinto.Agad namang napataas ang kilay ko.
"obvious ba"mataray at sarkastiko kong balik sa walang kakwenta kwenta niyang tanong.Pilit naman syang tumawa tsaka pumasok sa loob ng kwarto.
"Oo nga,alam mo naman medyo praning pag pasensyahan mo nalang"sabi nya napa "tsk" nalang ako.
"Anong medyo baka praning talaga"sabi ko sa kanya at ang loka bigla nalang nag pout.
"Grabe ka ah!pumunta ko rito para gisingin ka at since gising kana bumaba kana at lalamig na pagkain sa baba"dire diretsong sabi nya bago lumabas ng pinto.Ng akala ko nakalabas na sya babalik na sana ako sa pagtulog pero napabangon ulit ako ng marinig kong bumukas yung pinto.
"tandaan mo first day of school ngayon kaya dapat hindi ka mahuli"sabi nya at nag ok sign pa napa buntong hininga nalang ako at dahang dahang nag ok sign sa kanya para ma satisfied lang sya.Ng akala ko nakaalis na naman sya bumukas na naman yung pinto.