Princess p.o.v.
Lahat kami nagstay sa clinic at ni isa samin hindi man lang nagsasalita.Lahat sila seryosong seryoso ni hindi mo mababakas ang emosyon nila.Siguro natatakot din sila di lang nila pinapakita.
Kilala kami hindi lang sa school kaya kahit anong mangyari kailangan naming itago sa kanila na natatakot din kami.Lalo na ako kailangan kong itago na natatakot ako dahil ako na ang susunod.
(BLAG,)
Bigla akong napatingin sa pinto ng pumasok sya.Ang kaninang tahimik na clinic ay nagsimula ng mapuno ng bulong bulungan.Naglakad lang sya ng nakayuko at nagulat ako ng umupo sya sa tabi ko.
Uusog na sana ako ng hawakan nya ang kamay ko.Tsaka palihim na nilibot ang tingin sa paligid.
"Ikaw ba ang susunod"halos mabingi ako sa narinig ko.Agad kong kinuha ang kamay ko at agad na lumayo sa kanya.Nanginginig ang buo kong katawan.
"anong sinabi mo"nagpipigil na sabi ko.Nagagalit ako pero mas kinakabahan ako.Mas tumitindi ang galit ko mas kinakabahan din ako.
"Anong nangyayari dito"bigla nyang hinawakan yung balikat ko kaya bigla ko yung hinila at agad ko syang binalibag.
"Woah"
"OUCH"
Nakita kong tumayo na yung iba at yung iba naman tumingin lang saglit at bumalik agad sa ginagawa nila.
"IKAW"napabalik naman agad yung tingin ko sa kanya at nagulat ako ng sambunutan nya ko.Nagsambunutan kami.
"Tumigil na kayo"
"Woah "
"Ituloy nyo lang"
"I.SAID.STOP"lahat kami napahinto ng may kumalabog at nakita naming sira na yung pinto.
"Sinabi ko ng----"hindi nya na natapos yung sinasabi nya ng bigla syang natumba.At unti unti nalang kumalat yung dugo nya sa sahig.
Lahat kami halos hindi makapaniwala.Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko .
"Nagsisimula na sya"halos lahat kami napalingon sa pulang buhok na babae.Pero hindi katulad ng unang kita ko sa kanya mas nakakapangilabot sya lalo na yung ngiti nya.Isang ngiti ng demonyo.
"Anong ibig mong sabihin"tanong ng babaeng medyo kulot yung buhok.Magsasalita na ulit sana yung kulay pulang buhok na babae ng makarinig kami ng tunog mula sa music box.
At bigla nalang namatay yung ilaw.Puro sigaw ang naririnig ko at mga nagkakagulong kaklase na hindi alam kong saan tatakbo.Nagulat pako ng may bumangga sa akin.Natumba pa ko.
"Kumalma kayo"sigaw ko at maya maya lang huminto at nawala na yung tunog mula sa music box.
Akala namin tapos na pero bigla nalang may tumawa at lumabas ang isang manika na natatapatan ng ilaw.
Wala itong mata at halos magkagutay gutay na ito.Pero napansin naming may zipper yung likod niyon.Unti unting nagkailaw at bigla nalang napako ang tingin ko sa apat na bangkay.Katulad ng manika wala rin itong mga mata at halos magkagutay gutay na ito.Pero mas naagaw ang pansin ko sa letra nila sa ulo.
"Kira"
~••°••~