Chapter 1

27 4 0
                                    

Mistle p.o.v.

Lahat kami nagulat ng biglang hampasin ni Mr. Principal yung lamesa.Nakagat ko nalang ang labi ko at mas lalo pang yumuko.

"Anong nangyari at mahigit 20 studyante ang nakitang walang malay sa cr at mayroon pang isang patay"halos maputol na ang litid ni mr. Principal sa pagsigaw.Saglit kong inangat yung ulo ko at nagkamali ata ako.

"Mind to explain"mataray na sabi nung isa kong co teacher.

"Bago palang sya dito,kaya hindi nya siguro alam ang rules"napalingon kaming lahat sa kanya.

"ano naman kung bago sya"mataray na sabi ulit ng isa sa co teacher.

"May nangyayari sa clinic"lahat kami napatingin sa sumigaw na studyante pero bigla syang natakot at napaatras.

"Sorry po"pagpapaumanhin nya.Agad naman akong lumapit sa studyante at tinanong sya.

"Sa clinic po kasi naggising na po sila"natatakot parin sya pero di ko na pinansin yun at tumakbo na papunta sa clinic.

Hingal na hingal akong dumating sa clinic at andun nga sila.

"I said I want to go home"sigaw nung isa sa studyante.Pumasok ako sa loob at lahat sila napatingin sa akin.

"Tumigil muna kayo sa kakareklamo kumalma lang kayo a----"hindi ko natapos yung sasabihin ko may magsalita na naman.

"At pano kami kakalma kung iniisa isa na kami "pagtapos nyang sabihin yon napabulalas na sya ng iyak.At umiyak na rin yung iba.

"Guys magpakatatag kayo hangga't andito ako hindi ko papayagang may makasakit sa inyo"sigaw ko na parang nangangampanya at lahat naman sila unti unti ng tumigil.

Miako p.o.v.

Nagising ako at agad na hinanap si Riskha pero sinabi nilang wala na daw ang bff ko.

Bakit nangyayari samin ito?

Bakit nya ginawa sa bff ko iyon?

Ano bang nagawa naming kasalanan?

Niyakap ko ang tuhod ko at doon umiyak.Hindi ko manlang natulungan ang bff ko.

"Mia ok na ba"sabi nya habang nakangiti ng sobra sa salamin.Ngumiti ako sa kanya tsaka humarap sa kanya.

"Dati ka pa naman maganda eh"sabi ko bigla naman siyang tumingin sakin at agad na lumapit sakin at sinunggaban ako ng yakap.

"Wahh love you mia"sabi nya at ngumiti pa.

"I hate you more"sabi ko bumitaw nako sa yakap nya.Nakita ko syang ngumiti pero mas lalo akong umatras.

"Hoy anong nangyayari sayo mia"tanong sakin ni riskha pero hindi ako makapagsalita ng bigla naglabas ng kahoy yung nasa likod ni riskha.

Anong gagawin ko?

Binalak ni riskha lumingon kaya lalapitan ko na sya ng biglang hampasin yung ulo nya.May ilan pang tumalsik na dugo sa mukha ko kaya napaupo nalang ako bigla at dahil parang nanlambot yung tuhod ko.Bumagsak sa harap ko ang puno ng dugo kong bff.Napahagulgol ako ng iyak.Lalapitan ko sana sya ng biglang humarang yung kahoy sa harap ko.

"Naaawa kalang sa kanya"bigla naman akong napatingala at tiningnan sya.

"Tinuring mo ba talaga syang kaibigan"bigla namang nag init bigla yung ulo ko.

"Kinukuwestiyon mo ba ang pagkakaibigan namin"sigaw ko at hinawakan yung kahoy na hawak nya"wala kanh karapatang husgahan ako at mas wala kang karapatan saktan ang kaibigan ko"sigaw ko sa kanya at nakipag agawan ng kahoy na hawak nya.

Ngingiti na sana ako dahil naagaw ko na sa kanya yung kahoy pero nakita ko namang ngumisi siya.

"Bye bye"sabi niya kaya mas lalo kong nagtaka at bago pa ko makalingon sa likod may naramdaman na kong humampas sa batok ko,at unti unti nalang lumabo ang paningin ko pero naramdaman kong may isinuksok sya sa palda ko.

"Yung palda"sabi ko at agad na napatayo.Nilibot ko ang paningin ko at napahinto ako ng may marinig ako na tunog.Parang nanggagaling sa isang music box.Nakita ko ang palda ko at agad na lumapit doon.

Nakita kong may 1 message kinakabahan ako ngunit pinindot ko na yun.

KIRA:
May isusunod na ko,hulaan mo kung sino.

~••°••~

Heroine GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon