Did she know him?

69 4 0
                                    

Nagmamadali akong mag prepare for school, di ko kasi namalayan ang oras habang nag jojoging kami ni Maggie nakaka aliw pala talaga pag may kasama na sa pag jojoging.
Galing palang London si Maggie. Grabe no? Half British pala ang lola nyo. Kaya pala parang ang sosyal nya magsalita with accent. Anyways late na talaga ako. It can't be Student Council President pa naman ako.

Nagmadali akong gumayak at sakto naman paglabas ko ng bahay nakita ko ang pinaka makulit na lalake sa buong mundo, walang iba kundi si Charl na dala dala yung bike nya? Weird talaga neto.
Hayyy kaya lagi ko rin gustong pumasok ng maaga dahil ayaw ko di na makasabay ang mokong na to eh. Shemay kung minamalas ka nga naman oh.

"Kyles! Buti naabutan kita ", abot tenga ang ngiti na halos mapunit na ang bungaga nya.

" Pwede ba Charl mamaya ka na mang gulo malalate na ako eh"
Pangtataboy ko naman sakanya.

"Kaya nga hali ka na! Angkas ka na sa Bike ko para mas mabilis"
Ngiting ngiti parin ang isip batang mokong na to habang inaabot sa akin yung pink na helmet. Omyyy God. Dear God Help me please.

"No! Seryoso ka? Mag bibisekleta tayo papuntang school? Papuntang University? Charl! College na tayo baka naman nakakalimutan mo"

Naglakad lakad na ako papuntang Bus stop at nagbabakasakaling may Bus nang dumating, nakasunod parin saken ang isip bata na to, pero di ko sya pinapansin at nakataon lang ang atensyon ko sa pag aabang ng masasakyan.
Pero kung minamalas ka nga naman o! Mahigit 15 mins na ata akong nag aabang wala pa din eh.

"Oy,,, Kung sasakay ba ko sa bisekleta mo eh makakarating ba ako ng school ng less than 30 mins? Kaya ba yun ha?"
Desperada ko ng pagtatanong sa mokong na to. Wala na eh, wala nang choice huhu

"Oo nmn baka nga 15mins lang nasa school na tayo eh , ano Kyles?, tara na? "
Yabang ng mokong nato ah, May pataas taas pa ng kilay na nalalaman eh. Masubukan nga. Wala eh. La ng choice mga friend.

"Halika na nga!, Dalian mo ha? Kundi lagot ka talaga sa akin"

"Yes Boss! Papayag din pala eh sana kanina pa pinagpawisan ka pa tuloy sa pag aantay dun"
Sinuot nya saken ang pink na helmet at pinunasan pa nya ng panyo nya yung noo kong pawis na pawis.

Ewan ko ang lapit ng mukha nya. Kinakabahan ako. Na coconcious ako. Yung pares ng mata nyang singkit pero punong puno ng emosyon, ang matangos nyang ilong at ang mapupula nyang labi.
10 years ago na ng huli ko syang nalapitan ng ganito ka lapit.
Nakakaba. Ang Bilis ng tibok ng puso ko.
Nagtama ang mga mata namin kaya bigla akong natauhan at nahiya kaya ako na ang unang umiwas.

"Ahmm.. Tara na pakibilisan ha?"

Sinuot na din nya ang helmet nyang kulay blue. Tss. De javu.

"Yes boss! Sige kapit ka mabuti ha?"

Kumapit ako sa damit nya. Nagulat ako ng hinawakan nya ang mga kamay ko at iniyakap eto sa bewang nya.

"Sabi ko kumapit ka ng mabuti diba? Baka mahulog ka"

"Tss. Oo na dali tara na"

Nagulat ako ng sobrang bilis nyang pinatakbo ang bike nya. Para kaming lumilipad! Literal kaskasero tong mokong nato!Feeling ko mas mabilis pa takbo namin sa Bus eh. Di ako OA ah' pero dapat di ko sya minaliit! Sobrang bilis talaga nya magpatakbo eh .Malapit pa namin masagasaan yung pusang kalye!

"Aaayyy! Oyy mag da... han da...han ka.. na ...man ayo .. ko pang ma..ma..tay!!!!"

" Ha??? Bilisan ko pa? Sige basta kapit ka ha?"

"Oyy ano hindi sabing ayyyyyyy!!!!!"

Mas mabilis pa syang nagpidal. O God. Please save us po. God Bless our trip po please.

Nakarating na kami ng school. Tama sya in less than 15mins lang nakarating na kami kaso halos naman mahulog ang puso ko!,
Padabog akong bumaba ng bike nya, at pinagsusuntok sya sa braso.

"Grabe ka ha?,Papatayin mo ba ako ha?!!!! Walang hiya ka!"

"Aray! Kyles wait sabi mo bilisan ko ah , wait tignan mo oh' nakarating ka naman ng maaga di ka pa late."

"Tss. Oo na kaso grabe naman paano kung mapahamak tayo? Papatayin mo ko eh"

"Hindi yun mangyayari kailanman okay.? Professional Cycle rider ata ako saka diba? Mga bata palang tayo magaling na ko mag bike lagi nga akong nanalo sa mga competition noon pa eh"

"Tss di ko maala, sige na una na ko!"
Yan na namn sya eh .
Naglakad na ako ng bigla na naman nya ako tinawag at hinabol.

"Wait Kyles!"
"Ano na naman ba?,"
"Yung helmet kasi ..."
"Arggh.. Oo nga pala wait..."
Nagmamadali akong alisin tong helmet nato pero nahihirapan akong alisin ang pagkakatali neto sa may baba ko.

"Ano ba to ang hirap naman neto arghh.. Shems! Ano ba to!,"

"Wait ako na. Ganito lang yan oh click mo lang to. Hahaha lagi mo nalang nakakalimutan noon pa man".

Natulala ako sa kanya dahil ang gwapo gwapo nya kasing tatawa. Nakakahawa. Di ko mapigilan mapangiti din....
Ano???? Wait pinagtatawanan na nga ako natutuwa pa ba ako? Weird mo Kyles.

"Alis na ko byee" tinalikuran ko na sya at tumakbo na

"Ingat kyles!,, mamaya ulit ha?"

Tss di ko mapigilan mapangiti ano ba yan!

Lumingon muli ako sa kanya ngunit ikinagulat ko nang may pamilyar na tao ang nakangiti at nakayap sa kanya ngayon.

"Did she know him?"










Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Childish BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon