No Kiss, No Teddy (The Hey! Mr. Seatmate sequel)

44K 1.8K 435
                                    

“Kyla, say aaah.”

“Uy Daniel, ano ba, akin na nga yan. Ako na magsusubo.”

Kinuha ko yung tinidor na nakaabang na sa bibig ko pero bago ko pa makuha, nilayo na niya sa akin.

“Op! Op! Op! Sabi ko say aaah. Gusto ko ako magsusubo sa’yo. Dali na. Mahuhulog na ‘tong spaghetti oh.”

Okay. Ako na talo. Ayokong magalit pa siya nang dahil lang sa subo.

Actually, gusto ko rin naman eh. Konting pakipot lang. Lels.

“Ahhhhhh.” sabay subo niya sa akin nung spaghetti.

“Ano? Masarap ba?”

“Hmmm! Ang chalap chalap! Pahinge paaaaa.” *pout*

“Yehey! Nasarapan siya sa luto ko! O ano? Pwede na ba akong maging chef?”

“Oo! Sige na. Chef ka na nga! Pahingeeee paaaaaa.”

Eto, puro nalang ako hingi. Pano ba kasi, isang tinidor lang kinuha niya atsaka pinagbawalan pa akong kumuha ng isa pa. Gusto niya daw share eh. Ano siya? Nagtitipid ng hugasin o sadyang ganun lang kasweet?

Kumuha naman siya ng isang twirl ng spaghetti at sinubo sa akin.

“Hmmm! Chalaaap!” pacute kong sabi nang maubos ko na yung sinubo niya.

Uminom ako ng tubig at muntik na akong mabilaukan nang napansin kong titig na titig siya sa akin. Anyare dito? May balak ba siyang tunawin ako?

“Bakit? Anong meron? May dumi ba sa mukha ko? Saan?” Tanong ko sa kanya habang dinig na dinig ko nanaman ang lakas ng tibok ng puso ko at habang pinupunasan ko yung gilid ng bibig ko.

Nabigla naman ako nang bigla siyang lumapit at kiniss ako sa cheeks. “Mamimiss kita, tabs ko.”

Tabs ko? Oo nga pala, Tabs na ang tawag niya sa akin. Short for kaTABi. Seatmate kasi. Kaya eto, “Mamimiss din kita, Cornflakes.”

Cornflakes, tawag ko din sa kanya. Ang corny kasi! Naalala niyo pa ba yung time na nagsigawan kami sa building habang ako yung nasa taas at siya naman yung nasa baba? Yung oras na nagtapat siya sa akin? 5 weeks ago na yun. Ang corny noh! Pero kahit ganun, love na love ko talaga ‘tong seatmate ko.

3 weeks nalang at gagraduate na kami. Magkaiba yung kursong kukunin namin at magkaiba din kami ng school na i-eenrollan. Wala kasi sa school namin yung kursong gusto niya. HRM siya at ako naman ay Architecture. Gusto niya kasing magluto nang magluto. Kaya eto ngayon, nilutuan niya ako ng spaghetti at sinusubo pa sa akin. Nagmukha na tuloy akong bata. Pero bahala na, ang sweet niya lang talaga.

Hey! Mr. SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon