The Surprise (chapter # 01)

124 3 0
                                    

 The Surprise

Characters . .

Dylan: isang cute na cute na basketball player pero torpeng inlove sa kaibigan niyang si Hannah

Hannah: isang sweet, kind and pretty girl, pero isang abandoned child na inampon ni aling Elsa.

Josh: ang heartrob ng campus na kinalolokahan ng halos lahat ng girls, at ang rival ni Dylan sa puso ni Hannah.

Topher: loko lokong bestfiend ni Dylan pero na sa puso ang pagiging supportive na kaibigan.

Emmie: kikay na kaibigan din nila. Bestfriend ni Hannah, na paboritong asarin ni Topher.

Aling Elsa:  ang bruha sa buhay ni Hannah, walang inatupag kundi pera.

PROLOGUE

How complicated it is when you fall-inlove with your friend? Will you keep it or are you going to tell her what she really mean to you  . . . but what if someone came and try to take her heart , will you give up and walk on the seperate way or to remain on the same way and fight for the one you love? . . .

What might be the surprise that is waiting for?  . .  .

CHAPTER #01

ONE DAY . . .

     "hoy! Hannah! Hannah! nasan ka bang bata ka?!  tatakasan mo nanaman ako noh?!" . .

mula sa malaking sliding window. .

"one two three!!"

     tumalon doon si Hannah suot ang kanyang bag pack. may kataasan ang tinalon nya kaya medyo nagkaroon sya ng sprain sa paa at nasira ang shoes nya.

"naku malalate na talaga ako. tsk! nasira pa 'tong sapatos ko."

    nagmamadaling naglakad si Hannah upang umabot sa time ng klase nya. sa kanyang paglalakad may narinig syang kumakaluskos sa likod, agad syang tumingin sa likod pero wala namang tao.nagpatuloy siya sa paglalakad, maya maya ay may narinig nanaman siyang kumakaluskos. lumingon siya ulit pero wala pa rin siyang nakitang tao, pero sa pagharap niya. . . . 

        .. . .isang bunch ng grapes ang bumungad sa kanya, bitbit yun ng isang cute na cute na nakangiting si Dylan.

 "Oh para sa iyo, ibaon mo"

 "Ikaw talaga Dylan lagi mo kong ginugulat, uhm masarap ba 'to?" _ Hannah

"oo nuh, ubusin mo yan huh... .tyaka wag mo ipapamigay sa iba, lalo na dun kay topher." _ Dylan

       Natuwa si Hannah sa narinig, pinagmasdan niya ang gwapong face ni Dylan at napansin niya ang galos sa gilid ng lips nito. 

"oh anung nangyari dyan? tara gamutin natin, siguro nag-away nanaman kayo ng papa mo nuh?"

   sandaling natahimik si Dylan at iniba ang usap.

"naku naalala ko. . . late na tayo, tara sabay ka na, maabutan ka pa ni Aling Elsa dito"

     Excited si Dylan na isinakay si Hannah sa bike niya papuntang school, may kalayuan ang school nila mula sa kanilang tirahan pero bale-wala ang malayong biyahe dahil sa dami ng kanilang masasayang kwentuhan.

     Gustong gusto ni Dylan na naririning ang masasarap na tawa ni Hannah. Para sa kanya, iyon ang isa sa masayang moment sa buhay niya! hayyyy. . . imagine, isang tulad ni Hannah na sweet, caring, kind, na may angelic face ang napapasaya niya na sana ma fall-inlove di sa kanya. At pag nagkataon, sila ang magkakatuluyan, ikakasal at magkakaroon mga cute na babies!

"Hannah! Dylan!"  

Boses yun ng mga friens nilang si Emmie at Topher.

      Dahil sa pagtawag ba iyon, nawala ang moment na kaninang iniisip ni Dylan. . .oo nga pala, nasa school na sila tapos na ang imagination!

"Hannah, halika dali! marami akong ichichika sa yo!" _ Emmie

        Habang ipinapark naman ni Dylan ang bike niya, napansin niyang may naughty smile sa kanya ang kumpare niyang si Topher.

"Oh bakit ganyan ang tingin mo?" _ Dylan

"Uy kaw ah. . .nakita ko yung mga pagngiti-ngiti mo kanina habang magkasama kayo ni Hannah, hmm. . . anu yun pre? kaw ah. . ." _ Topher

"Alam mo, ikaw . . . kung anu-anong iniisip mo, tara pasok na nga tayo"

iyonn na lang ang nasabi ni Dylan, habang pilit na nagpipretend na hindi daw siya kinikilig.

SA CLASSROOM . . .

     Habang busy si teacher sa pagtuturo, busy din si Emmie sa pagkwekwento ng kung anu-anong bagay kay Hannah. At si Dylan busy rin! busy sa pagdodrawing kay Hannah, yun nga lang side view lang ang nakikita niya. Napansin naman ito ng katabi niyang si Topher at ang suggestion: 

"Dun ka kasi sa harapan para di ka mahirapan!"

Agad naman itinago ni Dylan ang ginagawa  nya. 

"may binabasa lang ako dito nuh."

"tsk. . . .tsk, muka namang may pag-asa ka sa kanya e. Kaso hina mo namam kasi pre e!"

sabay hampas ni Topher kay Dylan. 

"Aray! umayos ka nga! " saway ni Dylan 

"Dylan! Topher! anu bang ginagawa nyong dalawa?!" sita ni teacher.

"nag . . .nagkocompute po ma'am!" _ Topher

"Ahh nagkocompute . . . computation sa oras ng English class?!"

nagtawanan ang mga classmate nila.

"Uy, wag kang tumawa . . . mahirap yun dude." sabat ni Topher sa isang classmate.

"kayong dalawa, tumulong kayo sa cleaners na maglilins mamaya." _ Teacher

AT NAGLINIS NGA SILA . . .

     Nagwawalis si Dylan, nang hindi niya namalayang kay Topher na napupunta lahat ng kalat na itinataboy niya. As usual, dahil kay Hannah siya nakatingin at hindi sa nililinis niya.

"Uy pre, anu bang ginagawa mo? ang aliabok ko na oh." _ Topher

"ah sorry  . . . ikaw kasi e, nakaharang ka dyan"

"naman kasi kung san san nakatingin . . . e mukang masama talaga yung tama mo dyan kay Hannah ah, ayihii!" _ Topher

"huh, hindi ah. . yung . . " _ Dylan

hindi pa natatapos ang sasabihin niya ay bigla na lamang siyang tinulak ni Topher kay Hannah. 

"Hannah, may sasabihin yan! " _ Topher

"oh Dylan, anu yung sasabihin mo? " _ Hannah

"Ah kasi ano e . . . yung , yung ah , ahm bale kasi , ah . . ."

"na ano??" excited na si Hannah na malaman yun.

"Na . . . ahm , na . . . na tutulungan na kita dyan, e mukang nahiirapan ka e.'' sagot ng torpeng si Dylan.

"hayy ang sarap mong walisin, dakutin at ipasok sa trash can, alam mo ba yun!" parinig ni Topher kay Dylan pero si Emmie ang tinamaan.

" bakit ba, inaano ba kita?! I hate you! bahala ka maglinis dyan!'' sabat ni Emmie sabay walk out.

"hoy Emmie! tapusin  mo yun uy! " at hinabol habol ni Topher si Emmie.

    ang mga sandaling iyon ang kinaiinisan ni Dylan, hindi niya nanaman nasabi, dinaga nanaman ang dibdib niya, nasayang nanaman ang chance! . . .

END OF CHAPTER # 01

The SurpriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon