The Surprise (chapter # 03)

71 3 0
                                    

CHAPTER #03

THE NEXT DAY . . .

           Maaga pa lang nakatambay na si Dylan, hinihintay ang pagdaan ni Hannah. Lumipas ang one hour  . . . finally paparating na si Hannah, ireready na ni Dylan ang susunod niyang surprise. Dahan dahan syang naglakad at tinakpan ang mga mata ni Hannah.

"Guess who . . ." bulong ni Dylan

"Hoy Dylan, tigilan mo na nga yan , hehe . . alam ko namang ikaw yan e."

napansin ni Dylan na hindi nakauniform si Hannah.

"bakit hindi ka nakauniform? hindi kaba papasok?

bakit Hannah, may sakit kaba? okay ka lang ba huh? sunud sunod na tanong ni Dylan.

"ang dami mo namang tanong. . . " nakita ni Hannah ang paper bag sa bike ni Dylan.

"Dylan para san yan? " tinuro niya ang papaer bag.

"Hannah , hindi mo pa sinasgot ang tanong ko . . . "  napayuko si Hannah at sinabing . . .

"Hihinto na ako sa pag-aaral, tama naman si auntie elsa e . . . 

pabigat lang ako sa kanya, dapat pinagtatrabahuan ko nalang yung pinapakain nya sa akin, 

para may pakinabang naman daw ako . . .

kaya ito nagdedeliver ako ng pagkain"

"pero Hannah, isang taon nalang gragraduate na tayo, tyaka Ppano ako . . . 

ah ang ibig ko sabihin pano kaming mga kaibigan mo? si Emmie, si Topher  . . ." _ Dylan

tumalikod si Hannah para maitago ang sadness sa mukha niya  . . .

" mamimiss ko kayo Dylan, lahat ng mga pinagsamahan natin  . . . 

hinding hindi ko kayo makakalimutan."

matapos yun ay nakangiti siyang humarap kay Dylan.

"at ikaw , hindi mo na kailangan magworry, wala ka nang kailangang sunduin sa umaga 

at ihatid sa hapon. Sige pumasok ka na , late ka na . . .ahm marami pa akong idedeliver."

     aalis na sana si Hannah nang pigilan siya ni Dylan sa braso.

" Hannah . . . makakapag-aral ka pa. " seryosong sabi ni Dylan habang tinatanggal

ang polo niya at nagT-shirt na lang."

"huh??" nalilitong tanong ni Hannah.

"at hindi ako papasok ngayon, dahil tutulungan kitang magdeliver . "

Agad kinuha ni Dylan ang mga idedeliver na pagkain at isinakay sa bike . Nagatataka naman si Hannah habang pinagmamasdan si Dylan.

"oh Hannah,anu pang ginagawa mo dyan? tara na!" Masaya namang sumama si Hannah. . .

at nagdeliver sila kung saan saan.

SA ILALIM NG MANGO TREE. . .

               Habang inaayos ni Hannah ang mga pagkain para sa lunch nila, kinuha naman ni Dylan ang paper bag na naglalaman ng . . .

                        "Sapatos?" _Hannah

Nagsandok ng pansit si Dylan at inabot ang isang plato para kay Hannah.

"di ba nasira yung shoes mo, yan kailangan mo yan, O tara kain na"_Dylan

              Tinitigan ni Hannah ang muka ni Dylan, at nang tinignan sya nito, naconcious sya at tumingin na lang sa pagkain, napangiti nman si Dylan, pagkatapos nun ay bigla nya na lang pinagkukuha ang mga shrimp sa plato ni Hannah.

"O bakit kinain mo yang mga hipon? 

daya mo naman gusto ko yan e, uy. . ."_Hannah

"Wag kang makulit, hindi pwede. . .

baka sumpungin ka ng allergy mo"

Sabi ni Dylan habang patuloy sa pagkain. . .

"alam mong may allergy ako sa hipon?"

napahinto sa pagkain si Dylan, nalaman nya kasi ang mga info tungkol kay Hannah mula sa ilan pang malalapit na kaibigan nito at sa tulong ng masigasig na pag reresearch niya.

 "ahm e kasi, diba, ilang taon na tayong magkasabay kumain sa canteen,

kaya alam ko yung mga pwede at hindi mo pwedeng kainin, 

ang mga favorite mo at ang mga hindi mo gusto." palusot ng thoughtful na si Dylan.

KINABUKASAN . . .

"oh Hannah, akala ko papasok ka? anu pang ginagawa mo dito?!" _ Aling Elsa

"pwede napo akong pumasok sa school??"

"sige na sige na, umalis ka na  . . . " sabi ni aling Elsa habang patuloy sa pagbibilang ng pera.

"talaga po? salamat po! " haping hapi nun si Hannah, kaya naman agad siyang naghanda papuntang school .

          Habang naglalakad si Hannah naisip niya si Dylan, siguradong matutuwa yun sa ibabalita niya. tinignan niya ang wrist watch niya, late na pero hindi pa rin sumusulpot si Dylan . . . . . . .  

tumingin siya sa paligid pero wala pa rin siyang nakitang tao.

"ahem! ako ba yung hinahanap mo?" sa taas nanggaling ang voice na yun, tumingala siya . . . at yun nakita niyang nakatambay si Dylan sa taas ng puno.

"uy anung ginagawa mo diyan? hehe . . . bumaba ka nga diyan" _Hannah

napansin nyang hinihingal pa nun si Dylan .

"oh eto pansit, walang hipon yan!" _ Dylan

"kinain mo nanaman nuh  . . . oo nga pala , may ibabalita ako sa iyo , alam mo ba pinayagan na ako ni auntie Elsa, makakapag-aral na ko!! " _ Hannah

"talaga?! good news yan, sabi ko sayo e. . . kaya ngayon makakahabol ka pa sa mga topnutcher! o anu  . . . pasok na tayo! " _ Dylan

"pero Dylan , mukang flat na yung gulong ng bike mo e" _ Hannah

" ah oo nga nuh, di ko napansin. . . ah ok lang ba Hannah na  . . ." _ Dylan

binukasan ni Hannah ang bag nya at inilabas ang baon na tsinelas, para na rin maprotektahan ang shoes na binigay ni Dylan. 

" tara takbo tayo dali!! " hinitak ni Hannah si Dylan at nagtatakbo sila.

END OF CHAPTER # 03

The SurpriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon