The Surprise (chapter # 07)

25 1 0
                                    

THE NEXT DAY . . .

    Sakay ng bike, tumingin si Dylan sa watch nya.

"tamang tama isa na lang. "

huminto sya sa tapat ng isang bahay.

"ma'am , good morning po, ito na po yung breakfast nyo . . ."

"ah pasok ka . . oh ito"

inabot nung teacher yung bayad.

"oo nga pala Dylan, pasuyo naman . . . pakikabit yung flourescent light dun sa sala. "

"sige po . . . " ikinabit yun ni Dylan.

"sige salamat ah.  . oh ito bayaran ko na"

" ay hindi na po" _ Dylan

"sige  . . e kumain ka muna" 

"hindi na rin po, may . . .may  dadaanan pa po ako e. . ." _ Dylan

"sino, girlfriend nuh"

"ah hindi po . . ." napansin ni Dylan yung rose sa garden.

" ahm ma'am . . . baka po pwedeng sa akin na lang yung rose dun sa garden." 

"sabi ko na nga ba, para sa girlfriend mo"

"si ma'am talaga"

nginitian sya ng teacher.

"sige kunin mo na . . "

"salamat po ma'am" _ Dylan

       Excited na nagbike si Dylan papunta kila Hannah, ibibigay nya kasi yung rose. Pasipol sipol pa nga ito habang papalapit sa bahay nila. .  . 

Pero, nakita nyang nakapark ang car ni Josh, maya maya ay lumabas si Josh at si aling Elsa. Kinuha ni Josh ang bouquet sa kotse para ibigay kay Hannah.

"ah auntie, ihahatid ko na po si Hannah sa school. . ." _ Josh

"oh sige, salamat sa regalo ha. . . ah balik ka ulit hehe. . .

Hannah! bilisan mo dyan, wag mong paghintayin si Josh. . ." _ Aling Elsa

Lumabas si Hannah, tinignan nya ang wrist watch nya at tumingin sa paligid.

"bakit Hannah? " _ Josh

" ah wala. . . " _ Hannah

    nakaalis na sila Josh, at nang papasok na si Aling Elsa, napansin nya si Dylan.

"oh anung ginagawa mo pa dyan?! " _ Aling Elsa

 SA SCHOOL . . .

kanina pa hinahanap ni Hannah si Dylan, hanggang nakita nya to sa likod ng room, pinagmamasdan ang isang rose . . . lalapitan nya na sana ito nang dumating ang isang schoolmate nila na si Gwen . . .

"Hi, ikaw si Dylan diba . . . madalas kasi kitang nakikita, at napapanuod ko rin yung mga laro mo sa court, ang galing mo nga e! . . . ahm ako nga pala si Gwen, senior high na rin ako, alam mo ba, nagkakilala na tayo dati . . . i don't know if you still remember. kaso dumating yung girl . . sino nga ba yun? ah, yung napapabalitang girlfriend ni Josh Santillian, tama yun nga. . . ha. . .Hannah ba pangalan nun? "

"para sa yo. . . " biglang iabot ni Dylan ang hawak nyang rose, natuwa si Gwen at nakita yun ni Hannah.

"aughh. . . thank you, favorite ko 'tong rose e, akala ko nung una nililigawan mo yung si Hannah, lagi kasi kayong magkasama  . . . pero curious lang ako , nagkaroon ka bang ng feelings para sa kanya? . . "

napansin ni Gwen na seryoso pa rin si Dylan.

"ahm ok lang kahit hinsi mo sagu- - - " _ Gwen

"Hindi . . . wala akong feelings para sa kanya. " _ Dylan

The SurpriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon