Kabanata Tatlumpu't Isa
The Freedom
(Finale)
"You already know why."
Umiling siya. Mali si Gian. Hindi niya alam kung bakit. "Bakit gusto mo akong protektahan?"
"Because that's what I'm supposed to do. You know it's my job."
"Shit naman, Gian! Ilang beses mo bang idadahilan na trabaho lang ito? Is kissing me part of your job description?" tumayo si Kisses. Natigilan si Gian.
Hindi na siya makapagtimpi. Gusto na niyang malaman kung ano bang tumatakbo sa isip ni Gian.
"Kung ginagawa mo nang tama ang trabaho mo, hindi mo ako itatago. Hahayaan mong malaman ng mga kasama mo ang tungkol sa akin. But you kept me, you broke rules. You know the risks, mali ang ginawa mo at dahil dito napahamak ka. Ilang beses mo bang ipapahamak ang sarili mo dahil sa 'trabaho'?"
"You don't understand, Khryzzanne."
"Then make me understand!"
"I'm a Hawk. On a day-to-day basis, I'm dealing with life and death. I know that I could die any moment, who knows, maybe I'm just lucky that I'm still alive. Maybe my next assignment will kill me. I know my job very well."
"Oh, thank God, the case is over. Tapos na ang 'trabaho' mo sa akin, at least hindi na konektado sa akin kung sakaling mamatay ka," aniya, sarkastiko upang itago ang sakit na gumuhit sa kanyang kalooban. "Good luck on your next mission."
"So this is where we end our connection?"
"Yes," aniya bago iniwan si Gian.
Naiinis siya. Hindi niya alam kung kay Gian o sa kanyang sarili. Probably both.
Masiyado yata siyang umasa na iba ang isasagot nito. He's just trying to be a hero because he's supposed to be a hero. Nakakainis!
"Yeah, congratulations. You're free now. Good luck and have a happy life," masigla nitong sabi at tinapik ang kanyang balikat pagkatapos ay nagpatiuna.
Ugh! Binilisan niya ang mga hakbang at nilagpasan si Gian.
Hindi siya dapat naghangad ng bagay na hindi naman nito kayang ibalik. Sapo niya ang kanyang dibdib nang kumirot iyon at pinunasan ang luha sa kanyang pisngi.
Mabuti na rin siguro na lumayo na siya kay Gian habang maaga pa, hanggang kaya pa niyang ingatan ang puso niya.
He said that he would protect her and she believed him. But he couldn't protect her heart.
She couldn't protect her heart from him.
Bumalik siya sa silid ng ama. Natutulog ito. Pupuntahan na lang niya sina Krystal at Elixir, magpapaalam na siya, for the first time and the last time.
Malaya na ako... finally!
Sumimangot siya. Parang may pumiga sa puso niya. Bakit ngayon ay ayaw niya yatang maging malaya?
Nang marating ang Narra St. ay gusto niyang umatras. Ngunit nahagip siya ni Gian, kumunot ang noo nito. Pinilit niyang umakto nang kaswal. Hindi nito dapat malaman ang epekto nito sa kanya.
Nakatayo si Gian sa harap ng pinto. Mabigat ang mga paa nang lumapit siya. Siya na mismo ang kumatok bago pa nakapagprotesta si Gian, after all, hindi naman ito ang sadya niya.
"Hello, there, brother... Oh, Kisses!" kumunot na naman ang noo ni Krystal.
"Good thing, you're here. Elixir's been looking for you," nagpalitan sila ng tingin ni Gian. "And by that, I mean both of you."
Natigilan si Kisses nang makita si Mara na nakaupo sa sahig habang nakikipaglaro kay Elixir. She almost forgot about her, she totally slipped off her mind. Hindi niya rin natanong kay Gian ang tungkol sa kaibigan nito.
"Come here, Eli, kiss Mommy Pretty, I'm leaving na..."
Suminghap si Kisses. Mommy?
"Mara is Dessa's best friend. We're all friends since high school."
Ah, another thing she didn't know about him. Kaya pala ganoon na lamang ang tiwala ni Gian dito. Pinigil niya ang pagsimangot.
"There you are," nilingon sila ni Mara pagkatapos ay tumayo.
"Hi, Gian," umirap ito. "Hello, Kisses, how are you?" makahulugan ang tanong nito sa kanya.
"I'm good... in fact I'm here to say goodbye."
To her surprise, nanlaki ang mga mata nito at binalingan si Gian. Tila nag-usap at nagtalo ang dalawa gamit ang mga mata, pagkatapos ay muli siyang nilingon.
"Well then, enjoy your freedom."
Hilaw ang kanyang ngiti.
"Thanks." Nagpaalam ito at tuluyang umalis.
"Aalis na rin ako. Marami pa akong trabaho, kayo na ang bahala kay Eli, bye," ani Krystal at sumunod kay Mara.
Nilingon niya si Gian ngunit agad ding umiwas dahil nakatitig ito sa kanya. He looked as if he couldn't believe that she was standing beside him.
Must be her silly imagination.
"Mara's right. I'm stupid..." bulong nito.
"Huh?"
"Nothing," anito at nilapitan ang anak na naglalaro ng minions.
"What are you doing, Anak?" umupo ito sa tabi ng bata at nakipaglaro.
She smiled.
She felt stupid, for the nth time, for wanting to stay with Gian. Mas kailangan ni Elixir ang atensiyon at pagmamahal nito.
Ayaw niyang maging madamot. Tama na rin siguro na iwan niya ito. He spent too much time trying to protect her when she's just nothing but someone he could use to solve his assignment.
His child needed his protection.
"Mama. Kiss. Daddy." Pumalakpak ito.
"What?" gulat na usal ni Gian. Kumurap si Kisses at kinagat ang ibabang labi.
"Mama. Kiss. Daddy. Gi-an."
Pinaulit niya sa isip ang narinig. Nang matauhan ay nagbuntong hininga.
"Mama Kiss ang tawag niya sa akin."
"Ah..." His shoulder relaxed. Naiinis si Kisses sa hindi malamang dahilan.
"Khryzzanne..." bulong nito.
"Hmmm." Dinampot niya ang isang action figure, as if it was more interesting that Gian calling her.
"Before you leave for good, can you go home with me?"
"Why?" Ilang beses niya bang binanggit ang salitang iyon ngayong araw?
"I've decided that I want my son to live with me. Seeing your father made me realize that you're right. Elixir deserves to have a family, to have a father."
Napangiti siya. That was the best thing sher heard today.
"I saw your paintings and the mural you did at San Isidro. They were amazing..."
Nilingon si ni Gian. His eyes glittered with hope. He smiled and her heart jumped. "Can you help me do his room? This is something Dessa wanted to do, she loved to paint, she wanted to make everything personalized. She wanted to make memories for Elixir to remember. But she couldn't."
"Okay," tamad niya sagot. "Magpapa-alam lang ako kay Papa."
Pinigilan niya ang kurot sa puso nang banggitin nito ang pangalan ng babaeng minahal at marahil ay patuloy na minamahal.
Bakit ko ba inisip na baka mahal niya rin ako?
THANK YOU for making it this far. May EPILOGUE pa. :)
forever love,
Shaniah
BINABASA MO ANG
Captivated By Your Kiss
RomanceKhryzzanne Kylie Constantino has wanted only one thing her whole life. Wala siyang hindi gagawin makamit lamang ang kalayaang matagal nang inaasam. She would do everything just to get away from the family that took everything that she has and made h...