MTB - 2

176 11 2
                                    

Joshua's POV

Hii! Ako si Joshua Garcia. Bad boy sa iba pero good boy sa family and friends. Playboy NGAYON pero NOON hindi.

Meron kasi akong bestfriend, babae siya. Simula nung umalis sila. Naging ganito na ako. Ni-hindi nga siya nagpaalam eh. Oo galit ako sakanya, bakit? Ilang beses ko siyang sinulatan noon pero ni-isa wala akong natanggap pabalik.

Sabi niya ni-minsan hindi niya ako makakalimutan pero bakit ganun? Kaya simula noon pinatay ko na siya sa isip ko. Tinatry ko siyang mawala sa puso ko pero wala eh. Nandito parin siya. Hindi niyo naman ako masisisi diba? Hayyy! Sana mawala ka na Baba.

1 month na ang nakalipas simula nung 1st day of school. Una, natutuwa ako nung makilala ko si Loisa. Masungit pero palangiti! Hahaha! Kaya simula nun, palagi ko na siyang pinagti-trupan. Hayy! Ewan ko ba, feeling ko matagal ko na siyang kilala. Pero minsan nag-iinit ang dugo ko dun! Ewan ko ba. Feeling ko may kasalanan siya sa akin pero ang totoo wala naman.

Araw-araw may sumasabog sa lockers namin ni Loisa. Oo magkatabi kami ng locker akin yung #125. Araw-araw, Punong-puno ng letters ang locker naming dalawa. Eh habulin din siya ng mga lalaki dito eh! Tskk! -_- Di naman ganun kagandahan! Pero maganda! Aissh! Ewan ko ba! Basta yun na yun!

May mga kaibigan ako sina Jacob, Fourth, Fifth, at Daniel. Ngayon, napagtripan namin si Loisa! Hahahaha *evil laugh* Oo evil kasi sobrang sama nitong gagawin namin! Hahahaha. Simple lang.

Maglalagay kami ng isang baldeng tubig sa itaas ng pinto at pag binuksan niya na yun. Splaaassshh! Hahahaha. Kasalanan niya na rin yun kasi nung try-out namin sa basketball pinahiya niya ako. Aba! Malay ko bang marunong siya? At isa pa dun, muntikan na talaga akong hindi makapasok! Tsk. Porket siya nakapasok sa volleyball -_- Feeling maganda ang legs! -,-

"Pare! Andito na si pusa!" Sabi ni Fifth. Oo pusa tawag niyan pero ang totoo siya talaga ang pusa! Hahahaha.

So hinintay naming bumukas ang pinto ng ...

*Splaaaaaaassshhhh*

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawa naming lahat! Hahahaha. Eh paano? Basang-basa si pusa ay este, si Loisa hahahaha.

"Omygod bes Loisa! Okay ka lang?!" Sabi ni Maris. Tsk!

"Loisa! Nakuuu, pumunta ka ng clinic! Sino ba may gawa nito?!"

"Ako! Problema mo?!" Sabi ko kay Nichole, Hindi na nerd yan kasi minake-over nila -_-

"Garcia talaga! Kahit kailan!"

"G-girls-ss- e-excuze m-m-e l-lang." At yun umalis na siya. Pero anong problema? Nakita ko na siyang lumuluha at parang hinang-hina ang mukha.

"Ano ba Joshua! Hindi ka ba titigil?! Hindi mo kasi alam ang pinagdadaanan ni Loisa eh! Hindi mo alam kung ano ang epekto sakanya ng tubig!" Maris

"Leche! Parang tubig lang?? Hahaha!" Pagkasabi ko nun, parang na-guilty ako? Hindi! Hindi pwede! Ginantihan ko lang naman siya ah!

"Kung gusto mo siyang gantihan... Wag yung ganito! Shet ka Joshua!" Sabi ni Nichole. Wow ah!

Umalis na din silang dalawa, mukhang sinundan si Loisa.

"Naku..Pare! Mukhang... Hahaha. Basta wag ka na ma-guilty! Okay lang yan! Nag-iinarte lang yang si Loisa!" Sabi ni Pareng Fourth.

"Oo nga! Alam mo naman yan! Haha!" Daniel

Lahat sila tawa ng tawa. Oo nakakatawa yung itsura niya kanina. Pero bakit parang hindi ko kayang tumawa?

~~

Pumasok na ako sa next class, kaklase ko yung kaibigan ni Loisa na si Manolo. Nagulat ako nang bigla siyang lumapit.

"Garcia, anong ginawa mo kay Loisa?!"

"Wow ah! Lakas ng loob mong sigawan ako! Tsk. Bakit? Boyfriend ka ba niya? Diba kaibigan ka lang niya?"

"Magkaibigan kami na may pinagsamahan. Kung alam mo lang 'yang ginagawa mo, sana matauhan ka. Pipigilin ko muna sarili ko ngayon na saktan. Pero sa susunod na mauulit ito, di na kita palalampasin!" umalis na siya at lumabas ng classroom. Parang tinamaan ako dun sa sinabi niya. Ganun ka ba kasama yung ginawa ko? I mean oo sobrang sama nun, pero diba? Kaya naman niyang magpalit eh tsk. Arte! Uggh!

Hanggang uwian hindi ko na nakita pa si Loisa. Pshhh! Wala din akong balak mag-sorry dun noh! Asa pa siya! Pero nakita ko yung kuya niya kanina.  Alalang-alala yung itsura niya. Ano bang meron? Kung tungkol man yun sa kapatid niya. Kailangan kong alamin kung bakit ganun ang epekto sakanya ng tubig.

Pumunta ako sa Office ng school at sinabi kong titingnan ko yung record ni Loisa. Dean ang Tito ko dito kaya kilala ako. Halos tiningnan ko mga favorited niya. At nagulat ako dun sa fears.. Water. Weaknesses niya marami pero isa din dun ang water. Nabanggit sa biography niya na, na-aksidente siya dati at yun ang dahilan kung bakit siya takot sa tubig.

Ngayon alam ko na. Masama lang ako sa labas, pero hindi sa loob. Kaya mas susundin ko ang nasa look ko kaysa sa labas.

Umuwi na ako at nag-isip kung paano ako hihingi ng tawad sa kanya.

Ranty's POV

Umuwi ako agad kasi nabuhusan daw si Loisa ng tubig. Pag nabuhusan siya, unti-unti siyang nanghihina at susunod at magkakasakit. Putragis man kung sino yung gumawa nito sakanya!

Pumunta ako agad sa kwarto niya at dun ko siya nakitang nanginginig. Tumakbo ako agad sakanya.

"Loisa! Loisa! Gising!"

"K-kuya a-ang l-l-lami-i-ig"

"Sshhh, wait lang.." Hinawakan ko ang ulo niya. Shet! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Sobrang init na ng katawan niya at pinagpapawisan na siya sa doble-dobleng comforter ang nakataklob sakanya. Naka-jacket din siya pero nilalamig parin. Dinala ko na siya sa hospital at pinasunod na lang si Dad.

*Hospital*

"Doc, kamusta po si Loisa?" Tanong ni Dad.

"Hmm. Mr. Andalio masyado pong  malala ang sakit niya. Sobrang taas kaysa noon. Mukhang natuyuan pa ata siya nun nabasa siya. Masyadong malakas ang pag-atake sakanya ng trauma niya. At dahil dun hindi lumaban ang kanyang katawan at hinayaan na lang ng pathogens niya magpatuloy ang sakit sa cells nya." Leche! Masyadong scientific. Nung bata ako pag masyadong scientific ibig sabihin medyo severe. Hayy!

"All she needs is to rest. By the way, kanina nung medyo gising siya. She keeps on saying, Pat? no. Uhm Pot? Potpot? Basta yun yung dinig ko. Mr. Andalio , I've been a doctor at your kids for almost 10 years and I knew what happened 14 years ago. But did Loisa remembered her chilhood already?"

Oo nga pala, nagkaroon ng amnesia si Loisa dahil doon. At tanging naalala niya lang nung gumising siya ay yung aksidente. Ang alam ko may bestfriend siya nung sobrang bata pa niya. Potpot ang tawag niya dun. Pero hindi namin alam ang tunay na pangalan. At dahil sa sinabi ni Doc, mukhang bumabalik ang alaala niya.

"No not yet. My daughter hasn't remember anything about her childhood since the accident happened. That friend of hers whom she calls Potpot is I think her childhood bestfriend."

"Well, you better watched out Mr. Andalio because that is one of the signs that anytime would remember eveything she forget. Pero wag niyong pilitin. Baka mas lalong hindi na niya maalala."

"Okay Doc."

"Okay i will leave now, Goodnight then."

Nag-nod nalang kami ni Dad at pumasok na sa room ni Loisa.

Meant To Be (LoiShua)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon