A/N: After 2 years, nakapag-update na rin. Hahahahaha. Medyo busy sa school. Nasa Vancouver, Canada na rin pala ako. Actually mag 1 yr na sa January 13! So ayern, kamusta naman kayo? Hahaha. Char. Maasar na ako sa snow dito. Huhu. Ilang beses nako nadudulas langya. Hahahaha. Skl. Ge guys. Enjoy! Happy 2017!
~~
Joshua's POV
2 weeks na ang nakalipas simula nung araw na iyon. At simula noon, hindi pa pumapasok si Loisa. Kinausap ako nang isang araw ng kuya Ranty niya. Hindi nagalit sakin yung kuya niya. Pero humingi lang ako ng tawad kay Loisa, okay na daw sakanya at sa ama niya. Yun naman talaga ang gagawin ko eh, kaso hindi nga siya pumapasok kaya hindi ko alam kung paano. Hanggang sa naisipan kong kausapin si Jacob.
"Brad.. Pwede magtanong?"
"St. Lukes Hospital, room 17." Biglaang sabi ni Jacob.
"Sinagot ko lang ang tanong mo. Diba ang itatanong mo sa akin kung saang hospital si Loisa?"
"Ano?! Nasa ospital si Loisa?"
"Ay? Hindi mo pa pala alam?"
Magre-react ba ako kung hindi ko alam. Tsk.
"Hindi eh. Akala ko ayaw niya lang pumasok."
"Pwes, malala ang sakit niya ngayon. Kaya kung ako sayo, bisitahin mo siya dun."
"Salamat pare ah."
"Walang anuman."
Sa totoo lang napaka-swerte ni Loisa. Alam ko malaki ang kasalanan ko sakanya pero ni minsan hindi nagalit ang tatay niya at ang kuya niya. Si Manolo naman pinatawad ako kaagad at ang mga kaibigan niya. Inintindi nalang yung ginawa ko. Napaka-bait nila.
Simula din nung nakilala ko si Loisa, may kakaiba na akong naramdaman sa kanya. Parang magkakilala na nga kami noon pa. Simula din noon hindi na ako nambababae at pumupunta sa bar. May kakaibang lakas ata si Loisa na hinila ako papalayo sa mga kababalaghang ginawa ko.
"Hoy! Tulaley na naman si fafa Joshua." Fifth.
"Tumigil ka nga Fifth! Di bagay!"
"Edi hindi bagay! Sus. Ano ba kasi 'yang iniisip mo?"
"Hindi ano Fifth. Kundi sino?" Daniel.
"Oo nga brad. Sino?" Jacob.
"Hindi rin ano o sino. Kundi parehong ano at sino!" Huh? Anong pinagsasabi ni Fourth.
"Hoy Fourth! Ano na naman yang sinasabi mo?" Fifth.
"Sino ang iniisip ni Joshua? Obviously, si Loisa na yun at ano ang gagawin niya para humingi nang tawad kay Loisa. Oh ano? Tama ba ako J?" Fourth.
Grabe tong si Fourth kilalang-kilala talaga ako!
"Silence means yes brad." Fourth.
"Oo na. Tama ka. Hayyy. Pupuntahan ko siya mamaya sa hospital."
"Talaga?!" tuwang-tuwang sabi nila Jacob at Fifth. Seryoso anong meron?
"Oo bakit? Ang saya niyo pa ah!"
"HAHAHAHA." Silang lahat.
"Sira-ulo! Oh sige mamaya ah! Kanya-kanyang lakad!"
"Leggo!" Sabi nilang lahat.
~~
Maris' POV
Last subject na namin at talagang gusto ko ng puntahan si Loisa.
"Okay class! Do whatever you want, pero wala munang uuwi. May 40 minutes pa kayo. May gagawin pa kasi ako sa office ko eh."
"Eh ma'am paano na yan? Hindi na tayo magl-lesson?" Nichole.
"Wag na! Tinatamad na akong magturo! Ge bye!" At yun parang si flash kung tumakbo. May lakad?! O natatae lang? Hahahahaha. Tsaka favorite teacher namin yan. Tamad talaga magturo hahahaha.
Naggitara lang kami at tumugtog hanggang sa nag-uwian na.
Loisa! Papunta na ako! Hehe.
~~
A/N: Antayin ang next update hehe.